backup og meta

Para saan ang Mucosolvan? Alamin dito

Para sa Mga Gamit

Para saan ang Mucosolvan?

Ang mucosolvan ay isang ng uri ng gamot na kilala bilang mucolytics. Gumagana ang mucolytics sa pamamagitan ng pagbawas ng mucus viscosity sa itaas na bahagi ng airway upang malinis ang daanan ng hangin na ito. Nakapagpapabuti ang Ambroxol ng pulmonary surfactant production at nag-si-stimulate ng ciliary activity. Ito ay nagreresulta ng pagpapabuti ng daloy ng mucus at transport (mucociliary clearance). Ang pagpapabuti ng fluid secretion at paglilinis ng mucociliary ay nagpapawala ng ubo. 

Ang mucosolvan ay nagpapagaling ng mga sumusunod na kondisyon:

  • Acute bronchopulmonary diseases
  • Chronic bronchopulmonary diseases

Paano ko Iinumin ang Mucosolvan?

Para saan ang mucosolvan? Ang gamot na ito ay mabibili bilang oral tablet, capsule, at syrup. Kailangan na makonsumo ang tableta at capsule sa pamamagitan ng pag-inom nito nang hindi nginunguya o dinidikdik. Ang syrup ay kailangan na masukat sa pamamagitan ng medical-grade cup o spoon. Kailangan na makonsumo ito na mayroon o walang kinakain.

Paano ko Itatago ang Mucosolvan?

Paano itatabi ang mucosolvan? Ang gamot na ito ay kailangan na itago sa temperatura ng kwarto (<30°C) at iwasan ang sinag ng araw at moisture. Laging tingnan ang label bago gumamit ng produktong ito. Para sa kaligtasan, ilayo ito sa mga bata at alagang hayop.

Huwag gumamit ng mga gamot na expired, sira ang seal ng produkto, o nagbago ang kulay, amo, o consistency.

Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagtapon sa drain, inidoro, o sa paligid. Tanungin ang iyong pharmacist tungkol sa tamang paraan ng lokasyon ng pagtatapunan.

Pag-iingat at babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Mucosolvan?

Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung:

  • May allergic reaction sa Mucosolvan o ibang mucolytics
  • May history o allergy sa ibang mga gamot, pagkain o ibang substances
  • Kung gumagamit ng ibang mga gamot
  • Kung may kasalukuyang kondisyon sa kalusugan

Ligtas ba ito habang nagbubuntis o nagpapasuso?

Ang gamot na ito ay nagko-cross sa placenta. May kakulangan sa ebidensya mula sa pag-aaral sa tao na nagkakaroon ng masamang dulot ito sa fetus kung iinumin habang buntis. Ang gamot na ito ay kailangan lamang gamitin habang nagbubuntis, kung ang potensyal na benepisyo ay makalalamang sa potensyal na banta sa fetus, gaya ng kung paano tinukoy ng iyong doktor.

Maaaring lumabas ang gamot na ito sa gatas ng ina. Ang gamot na ito ay kailangan lamang gamitin habang nagpapasuso kung ang potensyal na benepisyo nito ay gayundin–lamang sa maaring pinsala, gaya din ng tinukoy ng iyong doktor.

Side effects

Anong side effects na maaaring mangyari habang gumagamit ng Mucosolvan?

Lahat ng mga gamot ay may potensyal na side effects kahit na gamitin nang normal. Maraming mga side effects na tungkol sa dose at masosolusyonan kung ia-adjust o ihihinto ang paggamot.

Ang mga potensyal na side effects habang gumagamit ng gamot na ito ay:

  • Immune system disorder
  • Skin at subcutaneous disorders
  • Pagkahilo, pagsusuka, pagtatae
  • GI disturbances

Humingi agad ng medikal na atensyon kung nakaranas ng mga seryoso at maaaring nakamamatay na drug interactions:

  • Anaphylactic reaction
  • Steven-Johnson Syndrome (SJS)
  • Toxic epidermal necrolysis (TEN)

Maaari mong maranasan ang ilan, wala, o ibang side effects na hindi nabanggit sa itaas. Kung may mga tanong tungkol sa side effect o nag-aalala, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.

Interactions

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Mucosolvan?

Ang gamot na ito ay walang tiyak na interaction sa ibang gamot. Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang dito ang niresetang gamot, hindi nireseta, at halamang gamot) at sabihan ang iyong doktor at pharmacist.

Kung nakaranas ng malalang drug interaction, huminto sa paggamit ng gamot at ipagpatuloy ang paggamit ng ibang gamot na kinokonsumo. Sabihan agad ang iyong doktor upang masuring muli ang plano sa paggamot. Ang iyong dose ay maaaring ma-adjust, mapalitan ng ibang gamot o ihinto ang paggamit nito.

Nag-i-interact ba ang pagkain at alak sa Mucosolvan?

Wala itong kilalang interaction sa pagkain o alak.

Ipaalam sa iyong doktor o pharmacist kung may mga alalahanin tungkol sa food-drug interactions.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Mucosolvan?

Ang gamot na ito ay kailangan na makonsumo nang may pag-iingat kung may mga sumusunod na kondisyon o banta:

  • Hypersensitivity sa ambroxol
  • Bihirang namamanang kondisyong pangkalusugan na maaaring hindi mag pa-akma sa sistema ng iyong katawan sa produktong ito

Ipaalam sa iyong doktor o pharmacist kung may mga alalahanin tungkol sa tiyak na kondisyon sa kalusugan.

Dosage

Ang impormasyon na ibinigay ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kailangan mong LAGING konsultahin ang iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng Mucosolvan. 

Ano ang dose ng Mucosolvan para sa matanda?

Sustained-release capsules 75 mg preparation

  • Uminom ng 1 capsule kada araw kasama ng isang basong tubig

Tablets 30 mg formula preparation

  • Uminom ng 1 tableta, 3 beses kada araw na may isang basong tubig o
  • Uminom ng 2 tableta, 2 beses kada araw na may isang basong tubig

Syrup 15 mg/5 mL preparation

  • Uminom ng 10 mL 3 beses kada araw

Syrup 30 mg/5 mL preparation

  • Uminom ng 10 mL dalawang beses kada araw

Ano ang dose ng Mucosolvan para sa mga bata?

Syrup (infant drops) 6 mg/mL

  • Edad 6 na buwan o mas bata pa: 0.5 mL dalawang beses kada araw o 6 mg/kada araw.
  • 7-12 na buwang gulang: 1.0 mL dalawang beses kada araw o 12 mg/kada araw.
  • Edad 13-24 na buwan: 1.25 mL dalawang beses kada araw o 15 mg/kada raw

Syrup 15mg/5mL preparation

  • Edad 6-12 taon: 5 mL (1 tsp.) 2-3 beses kada araw
  • 2-5 taong gulang: 2.5 mL (½ tsp,) 3 beses kada araw
  • Edad 2 taon pababa: 2.5 mL (½ tsp.) 3 beses kada araw

Syrup 30 mg/ 5 mL preparation

  • Edad 6-12 taon: 5 mL (1 tsp.) 2 hanggang 3 beses kada araw
  • 2-5 taon gulang: 2.5 mL (½ tsp.) 3 beses kada araw
  • Edad 1-2 taon: 2.5 mL (½ tsp.) 2 beses kada araw

Paano nabibili ang Mucosolvan?

Ang gamot na ito ay mabibili sa mga sumusunod na dosage forms at tapang:

  • Sustained-release capsule 75 mg
  • Tablet 30 mg
  • Syrup 15 mg/5 mL, 30 mg/5 mL
  • Infant syrup 6 mg/mL

Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?

Kung magkaroon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang gagawin kung sakaling nakaligtaan ang dose?

Kung nakalimutan ang dose ng gamot na ito, inumin sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan na ang nakalimutan na dose at inumin ang regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag magdoble ng dose.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Mucosolvan. https://www.mims.com/philippines/drug/info/mucosolvan?type=full. Accessed July 19, 2020

Ambroxol. https://www.mims.com/philippines/drug/info/ambroxol?mtype=generic. Accessed July 19, 2020

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement