Mga Gamit
Para saan ang Moriamin S-2?
Ang moriamin S-2 ay preparation na naglalaman ng essential at non-essential amino acids, glycine, at sorbitol. Kinokonsidera ang amino acids na building blocks ng protina, dahil sa nilalaman na nitrogen. Ito ay kailangan para sa synthesis ng mahahalagang substances tulad ng neurotransmitters, hormones, at muscle fibers.
Ang mga essential amino acids ay hindi kayang ma-synthesized sa katawan ng tao at kailangan na makuha mula sa mga pagkain tulad ng karne at iba pang pinagmumulan ng protina. Ang non-essential amino acids ay kadalasang nakukuha sa series ng intracellular metabolic na proseso.
Nakagagamot ang Moriamin S-2 ng mga sumusunod na kondisyon:
- Hypoproteinemia
- Malnutrisyon
- Pre-at post-operation
Paano ko Iinumin ang Moriamin S-2?
Nabibili ang Moriamin S-2 bilang parental solution para sa infusion. Ito ay itinuturok sa pamamagitan ng intravenous (IV) route at hindi dapat na ikonsumo bilang oral solution. Ang dose ay kailangan na dahan-dahan sa pamamagitan ng IV infusion upang mabawasan ang injection site irritation at adverse effects. Kailangan na isagawa ito ng lisensyadong health professional.
Paano ko itatago ang Moriamin S-2?
Para saan ang Moriamin S-2? Ang gamot na ito ay kailangan na itago sa temperatura ng kwarto (<30°C) at kailangan na protektahan mula sa liwanag at moisture. Huwag hayaan na ma-freeze ang produktong ito. Mangyayari ang crystallization sa mababang temperatura. Bago gamitin, painitin ito sa 50-60°C at isagawa ito kung ang temperatura ay bumaba sa normal na temperatura ng katawan (~37°C).
Laging tingnan ang label bago gamitin ang produkto. Huwag gamitin kung expired, natanggal ang seal, o nagbago ng kulay, amoy, o consistency ang produkto. Para sa kaligtasan, ilayo sa mga bata at alagang hayop.
Huwag itapon ang produktong ito sa drain, inidoro, o sa paligid. Tanungin ang iyong pharmacist tungkol sa tamang paraan at lokasyon ng pagtatapunan nito.
Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Moriamin S-2?
Bawat amino acid preparation ay uniquely blended at dinesenyo upang gamutin ang metabolic disorder, supplement nutritional requirements, o magpunan ng mga kakulangan. Ang Moriamin S-2 ay maaaring hindi akmang kapalit para sa ibang amino acid na solution sa paggamot ng tiyak na kondisyon.
Ito ay naglalaman ng sodium at chloride pandagdag sa amino acid. Kaya’t kailangan nang matamang pag-monitor sa balanse ng electrolyte kung bibigyan ng electrolyte solution na maraming dose.
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung:
- Kung mayroon kang adverse reaction sa Moriamin S-2 o ibang amino acid preparation
- May history ng allergy o ibang mga gamot, pagkain, o ibang substances
- Kung gumagamit ng ibang mga gamot, lalo na ang ibang mga pinagmumulan ng electrolytes
- Kung may kasalukuyang kondisyon sa kalusugan tulad ng congestive heart failure
Ligtas ba ito habang nagbubuntis o nagpapasuso?
Para saan ang Moriamin S-2? Habang nagbubuntis, kinakailangan ng mas maraming protina at amino acid upang suportahan ang maternal na kalusugan at ang paglaki ng fetus. Sa pangkalahatan, ang amino acid ay ligtas, ito ay kailangan pa sa tiyak na mga kaso. Gayunpaman, ang uri at doses ng amino acids ay kailangan na iba-iba sa bawat pasyente.
Ang preparation ay kailangan na gawin habang nagbubuntis kung kinakailangan lamang.
Ang gamot na ito ay maaaring lumabas mula sa gatas ng ina. Kailangan lamang na gamitin ito habang nagpapasuso kung kinakailangan.
Side Effects
Ano ang side effects na maaaring mangyari sa paggamit ng Moriamin S-2?
Lahat ng mga gamot ay may potensyal na magkaroon ng side effects kahit na normal na gamitin. Maraming mga side effects ang tungkol sa dose at masosolusyonan kung ia-adjust o ihihinto ang gamutan.
Ang mga potensyal na adverse effect habang ginagamit ang gamot na ito ay:
- Hypersensitivity reactions (hal. rash)
- Pagkahilo, pagsusuka
- Pananakit ng dibdib
- Palpitations
- Acidosis
- Chills
- Lagnat
- Sakit ng ulo
- Vascular pain
Maaari kang makaranas ng ilan, wala o ibang mga side effects na hindi nabanggit sa itaas. Kung may mga katanungan tungkol sa side effect o may inaalala, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Moriamin S-2?
Para saan ang Moriamin S-2? Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa kahit na anong gamot. Upang makaiwas sa potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na rito ang nireseta, hindi niresetang gamot, at halamang gamot) at ipaalam sa iyong doktor o pharmacist.
Ang mga kilalang gamot at ang interactions sa Moriamin S-2 ay:
- Electrolyte solution
- Posibleng banta ng hypernatremia at hyperchloremia
Kung nakaranas ng adverse drug interaction, huminto sa paggamit ng gamot na ito at ipagpatuloy ang paggamit ng kinokonsumong gamot. Agad na ipaalam sa iyong doktor upang masuring muli ang plano sa gamutan. Ang iyong dose ay maaaring kailangan i-adjust, palitan ng ibang gamot, o ihinto ang paggamit ng gamot.
Ang mga pagkain at alak ba ay may interaction sa Moriamin S-2?
Walang mga tiyak na pagkain o interaction sa alak ng gamot na ito.
Ipaalam sa iyong doktor o pharmacist kung may mga inaalala tungkol sa food-drug interactions.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Moriamin S-2?
Ang gamot na ito ay kailangan na ikonsumo na may pag-iingat kung ikaw ay mayroon ng mga sumusunod na kondisyon o banta nito:
- Abnormal amino acid metabolism
- Metabolic acidosis
- Electrolyte imbalance
- Congestive heart failure
- Diabetes mellitus
- Renal disorders
- Mga pasyenteng matatanda (>60 na taong gulang)
Ipaalam sa iyong doktor o pharmacist kung may mga inaalala tungkol sa tiyak na kondisyon sa kalusugan.
Dosage
Ang impormasyon na ibinigay ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kailangan na LAGING konsultahin ang iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng Moriamin S2.
Ano ang dose ng Moriamin S-2 para sa matanda?
- Isagawa ang 20-500 mL nang dahan-dahan sa akmang vein
- Rate ng infusion: 200 mL sa 80 hanggang 100 na minuto (nasa 30 hanggang 40 drops kada minuto). Gumamit ng mas mabagal na rate sa mga bata, matatanda, at mga pasyenteng nasa mahinang kondisyon.
Tandaan: Lahat ng dose ay kailangan na kalkulado at adjusted base sa edad ng pasyente, sintomas at bigat ng katawan.
Ano ang dose ng Moriamin S-2 para sa mga bata?
Ang nirerekomendang dose ng Moriamin S-2 sa mga bata ay hindi pa tukoy. Konsultahin ang doktor o pharmacist para sa alternatibo at marami pang impormasyon.
Paano nabibili ang Moriamin S-2?
Ang gamot na ito ay mabibili sa mga sumusunod na dosage forms at tapang:
- Parenteral solution para sa injection in 20 mL ampules, 200 mL vials, at 500 mL vials
- Kada 20 mL ng solution ay naglalaman ng: 0.11 g L-isoleucine, 0.246 g L-leucine, 0.446 g of L-lysine HCl, 0.142 g L-methionine, 0.174 g L-phenylalanine, 0.108 g L-threonine, 0.036 g L-tryptophan, 0.122 g L-valine, 0.16 g L-arginine HCl, 0.08g L-histidine HCl, 0.2 g glycine, 1 g D-sorbitol, total nitrogen: 13.1 mg/mL, sodium (Na) 18 mEq/L, chloride (Cl) 182 mEq/L
Ano ang gagawin kung sakaling may emergency o overdose?
Kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin kung nakaligtaan ang dose?
Kung nakaligtaan ang dose ng gamot na ito, inumin sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at komonsumo ng regular na dose base sa schedule. Huwag magdoble ng dose.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.