Ang Horny goat weed (Epimedium grandiflorum L.) ay isang damong karaniwang ginagamit sa tradisyunal na gamot ng Tsino.
Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD · Pharmacology
Ang Horny goat weed (Epimedium grandiflorum L.) ay isang damong karaniwang ginagamit sa tradisyunal na gamot ng Tsino.
Kasalukuyang kulang ang impormasyon ng clinical trial, samakatuwid ang eksaktong mekanismo kung paano ito gumagana ay hindi pa natutukoy. Batay sa ilang mga pag-aaral sa hayop, ang mga aktibong sangkap ng horny goat weed ay kinabibilangan ng flavonoids at phytoestrogens. Tila nag-po-promote ito ng paglabas ng nitric oxide sa erectile tissue at mga daluyan ng dugo, na nag-aambag sa pagpapababa ng presyon ng dugo at pagpapabuti ng daloy ng dugo sa male genitalia at sa puso. Nagpapakita rin ito ng inhibitory action laban sa HIV virus at viral myocarditis.
Bago gamitin ang damong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay/may:
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng damong ito sa mga buntis at nagpapasuso. Gayunpaman, malamang na hindi ito ligtas na inumin dahil sa mas mataas na panganib ng pagdurugo at ang nilalamang phytoestrogen nito. Ipinapakiusap na palaging kumunsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago uminom ng anumang gamot.
Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang produktong ito. Kung nangyari ang mga ito, ang mga side effect ay karaniwang mild at nawawala kapag natapos na ang gamutan o binabaan ang dosage. Ang ilang naiulat na mga side effect ay kinabibilangan ng:
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Bilang karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng iba pang mga epekto. Kaya, kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa side effect, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.
Mga gamot na may posibleng interaction:
Kung nakakaranas ka ng masamang interactions sa gamot, ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor upang muling suriin ang iyong treatment plan. Kasama sa mga diskarte ang pagsasaayos ng dosage, pagpapalit ng gamot, o paghinto ng therapy.
Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Sa ngayon, wala pang naitatakdang dose para sa horny goat weed. Ang mga available na supplements sa merkado ay karaniwang may dosage strength na 250 hanggang 500 mg. Dapat itong inumin isang beses o dalawang beses sa isang araw, kasama ng pagkain.
wala pang naitatakdang dose para sa pediatric. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Mahalaga palagi na maunawaan nang lubos ang kaligtasan ng gamot bago gamitin. Mangyaring kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa karagdagang impormasyon.
Ang horny goat weed ay available sa mga sumusunod na dosage forms:
Bihirang makaranas ng toxicity mula sa mataas na dosage ng mga vitamin supplements. Gayunpaman, sakaling magkaroon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa nakaiskedyul. Huwag uminom ng dobleng dose.
Matuto nang higit pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap