Himox ang pangalan ng brand ng amoxicillin. Isang penicillin-type ng antibiotic ang amoxicillin. Sumasama ang amoxicillin sa mga penicillin-binding proteins (PBPs) na ilang mga bacterial cell wall. Pinipigilan ng pagsasama na ito ang normal na crosslinking at nagreresulta sa mahinang cell wall na pumuputok at pumapatay ng bakterya.
Ngunit walang epekto ang antibiotic sa mga viral infection.
Mga gamit
Para saan ang Himox?
Isang malawak na spectrum ng antibiotic ang amoxicillin na ginagamit bilang gamot sa mga sumusunod na bacterial infection:
- Mga impeksyon sa upper at lower respiratory tract, kabilang ang impeksyon sa tainga, ilong, at lalamunan (halimbawa nito ang acute otitis media)
- Mga impeksyon sa gastrointestinal tract
- Mga impeksyon sa genitourinary tract
- Mga impeksyon sa balat at structure ng balat
- Mga impeksyon sa buto (halimbawa nito ang osteomyelitis)
- Mga impeksyon sa gall bladder o biliary tract
- Mga impeksyon sa helicobacter pylori ((kasama ang iba pang mga gamot)
- Lyme disease
- Dental abscess (karagdagan sa surgical management)
Paano gamitin ang Himox?
Nasa uri ng oral drop, suspension, at capsule ang Himox. Inumin dapat ang oral capsule sa pamamagitan ng bibig nang hindi nginunguya at dinudurog. Kinakailangan ang reconstitution (paghahalo) para sa oral drops at suspension gamit ang malinis na inuming tubig. Maaari itong inumin nang may kinain o walang kinain, na susundan naman ng isang basong tubig.
Paano itabi ang Himox?
Itabi ang gamot na ito sa loob ng room temperature (<30°C) at malayo sa ilaw at moisture. Huwag patigasin ang produktong ito. Parati ding tignan ang label bago gamitin ang produkto. Para sa kaligtasan, marapat na ilayo ito sa maaabot ng mga bata at alagang hayop.
Huwag gamitin kung lumagpas na sa nakalagay na expiration date, nasira ang seal ng produkto, o nagbago ang kulay, amoy, o consistency ng gamot. Itabi ang reconstituted suspension sa loob ng refrigerator hanggang 14 na araw, o 7 araw lang sa loob ng room temperature.
Huwag itapon ang produktong ito sa drain, inidoro, o sa kapaligiran. Kumonsulta muna sa iyong pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.
Alamin ang mga pag-iingat at babala
Bukod sa kaalaman kung para saan ang Himox, mahalaga ring malaman kung kailan ito ipinagbabawal.
Ano ang dapat malaman bago gumamit ng Himox?
Bago gumamit ng gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung:
- Nagkaroon ng allergic reaction sa amoxicillin
- May history ng allergy sa ibang gamot, pagkain, o substance
- Umiinom ng iba pang gamot
- May iba pang kondisyon sa kalusugan
Ligtas ba ito tuwing nagbubuntis o nagpapasuso?
Nasa category B ng pregnancy risk ang gamot na ito. Wala pang natutukoy at tiyak na pag-aaral sa paggamit ng amoxicillin sa mga buntis, ngunit, mayroong mga pag-aaral na ginawa sa mga hayop ang nagsasabing wala itong dalang panganib sa fetus. Kaya maaari lamang gamitin ang gamot na ito tuwing nagbubuntis kung ibinigay ng doktor.
Maaaring maipasa ang amoxicillin sa breastmilk. Kaya gamitin lamang ito habang nagpapasuso kung inaprubahan ng iyong doktor.
Mga Side Effect
Ngayong alam na natin kung para saan ang Himox, ano ang maaaring side effects nito?
Ano ang mga side effect na maaaring magmula sa Himox?
May potensyal ang lahat ng gamot na magbigay ng side effect kahit sa normal nitong paggamit. Karamihang may kinalaman sa dose ang mga side effect at nawawala agad kapag binago ang dose o tapos na ang gamutan.
Kabilang ang mga sumusunod sa mga posibleng side effect ng paggamit ng gamot na ito:
- Pagduduwal, pagsusuka
- Pagtatae
- Black “hairy” tongue
- Colitis
- Mild allergic reaction
- Pagbabago ng kulay ng ngipin
Hindi karaniwan na malubhang reaksyon:
- Hepatitis
- Nephrotoxicity
- Blood abnormalities
- Anaphylactic reaction
- Kombulsyon
Maaaring makaranas ng ilang side effect, wala, o iba pang side effect na hindi nabanggit sa taas. Kung makaranas ng malubhang reaksyon sa gamot, marapat na itigil kaagad ang pag-inom sa gamot na ito. Kaya kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect o maging nakapipinsala ito, ipinapakiusap na kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Alamin ang mga interaction
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Himox?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamot. Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.
Mga gamot na may interaction sa Himox:
- Allopurinol – Malaking posibilidad na magkaroon ng pantal
- Anticoagulants – Kaunting pagpapatagal ng prothrombin time
- Bacteriostatic agents – Maaaring hindi maging mas epektibo ang amoxicillin
- Beta-lactamase inhibitors – Napapabuti ang epekto ng amoxicillin
- Digoxin – Tumataas ang absorption ng digoxin
- Methotrexate – Pagpapababa ng renal clearance ng methotrexate
- Oral contraceptives – Pagpapahina sa bisa ng contraception
- Probenecid – Maaaring magresulta sa pagtaas at matagal na lebel ng amoxicillin
Kung makaramdam ng masamang drug interaction, agad na ihinto ang pag-inom ng Himox at ipagpatuloy ang kasalukuyang iniinom na gamot. Ipagbigay-alam ito sa doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang pagbabago ng dose, pagpapalit ng gamot sa iba pang gamot, o pagtigil ng pag-inom ng gamot na ito.
Nag-i-interact ba ang Himox sa pagkain at alak?
Maaaring inumin ang gamot na ito nang may kinain o walang kinain, dahil walang nakikitang interaction dito. Wala ring nakikitang interaction ang alak sa gamot na ito.
Ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist kung may pag-aalala tungkol sa anumang food-drug interaction.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Himox?
Mag-ingat sa pag-inom ng gamot na ito kung mayroon ng mga sumusunod na kondisyon o risk factor:
- Sakit sa bato
- Clostridium difficile – may kinalaman sa pagtatae
Ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist kung may pag-aalala partikular na sa kondisyon sa kalusugan.
Unawain ang dosage
Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng Himox. Ang mga dosage na nakasulat dito ay maaaring magbago depende sa bawat tao lalo na sa mga bata kung kaya’t mas mabuti kung itanong niyo muna sa doktor kung appropriate na gamitin ang Himox.
Ano ang dose ng Himox para sa matanda?
- Uminom ng 250 mg hanggang 500 mg kada 8 na oras o 500 mg bawat 12 na oras, ayon sa uri at kalubhaan ng impeksyon.
- Maximum dose: 6 g bawat araw sa hinati-hating dose.
Ano ang dose ng Himox para sa bata?
- Mga bagong panganak at mga batang hindi lalagpas sa 3 buwan: magbigay ng 20 to 30 mg/kg ng body weight kada araw sa hinati-hating dose, bawat 12 na oras.
- Mga batang nasa edad 3 buwan pataas at mga batang hindi lalagpas sa 40kg ang timbang: 25 hanggang 50 mg/kg ng body weight kada araw sa hinati-hating dose, bawat 8 hanggang 12 na oras.
Paano nakukuha ang Himox?
Nakikita ang gamot na ito sa mga sumusunod na uri ng dosage at kalakasan:
- Powder para sa oral drops 100 mg/mL sa 10 mL na bote
- Powder para sa oral suspension 125 mg/5 mL, 250 mg/ 5 mL sa 60 mL and 105 mL na bote
- Oral capsule 250 mg, 500 mg sa isang kahon ng 100
Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room. Kabilang sa sintomas ng overdose ang mga sumusunod:
- Allergic reaction
- GI distress
- Crystalluria
- Sakit sa bato
- Kombulsyon
- Myoclonia
- Pagkawala ng malay
Ano ang dapat gawin kung makalimutan ang dose?
Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.