Ang Gaviscon ay isang pangalan ng brand na kombinasyon ng sodium alginate, sodium bicarbonate, at calcium carbonate. Mabibili ito sa pormang chewable tablet at oral liquid. Ito ay isang over-the-counter drug o OTC. Kung nais mong matuto ng higit pa tungkol sa para saan ang Gaviscon, basahin ito.
Paraan ng Paggamit
Para saan ang Gaviscon?
Ito ay kadalasan na ginagamit na panlunas sa heartburn at sakit sa tiyan. Maaari itong ibigay sa ibang mga rason. Kausapin ang iyong doktor tungkol dito.
Paano ko iinumin ang Gaviscon?
Basahin ang panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.
Para sa oral tablets, nguyain mabuti ang tableta, lunukin, at uminom ng isang baso ng tubig. Mainam ito matapos ang meals at sa oras ng pagtulog. Huwag lunukin nang buo ang tableta o tunawin sa tubig.
Para sa oral liquid, marahan na buksan ang sachet at inumin ito. Ikonsumo ito matapos kumain at sa oras ng pagtulog.
Paano ko itatago ang Gaviscon?
Ang produktong ito ay mainam na itago sa temperatura ng kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ng ganitong gamot na may ibang paraan ng storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang product package para sa panuto sa storage, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ang mga gamot sa mga bata at alagang hayop.
Huwag itong i-flush sa inidoro o itapon sa drain maliban kung sinabihan na gawin. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung ito ay expired o hindi na kailangan. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas marami pang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.
Alamin ang mga pag-iingat at babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Gaviscon?
Bago gumamit ng produktong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Gumagamit ng iba pang gamot, kabilang na rito ang nireseta, OTC, at halamang gamot
- May allergy sa kahit na anong sangkap ng produktong ito
- May karamdaman, disorders o medikal na kondisyon
Ligtas ba ito habang buntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Gayunpaman, ito ay kadalasang ligtas. Pakiusap na laging konsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang potensyal na benepisyo at banta bago uminom ng kahit na anong gamot.
Side effects
Ano ang side effects ng Gaviscon?
Tulad ng lahat ng gamot, ang Gaviscon ay may side effects. Kadalasan ito ay mild at nasosolusyonan pagkatapos ng paggamot o kung mabawasan ang dose. Ang ilang mga naiulat na side effects ay:
- Allergic reaction
- Constipation
- Diarrhea
Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng side effects na ito. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring maranasan ang ibang mga side effects. Kaya’t kung may mga tanong pa tungkol sa side effect, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Gaviscon?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Makaapekto ito sa bisa o magpapataas sa banta ng seryosong side effects.
Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na rito ang nireseta, hindi nireseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Mga gamot na may interactions:
- Iron-containing supplements
- Bisphosphonates (hal. alendronate)
- Tetracycline antibiotics
- Quinolone antibiotics
- Thyroid drugs (hal. levothyroxine)
- Calcium channel blockers (hal. diltiazem, verapamil)
- Quinidine
- Raltegravir
- Atazanavir
- Dasatinib
- Delavirdine
- Azole antifungals
- H2 blockers (hal. cimetidine)
Para sa iyong kaligtasan, huwag magsimula, huminto, o magbago ng dosage ng kahit na anong gamot nang walang pahintulot ng doktor.
Ang pagkain o alak ba ay may interaction sa Gaviscon?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagtaas ng banta ng seryosong side effects. Pakiusap na talakayin sa iyong doktor o pharmacist ang mga potensyal na pagkain o alcohol interaction bago gumamit ng gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Gaviscon?
Maaaring mag-interact ang gamot sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction na ito ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o baguhin ang bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging sabihin sa iyong doktor o pharmacist ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan.
Dosage
Ngayong alam na natin kung para saan ang Gaviscon, talakayin naman natin ang dosage nito.
Ang ibinigay na impormasyon ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.
Ano ang dose para sa matanda?
Magkonsumo ng 1-2 kutsara, 4 na beses kada araw para sa Regular Strength at 2-4 na kutsara 4x kada araw para sa Extra Strength, o kung anong panuto ng doktor. Inumin kada tapos kumain o sa oras ng pagtulog.
Ano ang dose para sa bata?
Ang dosage ay hindi pa tiyak para sa mga pediatric patients. Maaaring hindi ito ligtas para sa mga bata. Mahalaga na laging unawain ang kaligtasan ng gamot bago gamitin. Pakiusap na konsultahin ang iyong doktor o pharmacist para sa mas maraming impormasyon.
Paano nabibili ang Gaviscon?
Ang Gaviscon ay nabibili sa mga sumusunod na dose at tapang:
- Chewable tablet containing Na alginate 250 mg + Na bicarbonate 133.5 mg, + Ca carbonate 80 mg
- Oral suspension containing Na alginate 500 mg + Na bicarbonate 267 mg + Ca carbonate 160 mg per 10 mL
Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?
Kung nangyari ang emergency o overdose, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?
Kung nakalimutan ang isang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at inumin ang regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag magdoble ng dose.