backup og meta

Para Saan Ang Fluimucil, at Kailangan ba ng Reseta Para Dito?

Para Saan Ang Fluimucil, at Kailangan ba ng Reseta Para Dito?

Fluimucil ang pangalan ng brand ng generic na gamot na N-acetylcysteine (NAC). Para saan ang Fluimucil?

Mga gamit

Para saan ang fluimucil?

Ginagamit ang Fluimucil bilang gamot sa mga acute at chronic respiratory tract infections na mayroong maraming mucus secretions dulot ng acute bronchitis, chronic bronchitis at mga exacerbations nito, pulmonary emphysema, mucoviscidosis at bronchiectasis.

Bukod pa rito, ginagamit na antidote ang N-acetylcysteine para sa paracetamol overdose at toxicity.

Paano gamitin ang Fluimucil?

Inumin ang gamot na ito nang may kinain. Tunawin ang effervescent tablet o granules sa isang baso ng malinis na tubig. Uminom deretso mula sa baso at ubusin ang laman nito.

Paano itabi ang Fluimucil?

Ilagay ang produktong ito sa room temperature na malayo sa sinag ng araw at moisture. Huwag ilagay sa palikuran o sa freezer upang maiwasan ang pagkasira ng gamot.

Maaaring may ibang storage needs ang iba pang brand ng gamot na ito. Kaya mahalaga na parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay tungkol sa pagtatabi nito, o magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, marapat na ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat itinatapon ang produktong ito sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung pinayong gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ito kapag nag-expire o hindi na kailangang gamitin pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.

Alamin ang mga pag-iingat at babala

Bukod sa kaalaman kung para saan ang Fluimucil, mahalaga ring malaman kung kailan ito ipinagbabawal.

Ano ang dapat malaman bago gumamit ng Fluimucil?

Bago gumamit ng gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung ikaw ay o mayroon ng mga sumusunod:

  • Nagbubuntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang mga gamot. Kasama dito ang iba pang mga reseta, OTC, at halamang gamot.
  • Allergy sa alinmang sangkap ng produktong ito
  • Anumang sakit, karamdaman o kondisyong medikal, lalo na:

– Phenylketonuria

– Duodenal ulcers

– Asthma at status asthmaticus

Ligtas ba ito tuwing nagbubuntis o nagpapasuso?

Wala pang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito tuwing nagbubuntis at nagpapasuso. Ngunit karaniwan itong ligtas gamitin. Ipinapakiusap na parating kumonsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga posibleng benepisyo at panganib bago uminom ng kahit anong gamot.

Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA), nasa category B ng pregnancy risk ang gamot na ito.

Sumusunod ang FDA pregnancy risk category reference:

  • A = Walang panganib
  • B = Walang panganib sa ilang mga pag-aaral
  • C = Maaaring may ilang panganib
  • D = Tiyak na may datos ng panganib
  • X = Contraindicated
  • N = Hindi alam

Mga Side Effect

Ngayong alam na natin kung para saan ang Fluimucil, ano ang maaaring side effects nito?

Ano ang mga side effect na maaaring magmula sa Fluimucil?

Para saan ang Fluimucil? Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang gamot na ito. Kung makaranas ng mga side effect, karaniwan lang itong mild at nawawala agad matapos ang gamutan o kapag mababa na ang dose. Kabilang sa mga naitalang side effect ang mga sumusunod:

Para sa inhalational acetylcysteine:

  • Rhinitis
  • Stomatitis

Gayunpaman, hindi nakararanas ng mga side effect ang lahat ng tao. Dagdag pa rito, maaari ding makaranas ng ibang side effect ang ibang mga tao. Kaya kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect, ipinapakiusap na kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Alamin ang mga interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Fluimucil?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.

Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.

Mga gamot na may interaction sa Fluimucil

  • Maaaring magdulot ng airway secretion (congestion) ang mga antitussive (cough) medication
  • Puwedeng pababain ng Nitroglycrin ang blood pressure (hypotension)
  • Maaaring mabawasan ang bisa ng Carbamazepine
  • Puwedeng mawalan o mabawasan ang bisa ng mga antibiotic
  • Binabawasan ng activated charcoal ang bisa ng acetylcysteine

Kung makaramdam ng masamang drug interaction, agad na ipagbigay-alam sa doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang dose adjustment, drug substitution, o ending therapy.

Nag-i-interact ba ang Fluimucil sa pagkain at alak?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa doktor o pharmacist para sa anumang posibleng food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Fluimucil?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalaga na ugaliing ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon.

Dosage

Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dose ng Fluimucil para sa matanda?

Effervescent tablet

Tunawin ang 600mg sa isang basong tubig at uminom ng isang beses araw-araw (mas mabuti sa gabi).

Granules para sa oral solution

Tunawin ang 200mg na sachet (o dalawang 100mg ng sachet) sa isang basong tubig at inumin ito dalawa o tatlong beses bawat araw.

Tagal ng gamutan: 5-10 na araw para sa mga may acute condition. Maaaring ipagpatuloy ng ilang buwan para sa may mga chronic condition.

Nebule para sa inhalation

Isang ampule isa o dalawang beses sa isang araw para sa 5 hanggang 10 araw.

Solution para sa injection

IM: isang ampule ang ibinibigay isa o dalawang beses sa isang araw.

IV: isang ampule dalawang beses sa isang araw, hanggang 2-3 na ampule dalawa o tatlong beses bawat araw. Inirerekomenda na palabnawin ang IV injection na may 0.9% NaCl solution o 5% na glucose solution.

Ano ang dose para sa bata?

Granules para sa oral solution

Tunawin ang 100mg na sachet sa isang basong tubig at inumin ito dalawa hanggang apat na beses sa isang araw, ayon sa edad.

Tagal ng gamutan: 5-10 na araw para sa may mga acute condition. Maaaring ipagpatuloy ng ilang buwan para sa may mga chronic condition.

Solution para sa inhalation

Isang ampule isa o dalawang beses sa isang araw para sa 5 hanggang 10 araw.

Solution para sa injection

IM: magbigay ng kalahati ayon sa normal na dose para sa matanda

IV: 1-1½ na ampule dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Inirerekomenda na palabnawin ang IV solution na may 0.9% NaCl solution o 5% na glucose solution.

Paano nakukuha ang Fluimucil?

Available ang Fluimucil sa mga sumusunod na uri ng dosage at strengths:

  • Effervescent tablet 600mg
  • Powder para sa oral solution 100mg, 200mg na sachet
  • Syrup 100mg/5mL (100mL na bote)
  • Solution para sa inhalation 100mg/mL (3mL na ampule)
  • Solution para sa injection 100mg/mL (3mL)

Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat gawin kung makalimutan ang dose?

Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fluimucil https://www.mims.com/philippines/drug/info/fluimucil Accessed April 28, 2021

Fluimucil https://www.mims.com/philippines/drug/info/acetylcysteine?mtype=generic Accessed April 28, 2021

Package leaflet: Information for the patient http://www.hpra.ie/img/uploaded/swedocuments/f0538f80-e8d0-4181-be6a-47157b75e471.pdf Accessed April 28, 2021

N-Acetylcysteine: Multiple Clinical Applications https://www.aafp.org/afp/2009/0801/p265.html Accessed April 28, 2021

Acetylcysteine https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Acetylcysteine Accessed April 28, 2021

Kasalukuyang Version

01/03/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement