backup og meta

Esberitox N: Kailan dapat inumin ang supplement na ito?

Ang Esberitox N ay isang natural, halamang gamot para sa ubo at sipon na gawa sa Germany. Ito ay naglalaman ng kombinasyon ng Thuja (Arbor vitae), Baptisia (wild flower) and Echinacea. Ito ay sinasabing may mga sangkap na nakatutulong na panlaban sa mga virus at nakapagpapalakas ng immune system. 

Mga Paggamit

Para Saan ang Esberitox N?

Ang Esberitox N ay ginagamit para sa acute at chronic respiratory tract infections bilang adjuvant o antibiotic na gamot. Ito rin ay ginagamit para sa pansamantalang mahinang immune system na may pabalik-balik na mga impeksyon.

Paano Inumin ang Esberitox N?

Maaaring inumin ang Esberitox N nang mayroon o walang pagkain. Ang tableta ay dapat lunukin nang buo o panatilihin sa loob ng bibig upang matunaw. Huwag nguyain, durugin, o tunawin sa tubig ang tableta.

Paano Itago ang Esberitox N?

Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng pagtatago. Kaya mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan.  Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.

Para Saan ang Esberitox N? Mga Pag-iingat at Babala

Ano ang Dapat Kong Malaman Bago Uminom ng Esberitox N?

Bago uminom ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay o may:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot.
  • Allergy sa anomang sangkap nito
  • Ibang sakit, disorders, o medikal na kondisyon

Ligtas ba ito sa mga Buntis at Nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng pag-inom ng gamot na ito para sa mga buntis at nagpapasuso. Laging kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang mga posibleng benepisyo at panganib ng pag-inom ng anomang gamot.

Para Saan ang Esberitox N? Side Effects

Ano-ano ang mga Side Effects ng Esberitox N?

Katulad ng ibang mga gamot, ang Esberitox N ay maaaring may side effects. Kung mangyari ito, kadalasang ang mga ito ay hindi gaanong malubha at nawawala kung tapos na ang gamutan o kung ibinaba ang dose. Ang ilang mga naitalang side effects ay ang:

  • Hypersensitivity o allergic reaction

Gayunpaman, ang side effects ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. Dagdag pa, may ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Para Saan ang Esberitox N? Mga Interaksyon

Ano-anong mga gamot ang maaaring may interaksyon sa Esberitox N?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.

Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.

May interaksyon ba ang pagkain at alak sa Esberitox N?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Itanong sa iyong doktor o pharmacist ang anomang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.

Ano-anong mga medikal na kondisyon ang maaaring may interaksyon sa Esberitox N?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Kaya mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon.

Dosage

Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.

Ano ang Dose para sa Isang Nakatatanda?

Mga nakatatanda at mga bata >12 taong gulang: uminom ng tatlong tableta tatlong beses sa isang araw.

Ano ang Dose para sa Isang Bata?

Mga bata 7 hanggang 12 taong gulang: uminom ng 2 tableta tatlong beses sa isang araw.

Mga bata 2 hanggang 6 taong gulang: uninom ng isang tableta tatlong beses sa isang araw.

Anong Esberitox N ang Maaaring Mabili?

Ang Esberitox N ay maaaring mabili sa mga sumusunod na anyo at lakas ng dosage:

  • Ang bawat tableta ay naglalaman ng: Herba Thujae occidentalis (White Cedar leaf) 2 mg, Rad. Echinaceae (Coneflower) 7.5 mg, Rad. Baptisiae tinctoriae (Wild indigo root) 10 mg

Ano ang maaari kong gawin kung emergency o kung na-overdose?

Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.

Ano ang maaari kong gawin kung nakalimutan kong uminom?

Kung nakalimutang uminom, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Esberitox N https://www.mims.com/philippines/drug/info/esberitox%20n Accessed June 28, 2021

Echinaceae purpureae radix https://www.ema.europa.eu/en/medicines/herbal/echinaceae-purpureae-radix Accessed June 28, 2021

Thuja occidentalis (Arbor vitae): A Review of its Pharmaceutical, Pharmacological and Clinical Properties https://www.researchgate.net/publication/7896737
Accessed June 28, 2021

ESBERITOX® N https://esberitox.quanstarbiotech.com/ Accessed June 28, 2021

Esberitox N. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed June 28, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

02/24/2026

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pag-Inom Ng Amlodipine Na Walang Reseta, Dapat Ba Itong Gawin?

Para Saan Ang Rantudil, At Kailan Ito Inirereseta Ng Doktor?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas