backup og meta

Para Saan Ang Dexamethasone? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para saan ang dexamethasone? Ang Dexamethasone ay isang corticosteroid hormone (glucocorticoid). Binabawasan nito ang natural na defensive response ng iyong katawan at binabawasan ang mga sintomas tulad ng pamamaga at mga allergic-type reaction.

Alamin ang mga pangunahing kaalaman

Para saan ang Dexamethasone?

  • Matinding reaksyon o kondisyon ng balat
  • Anaphylaxis o malubhang allergy
  • Pagduduwal at pagsusuka
  • Croup
  • Pamamaga ng mata
  • Mga karamdaman sa autoimmune
  • Matinding impeksyon sa COVID-19
  • Kanser at palliative care

Paano ako kukuha ng Dexamethasone?

Basahin ang mga direksyon sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Suriin ang label at petsa ng expiration.

Para sa mga oral dosage form, lunukin ito nang buo nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinutunaw sa likido. Pinakamainam itong inumin kapag nakakain na. 

Ang topical dosage forms ay dapat ilagay sa karapat-dapat na lugar (hal. Eye drops para sa mga mata)

Ang parenteral dosage forms ay dapat na isagawa ng isang lisensyadong healthcare professional lamang.

Paano ako mag-iimbak ng dexamethasone?

Dapat na nakaimbak ang gamot na ito sa room temperature at protektado mula sa liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng droga, hindi mo ito dapat iimbak sa banyo o sa freezer. 

Maaaring may ibang storage needs ang iba pang brand ng Ambroxol. Kaya mahalagang parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay sa pagtatabi nito, o magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, kailangang ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat itinatapon ang produktong ito sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung sinabing gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kinailangan pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.

Alamin ang mga pag-iingat at babala

Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Dexamethasone?

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:

  • Buntis o nagpapasuso.
  • Umiinom ng iba pang mga gamot. Kabilang dito ang anumang reseta, OTC, at mga herbal remedies.
  • Isang allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito.
  • Anumang iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal.

Ligtas bang uminom ng dexamethasone sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Sa ilang mga kaso, maaari itong ibigay sa mga ina na may premature na sanggol upang mapabilis ang maturation ng baga. Ipinapakiusap na palaging kumunsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago uminom ng anumang gamot.

Ang gamot na ito ay pregnancy risk category C ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).

Sanggunian sa kategorya ng panganib sa pagbubuntis ng FDA sa ibaba:

  • A=Walang panganib,
  • B=Walang panganib sa ilang pag-aaral,
  • C=Maaaring may ilang panganib,
  • D= Positibong ebidensya ng panganib,
  • X=Contraindicated,
  • N=Hindi alam.

Alamin ang mga side effect

Ano ang mga side effect ng dexamethasone?

Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang produktong ito. Kung nangyari ang mga ito, ang mga side effect ay karaniwang mild at gumagaling kapag natapos na ang paggamot o binabaan ang dosage. Ang ilang naiulat na epekto ay kinabibilangan ng:

  • Adrenal suppresion
  • Kaposi sarcoma
  • Myopathy
  • Perineal irritation
  • Psychiatric disturbances
  • Immunosuppression
  • Open-angle glaucoma
  • katarata
  • Mga anaphylactoid reaction *bihira
  • Dagdag timbang
  • Mabagal na paglaki
  • Mabagal na paggaling ng sugat
  • Burning sensation
  • Osteoporosis
  • Pagnipis ng balat

Hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Maaaring may ilang mga side effect na hindi nakalista sa itaas. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa side-effect, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Alamin ang mga interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa dexamethasone?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga malubhang side effect.

Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.

Mga gamot na may interaction:

  • Live vaccines
  • Barbiturates
  • Carbamazepine
  • Ephedrine
  • Phenytoin
  • Rifampicin
  • Erythromycin
  • Azole antifungal
  • Diuretics
  • Amphotericin B injections
  • Iba pang mga steroid
  • Warfarin

Kung makaramdam ng masamang drug interaction, agad na ipagbigay-alam sa doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang dose adjustment, drug substitution, o ending therapy.

May interactions ba ang pagkain at alak sa dexamethasone?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa doktor o pharmacist para sa anumang posibleng food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa dexamethasone?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalaga na ugaliing ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon ka, lalo na ang:

  • Mga katarata
  • Congestive heart failure
  • Cushing’s syndrome
  • Diabetes
  • Impeksyon sa mata
  • Fluid retention
  • Glaucoma
  • Hyperglycemia (mataas na asukal sa dugo)
  • Hypertension (mataas na presyon ng dugo)
  • Aktibong impeksyon
  • Depresyon, pagkabalisa, at iba pang mga mood disorder
  • Myasthenia gravis
  • Osteoporosis
  • Sakit sa peptic ulcer
  • Mga problema sa tiyan o bituka (hal. diverticulitis, ulcerative colitis)
  • Tuberkulosis, (nakatago)
  • Fungal infections
  • Herpes simplex 
  • Eye infection

Unawain ang Dosage

Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dose para sa adult?

Ang karaniwang saklaw kapag oral, IV o IM routes ay 4 hanggang 20mg bawat araw, bilang isang dose o sa 2 hanggang 4 na hinating doses. Sa paghahanda ng mas mataas na dose, 0.4 hanggang 0.8 mg bawat kg ng timbang ng katawan ang dapat ibigay bawat araw, hanggang 40mg kada araw.

Ano ang dose para sa bata?

Oral, IM, IV: Inisyal na dose range: 0.02 hanggang 0.3 mg/kg/araw o 0.6 hanggang 9 mg/m2/araw na hinati na dose tuwing 6 hanggang 12 oras. Ang dose ay depende sa kondisyong ginagamot at sa tugon ng pasyente. Ang dose para sa mga sanggol at bata ay dapat na nakabatay sa tindi ng sakit at tugon ng pasyente.

Paano magagamit ang dexamethasone?

Available ang Dexamethasone sa mga sumusunod na dosage form at strength:

  • Tablet: 500 mcg, 750 mcg, 3 mg
  • Solusyon para sa iniksyon: 4 mg/mL, 5 mg/mL
  • Mga patak sa mata: 0.5 mg/mL

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ako ng isang dosis?

Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ko ang isang dose?

Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose. 

Bilang karagdagan, huwag tumigil sa pag-inom o huwag bawasan ang dose ng dexamethasone nang biglaan. Maaaring mangyari ang mga sintomas ng withdrawal bilang resulta ng adrenal insufficiency. Nangangailangan ng unti-unting pagbabawas ng dose ang pagtatapos ng therapy dosing bago tuluyang ihinto ang gamot.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dexamethasone https://www.mims.com/philippines/drug/info/dexamethasone?mtype=generic Accessed June 30, 2021

Dexamethasone (Oral Route) https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/dexamethasone-oral-route/description/drg-20075207 Accessed June 30, 2021

Dexamethasone https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK482130/ Accessed June 30, 2021

Dexamethasone tablets and liquid https://www.nhs.uk/medicines/dexamethasone-tablets-and-liquid/ Accessed June 30, 2021

DexAMETHasone (Systemic). Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed June 30, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

03/31/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Kristel Lagorza


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement