Ang Dequadin ay pangalan ng brand ng drug na dequalinium chloride. Isang antiseptic na gamot ang dequalinium na may antimicrobial at anticancer properties. Para saan ang Dequadin? Ang gamot na ito ay nilulunasan oral infections at vaginal infections. Gayunpaman, ang Dequadin ay nabibili lamang bilang oral lozenge at hindi nakagagamot ng vaginal infections.
Para Saan Ang Dequadin? Mga Gamit
Para saan ang Dequadin?
Ang gamot na ito ay ginagamit para sa impeksyon sa bibig at lalamunan, tulad ng:
Ginagamit din ang dequalinium sa paggamot ng bacterial vaginosis. Gayunpaman, ang lozenges ay hindi dapat gamitin para sa layunin na ito.
Paano ko iinumin ang Dequadin?
Gamitin lamang ang Dequadin kung nireseta ng doktor. Tingnan ang label sa gamot para sa eksaktong panuto sa dose. Karagdagan, siguraduhin na uminom ng tamang dosage para sa iyong kondisyon. Ang oral na gamot ay hindi dapat na ipinapasok sa puki at vice versa.
Paano ko itatago ang Dequadin?
Ang produktong ito ay mainam na itago sa temperatura ng kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong itago sa banyo o freezer.
Maaaring may ibang brand ng produktong ito na may ibang paraan ng storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang package ng produkto para sa panuto sa pagtatabi nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilagay ang mga gamot malayo sa iyong mga anak o mga alagang hayop.
Huwag ding i-flush ang produktong ito sa inidoro o itapon sa drain maliban na lang kung nasa panuto. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produktong ito kung ito ay expired o hindi na kailangan. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas maraming detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.
Pag-Iingat At Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Dequadin?
Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Gumagamit ng ibang gamot. Kabilang dito ang nireseta, OTC, at halamang gamot.
- May allergy sa kahit na anong sangkap ng produktong ito.
- May ibang mga sakit, disorders o medikal na kondisyon.
Ligtas ba ito habang nagbubuntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso. Pakiusap na laging konsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang potensyal na benepisyo at banta bago gumamit ng Dequadin.
Alamin Ang Side Effects
Ano ang side effects na maaaring makuha sa Dequadin?
Minsan posibleng mangyari ang hypersensitivity at soreness na reaksyon sa dila. Ang sobra at maraming doses ay maaaring maging sanhi ng gastrointestinal na sakit.
Hindi lahat ay nakararanas ng mga ganitong side effects. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng ibang side effects. Kaya’t kung may tanong pa tungkol sa side effects, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Alamin Ang Interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Dequadin?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang ginagamit, na maaaring magpabago ng bisa o magpataas ng banta ng seryosong side effects.
Upang maiwasan ang potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na ang niresetang gamot, hindi inireseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Para sa iyong kaligtasan, huwag magsimula, huminto, o magbago ng dosage ng kahit na anong gamot nang walang pahintulot ng doktor.
Ang pagkain o alak ba ay maaaring mag-interact sa Dequadin?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagpapataas ng banta ng seryosong side effects. Pakiusap na talakayin ang kahit na anong potensyal na pagkain o alcohol interactions bago gamitin ang gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Dequadin?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o magpabago ng bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging ipaalam sa doktor o pharmacist ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan.
Unawain Ang Dosage
Ang impormasyon na ibinigay ay hindi kapalit ng kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.
Ano ang dose para sa matanda?
Matanda at bata na may edad na 10 pataas:
Kumonsumo ng isang lozenge kada 2 hanggang 3 oras, hanggang sa maximum na 8 kada araw. Hayaan na matunaw ang lozenge sa bibig. Huwag nguyain, dikdikin, o lunukin ang lozenge.
Ano ang dose para sa bata?
Ang dosage ay hindi pa natatakda para sa mga bata na mas mababa pa sa 10 taon. Hindi dapat makatanggap ang mga batang 6 na taon pababa ng kahit na anong oral dose.
Kaya’t laging mahalaga na maunawaan nang ganap ang kaligtasan ng gamot na ito bago gamitin. Laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa mas maraming impormasyon.
Paano nabibili ang Dequadin?
Ang contractubex ay mabibili sa dosage form at tapang na:
Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?
Kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?
Kung nakalimutan ang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa sunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at inumin ito nang regular ayon sa schedule. Huwag mag doble ng dose.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.