backup og meta

Para Saan Ang Cystiphane, At Ano Ang Tamang Pag-inom Nito?

Maraming tao ang nagtatanong kung para saan ba ang cystiphane para sa wastong paggamit at pagsasaayos ng buhok at kuko.

Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa cystiphane.

Para saan ang cystiphane: Mga Gamit

Ang Cystiphane food supplement ay ginagamit para maging malusog at malakas ang buhok at kuko, kung saan pinoprotektahan nito hair roots at follicles habang pinapabuti ang quality at growth rate ng buhok at mga kuko. Sinasabi na naglalaman ang food supplement na ito ng mga blend of vegetable-based na L-cystine (amino acid), vitamin B6 (pyridoxine), at zinc.

Paano ako makakapag-take ng Cystiphane food supplement?

Available ang Cystiphane food supplement bilang oral tablet at dapat mong tandaan na ang oral tablets ay dapat inumin sa pamamagitan ng bibig nang hindi nginunguya, o hindi dinudurog at pinakamabuting i-take ito kasama ng pagkain.

Paano ako magtatabi ng Cystiphane food supplement?

Ang gamot na ito ay dapat na nakalagay sa room temperature (<30°C) at protektado mula sa liwanag at moisture para sa kaligtasan mo at lahat ng kasama sa tahanan. Iwasan na maabot ito ng mga bata at alagang hayop na kasama mo sa’yong bahay.

Palaging i-check ang label bago gamitin ang produktong ito. Huwag gamitin kung ang naka-print na expiration date ay tapos na at ang selyo ng produkto ay sira na. Tingnan din mabuti kung ang produkto ay nagbago sa kulay, amoy at consistency.

Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagtapon nito sa drain, palikuran, o sa kapaligiran. Tanungin din ang iyong pharmacist tungkol sa mga tamang paraan at location of disposal.

Mga Pag-iingat at Babala

Ang rehistratdong supplements, tulad ng Cystiphane ay karaniwang ligtas para inumin o i-take ayon sa itinuro (directed) dahil ang amino acids ay degraded at nagagamit nang mas mabilis.  Habang ang B-vitamins ay water-soluble kung saan ang toxicity ay malabong mangyari kahit magkaroon pa ng sobrang pag-take ng dose.

Mahalagang tandaan na karamihan sa tao ay tumatanggap ng sapat na bitamina, mineral, at protina sa pamamagitan ng balanseng pagkain. Uminom lamang ng bitamina at food supplements kung itinuro ito sa’yo na gawin ng iyong doktor.

Bago gamitin ang medications na ito, ipaalam sa’yong doktor kung:

  • Nagkaroon ka na ba ng allergic reaction sa Cystiphane food supplement o iba pang supplement?
  • Mayroon kang kasaysayan ng allergy sa iba pang mga gamot, pagkain, o iba pang substances.
  • Umiinom ka ba ng iba pang gamot?
  • Mayroon kang naturingan nang health conditions

Para saan ang cystiphane: Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?

Walang available data tungkol sa “use and safety” ng Cystiphane sa mga buntis. Ngunit, ang mga buntis ay hindi dapat gumamit ng cystine-containing supplements dahil maaari itong lumikha ng negative nitrogen balance.

Masasabi na ang suplementong ito ay dapat lamang gamitin sa panahon ng pagbubuntis kung ang potensyal na benepisyo nito ay nagbibigay-katwiran sa potential risk sa fetus, gaya ng tinutukoy ng iyong doktor. Dagdag pa rito, ang gamot na ito ay maaaring makaapekto sa dami at kalidad ng gatas ng ina kaya dapat maging maingat at laging humingi ng medikal na payo mula sa’yong doktor.

Mga side effect

Anong side effects ang maaaring mangyari mula sa Cystiphane food supplement?

Ang lahat ng gamot ay mayroong potensyal na side effects kahit sa normal na paggamit nito. Huwag mo ring kalimutan na maraming side effects ang nauugnay sa dose, kung saan nalulutas din ito sa pagtatapos ng therapy o kaya kapag na-adjust na ang pag-take nito.

Narito ang mga sumusunod na potensyal na epekto habang ginagamit ang gamot na ito:

  • Gastrointestinal disturbances
  • Hindi karaniwan o hindi kanais-nais na lasa sa’yong bibig
  • Mabagal na metabolismo
  • Pinsala sa bato

Pwedeng hindi ka makaranas ng side effects o maaari mong danasin ang ilang mga nabanggit sa itaas at kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect at nakakaabala na ito para sa’yo, kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist.

Interaksyon

Ang gamot na ito ay maaaring makipag-interact sa ibang mga gamot at para maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-interact sa gamot dapat kang gumawa ng listahan ng lahat ng gamot na iyong iniinom, bago pa man maisipan gumamit nito. Kabilang dito ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products. Magandang siguraduhin mo din na ipaalam ang mga ito sa iyong doktor at pharmacists.

Kung nakakaranas ka ng masamang pakikipag-interact sa gamot, itigil mo ang pag-take ng supplement at ipagpatuloy ang pag-inom ng iba mong naunang nakaresetang gamot. Ipaalam kaagad sa’yong doktor para muling suriin ang iyong treatment plan dahil maaaring kailanganing i-adjust ang iyong dose, o kaya palitan ito ng ibang gamot, o ihinto ng ganap ang paggamit ng gamot.

Nakikipag-interact ba ang pagkain o alak sa Cystiphane food supplement?

Inirerekomenda na i-take ang suplementong ito kasama ng mga pagkain. Maaaring mapababa ng alkohol ang amount ng Cystiphane food supplement (lalo na ang vitamin B) sa dugo. Iwasan lamang ang pag-inom ng alak habang nagte-take ng suplementong ito.

Ipaalam din sa’yong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa mga interaksyon sa pagkain at gamot.

Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring makipag-interact sa Cystiphane food supplement?

Ang gamot na ito ay dapat inumin nang may pag-iingat kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na kondisyon o risk factors:

  • Allergy sa anumang sangkap na sangkot sa paggawa sa supplement

Tandaan, ipaalam sa iyong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang mga alalahanin sa iyong kondisyon.

Para saan ang cystiphane: Dose

Paalala na ang mga impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Dapat kang LAGING kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist bago gumamit ng Cystiphane food supplement.

Ano ang dose ng Cystiphane food supplement para sa adult?

Para sa pagpapabuti ng kalusugan ng buhok at kuko

  • Uminom ng 2 tablets, dalawang beses sa isang araw kasama ng pagkain.
  • Mag-take ng tablets sa loob ng 3 buwan at gamitin ang Cystiphane Biorga Anti-Hair Loss Shampoo at Lotion, para sa pinakamahusay na mga resulta. Ulitin ang treatment course kung kinakailangan.

Ano ang dose ng Cystiphane food supplement para sa isang bata?

Ang gamot na ito ay hindi inirerekomenda para sa mga bata— at ang inirerekomendang dose nito ay hindi pa naitatag o established. Kumunsulta sa isang doktor o pharmacist para sa mga alternatibo at higit pang impormasyon.

Paano magagamit ang Cystiphane food supplement?

Available ang gamot na ito sa mga sumusunod na form ng dose at lakas:

  • Cystiphane Biorga food supplement tablet 2000 mg

Ano ang dapat kong gawin kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa kaso ng isang emergency o overdose tawagan ang iyong local emergency services o pumunta sa’yong pinakamalapit na emergency room. 

Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ko ang isang dose?

Kung napalampas mo ang isang dose ng gamot, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa’yong susunod na dose, laktawan ang napalampas na dose at kunin ang iyong regular na dose ayon sa naka-iskedyul. Huwag kumuha ng dobleng dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cystiphane Food Supplement, http://www.cystiphane-biorga.com/en/produit/food-supplement/, Accessed Sept 15, 2020

Cystine, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=19&contentid=Cystine, Accessed Sept 15, 2020

 

Kasalukuyang Version

07/08/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement