Ang Contractubex ay isang pangalan ng brand na isang topical scar gel. Naglalaman ito ng tatlong aktibong sangkap: extract cepae, heparin sodium, at allantoin.
Alamin Ang Basics
Para saan ang Contractubex?
- Pag-iwas sa peklat
- Pagbawas ng matagal na peklat
- Stretch marks
- Pagsasara ng sugat
- Hypertrophic at keloid scars
Paano ko gagamitin ang Contractubex?
Ilagay ang gel sa apektadong bahagi at maharan na imasahe ito. Para sa mga matagal at matigas na peklat, maglagay ng dressing sa ibabaw ng gel at hayaan ito magdamag. Hugasan ang iyong kamay gamit ang mild na sabon at tubig matapos gamitin ang produkto. Iwasan ang paglalagay ng gel sa mga bukas na sugat, tahi, o mucous membranes.
Paano ko itatago ang Contractubex?
Ang produktong ito ay mainam na itago sa isang controlled na temperatura ng kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong itago sa banyo o freezer.
Maaaring may ibang brand ng produktong ito na may ibang paraan ng storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang package ng produkto para sa panuto sa pagtatabi nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilagay ang mga gamot malayo sa iyong mga anak o mga alagang hayop.
Huwag ding i-flush ang produktong ito sa inidoro o itapon sa drain maliban na lang kung nasa panuto. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produktong ito kung ito ay expired o hindi na kailangan. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas maraming detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.
Para Saan Ang Contractubex? Alamin Ang Pag-Iingat At Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Contractubex?
Nasa ilang mga linggo at buwan ang iintayin para sa resulta nito. Tumigil sa paggamit ng gel kung nasa 3-6 na buwan na nakalipas ngunit wala pa ring nakikitang resulta.
Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Gumagamit ng ibang gamot. Kabilang dito ang nireseta, OTC, at halamang gamot.
- May allergy sa kahit na anong ingredient ng produktong ito.
- May ibang mga sakit, disorders o medikal na kondisyon.
Ligtas ba ito habang nagbubuntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso. Gayunpaman, ito ay ligtas na gamitin. Kung nais mo magpasuso, iwasan ang paglalagay ng gel sa bahagi ng utong at linisin mabuti bago magpasuso.
Pakiusap na laging konsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang potensyal na benepisyo at banta ng paggamit ng kahit na anong gamot.
Para Saan Ang Contractubex? Alamin Ang Side Effects
Ano ang side effects na maaaring makuha sa Contractubex?
Tulad ng ibang gamot, ang produktong ito ay maaaring may side effects. Kung nangyari ito, ang mga side effects ay kadalasan na mild at nasosolusyonan kapag natapos na ang gamutan o bumaba ang dose. Ang ilang mga naiulat na side effects ay:
- Local skin reactions
- Pangangati
Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng mga ganitong side effects. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng ibang side effects. Kaya’t kung may tanong pa tungkol sa side effects, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Para Saan Ang Contractubex? Alamin Ang Interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Contractubex?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang ginagamit, na maaaring magpabago ng bisa o tumaas ang banta ng seryosong side effects.
Upang maiwasan ang potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na ang niresetang gamot, hindi inireseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Ang pagkain o alak ba ay maaaring mag-interact sa Contractubex?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagpapataas ng banta ng seryosong side effects. Pakiusap na talakayin ang kahit na anong potensyal na pagkain o alcohol interactions bago gamitin ang gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Contractubex?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o magpabago ng bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging ipaalam sa doktor o pharmacist ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan.
Para Saan Ang Contractubex? Unawain Ang Dosage
Ang impormasyon na ibinigay ay hindi kapalit ng kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.
Ano ang dose para sa matanda?
Direktang ilagay ang layer ng produktong ito sa apektadong bahagi at marahan na imasahe sa balat. Gamitin ito 2 hanggang 3 beses kada araw sa 3 buwan, o kung ano ang panuto ng doktor.
Para sa mga matagal na peklat, takpan ang gel ng dressing at hayaan ito magdamag.
Ano ang dose para sa mga bata?
Ilagay ang gel sa peklat ng balat sa parehong paraan gaya sa matanda. Huwag hayaan ang mga bata na maglagay nito.
Para Saan Ang Contractubex? Paano Nabibili Ang Contractubex?
Ang contractubex ay mabibili sa dosage form at tapang na:
- Contractubex topical gel na naglalaman ng 10g Extract cepae + 5000 IU heparin sodium + 1 g allantoin per 100 g
Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?
Hindi madalas na nangyayari ang overdose sa topical na produkto. Kung sakaling magkaroon ng emergency o aksidenteng paglunok, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?
Kung nakalimutan ang dose, lagyan ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa sunod na paglagay, hayaan ang nakalimutan na dose at lagyan ang bahagi ng balat na apektado sa regular na dose ayon sa schedule. Huwag mag doble ng lagay.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.