Ang Celestamine ay isang produktong naglalaman ng dalawang gamot: betamethasone (isang corticosteroid) at dexchlorpheniramine maleate (isang antihistamine).
Mga gamit
Para saan ang Celestamine?
Ang Celestamine ay karaniwang ginagamit sa paggamot ng ilang mga kondisyong pangkalusugan na kinabibilangan ng pamamaga, allergic reactions (hal. rhinitis), mga problema sa paghinga (hal. hika), at mga kondisyon sa balat (hal. eksema, dermatitis).
Paano gamitin ang produktong ito?
Parehong dapat inumin ang oral tablet at oral syrup. Lunukin nang buo ang dose na may isang basong tubig. Inirerekomendang inumin ang gamot na ito kasama ng pagkain upang maiwasan GI disturbances.
Paano ko iimbak ang produktong ito?
Ang Celestamine ay dapat na nakaimbak sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng produktong ito, huwag ilagay sa freezer o sa banyo. Dagdag pa, bilang pag-iingat, ilayo ito sa mga bata at alagang hayop.
Huwag i-flush ang produktong ito sa inidoro o ibuhos sa drain maliban kung sinabing gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kailangan pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.
Mga pag-iingat at babala
Mga bagay na dapat malaman bago gamitin ang produktong ito
Kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko, kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso. Magbasa pa tungkol sa kaligtasan nito sa susunod na seksyon.
- Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang OTC, reseta, suplemento, at mga herbal na gamot.
- May allergy sa anumang sangkap ng Celestamine o mga katulad na gamot.
Iwasan ang paggamit ng corticosteroids kung ikaw ay dumaranas ng anumang fungal infection sa anumang bahagi ng iyong katawan.
Ligtas ba itong gamitin habang buntis o nagpapasuso?
Ang Betamethasone ay pregnancy category C. Samakatuwid, hindi inirerekomendang gamitin ang gamot na ito o mga gamot na naglalaman nito ng mga nagbubuntis. Maaaring ibigay ang betamethasone bago ipanganak kung ang isang sanggol ay premature. Karagdagan, ang betamethasone ay maaaring makaapekto sa produksiyon ng gatas. Gayunpaman, ito ay karaniwang ligtas para sa mga nagpapasuso. Palaging kumonsulta sa isang healthcare expert bago gumamit ng Celestamine kung ikaw ay nagpapasuso ng isang sanggol.
Mga side effect
Anong mga side effect ang maaaring mangyari habang gumagamit ng Celestamine?
Ang Celestamine ay maaaring magdulot ng isa o higit pa sa mga sumusunod na side effect:
Karaniwan
- Pagtaas ng panganib ng impeksyon
- Humihina ang immunity
- Fluid retention (hal. edema)
- Pagnipis ng kornea
- Pagtaas ng panganib ng pasa
- Malaise
- Mga ulser
- Dagdag timbang
- Osteoporosis
- Mood disorders (hal. depression)
- Problema sa pagtulog
Significant
- Adrenal suppression
- Visual disturbances (hal. malabong paningin, glaucoma)
- Mabagal na paglaki ng mga bata
- Anaphylactic reactions (bihirang)
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Bukod pa rito, maaaring may ilang mga side effect na hindi nakalista sa itaas. Samakatuwid, makipag-usap sa isang doktor o parmasyutiko para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga side effect ng produktong ito.
Alamin ang mga interaction
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Celestamine?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot. Kabilang dito ang anumang OTC, reseta, suplemento, at mga produktong herbal. Para sa iyong kaligtasan, huwag simulan, ihinto, o baguhin ang dosis ng anumang gamot nang walang pag-apruba ng iyong doktor.
Ang ilang mga gamot na maaaring maging sanhi ng pakikipag-ugnayan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Anticholinesterases
- Rifampicin
- Carbamazepine
- Phenobarbitone
- Phenytoin
- Primidone
- Cardiac glycosides (hal. digoxin, digitoxin)
- Mga anticoagulants o pampanipis ng dugo (hal. warfarin, coumarin, aspirin)
- Insulin at mga gamot na nagpapababa ng asukal sa dugo
- Live vaccines (hal. influenza, MMR, varicella)
May interactions ba ang pagkain at alak sa produktong ito?
Ang Celestamine ay naglalaman ng mga sangkap na maaaring magpapataas ng antok. Huwag inumin ang mga gamot na ito na may kasamang alkohol, dahil maaari nitong patindihin ang pagkaantok. Bukod pa rito, iwasan ang pagmamaneho o pagpapatakbo ng makinarya habang umiinom ng gamot na ito. Dapat itong inumin kasama ng pagkain.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa produktong ito?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalaga na ugaliing ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon ka, lalo na ang:
- Alta-presyon
- Sakit sa puso
- Diabetes
- Impeksyon
- Mga sakit sa GI (hal. GERD, PUD)
- Menstrual disorders (hal. PCOS)
- Hormonal imbalance (hal. menopause)
- Canser
Dosage
Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dosage ng Celestamine para sa adult?
Matanda at bata >12 taong gulang: 1-2 tableta o kutsarita ng syrup 4 beses sa isang araw. Max: 8 tablet o kutsarita bawat araw.
Ano ang dosage ng Celestamine para sa isang bata?
Mga batang 6-12 taong gulang: ½ tableta o kutsarita ng syrup 3 beses sa isang araw.
Max: 4 na tablet o kutsarita bawat araw.
Mga batang 2-6 taong gulang: ¼-½ tablet o kutsarita ng syrup 3 beses sa isang araw.
Max: 2 tablet o kutsarita bawat araw.
Paano magagamit ang Celestamine?
Ang produktong ito ay magagamit sa mga sumusunod na dosage forms at stregth:
Tablet na naglalaman ng betamethasone 250 mcg + dexchlorpheniramine maleate 2 mg bawat tablet
Syrup na naglalaman ng betamethasone 250 mcg + dexchlorpheniramine maleate 2 mg bawat 5 mL (30 mL, 60 mL)
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa kaso ng isang emergency o isang labis na dosis, tawagan ang iyong mga lokal na serbisyong pang-emergency o pumunta sa iyong pinakamalapit na emergency room. Bukod pa rito, huwag pukawin ang pagsusuka.
Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ko ang isang dose?
Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.
Pinakamahalaga, ang paghinto o paglampas ng masyadong maraming doses ay maaaring magresulta sa isang mapanganib na kondisyong kilala bilang adrenal suppression. Samakatuwid upang maiwasan ito, dapat na bawasan ang iyong doses hanggang sa pagtatapos ng gamutan.
Matuto nang higit pa tungkol sa Herbals at Supplements dito.