Ang Berocca Performance ay ang brand name ng effervescent multivitamin tablets. Ang bawat natutunaw na tablet ay naglalaman ng:
- 500 mg ng bitamina C
- 100 mg ng calcium
- 100 mg ng magnesiyo
- 50 mg ng nicotinamide (bitamina B3)
- 23 mg ng calcium pantothenate/pantothenic acid (bitamina B5)
- 15 mg ng thiamine (bitamina B1)
- 15 mg ng riboflavin (bitamina B2)
- 10 mg ng pyridoxine (bitamina B6)
- 10 mg ng zinc, 400 mcg ng folic acid
- 150 mcg ng biotin (bitamina B7)
- 10 mcg ng cyanocobalamin (bitamina B12)
Mga gamit
Saan ginagamit ang Berocca Performance?
Ang Berocca ay karaniwang ginagamit upang:
- Mapabuti ang pagkaalerto at konsentrasyon
- Mapabuti ang pisikal na tibay at bawasan ang pagod at fatigue
- Pahusayin ang paggana ng utak
- Mapabuti ang mood at bawasan ang pagod
Paano gamitin ang produktong ito?
- Tunawin ang mga effervescent tablet sa isang basong tubig, pagkatapos ay inumin ito.
- Huwag inumin ang effervescent tablet nang direkta sa pamamagitan ng bibig.
- Inumin ang gamot na ito kumain ka man o hindi.
- Maaari kang uminom ng Berocca anumang oras sa araw, ngunit ito mas mainam kung nakapag-almusal ka.
Paano ko iimbak ang produktong ito?
Ang Berocca ay dapat na nakaimbak sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng droga, hindi mo dapat iimbak/ilagay ang Berocca sa banyo o sa freezer. Maaaring may iba’t ibang brand ng Berocca na may magkakaibang storage needs. Mahalagang palaging suriin o tingnan ang pakete ng produkto para sa mga hakbang sa pag-iimbak, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Huwag i-flush ang produktong ito sa inidoro o ibuhos sa drain maliban kung sinabing gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kailangan pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.
Mga pag-iingat at babala
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Berocca Performance?
Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist, kung:
- Ikaw ay buntis o nagpapasuso. Ito ay dahil, habang ikaw ay umaasa o nagpapakain ng isang sanggol, dapat ka lamang uminom ng mga gamot sa rekomendasyon ng isang doktor.
- Umiinom ka ng iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang mga gamot na iniinom mo na mabibili nang walang reseta, tulad ng mga herbal at pantulong na gamot.
- Mayroon kang allergy sa anumang sangkap ng Berocca o iba pang mga gamot.
Ligtas bang uminom nito sa panahon ng pagbubuntis o habang pagpapasuso?
Walang sapat na pag-aaral sa mga kababaihan para sa pagtukoy ng panganib kapag gumagamit ng Berocca sa panahon ng pagbubuntis o habang nagpapasuso. Ipinapakiusap na palaging kumunsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago uminom ng anumang gamot.
Ang Berocca ay isang pregnancy risk category A na gamot, ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).
Batayan sa kategorya ng panganib sa pagbubuntis ng FDA sa ibaba:
- A=Walang panganib
- B=Walang panganib sa ilang pag-aaral
- C=Maaaring may ilang panganib
- D=Positibong ebidensya ng panganib
- X=Contraindicated
- N=Hindi alam
Mga side effect
Anong mga side effect ang maaaring mangyari mula sa Berocca Performance?
- Banayad na pagtatae
- Pagduduwal
- Masakit ang tiyan
- Edema o pamamaga
- Pamamanhid o pamamanhid ng balat
Gayunpaman, hindi nakararanas ng mga side effect ang lahat ng tao. Dagdag pa rito, maaari ding makaranas ng ibang side effect ang ibang mga tao. Kaya kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect, ipinapakiusap na kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Alamin ang mga interaction
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Berocca Performance?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist. Para sa iyong kaligtasan, huwag simulan, ihinto, o baguhin ang dosage ng anumang gamot nang walang pag-apruba ng iyong doktor.
- Ang mataas na dosage ng vitamin B6 ay sumasalungat sa levodopa.
- Maaaring mapahusay ng vitamin B6 ang metabolismo ng phenobarbital at phenytoin.
May interactions ba ang pagkain at alak sa Berocca Performance?
Maaaring mag-interact ang Berocca sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa doktor o pharmacist para sa anumang posibleng food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Berocca Performance?
Maaaring mag-interact ang Berocca sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalagang ugaliing ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon ka, lalo na ang:
- Hypercalcemia
- Hypermagnesemia
- Malubhang hypercalciuria
- Impaired renal function
- Kidney stones
- Hyperoxaluria
- Phenylketonuria patient
Dosage
Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose ng Berocca Performance para sa adult?
1-2 tablet bawat araw, tunawin sa isang baso ng tubig.
Ano ang dose ng Berocca Performance para sa isang bata?
Inirerekomenda lamang ang Berocca para sa mga batang 12 taong gulang pataas. Ang dosage ay kapareho ng sa adult.
Paano nakukuha ang Berocca Performance?
Available ang Berocca sa mga sumusunod na dosage forms at strengths:
- Flavored effervescent tablets
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Bihirang makaranas ng toxicity mula sa mataas na dosage ng mga vitamin supplements. Gayunpaman, sakaling magkaroon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ko ang isang dose?
Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom nang higit sa inirerekomenda ng doktor.
Matuto nang higit pa tungkol sa Herbals at Supplements dito.