backup og meta

Para Saan Ang Aspilets

Para Saan Ang Aspilets

Para saan ang aspilets? Ang Aspilets ay ang brand name para sa gamot na aspirin. Ang aspirin o acetylsalicylic acid (ASA) ay isang nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID) at anti-platelet na gamot o “blood thinner.”

Mga gamit

Saan ginagamit ang Aspilets?

Para saan ang aspilets?

  • Pampawala ng sakit
  • Pagbabawas ng lagnat
  • Panlaban sa pamamaga
  • Pag-iwas sa stroke at iba pang cardiovascular diseases

Paano gamitin ang Aspilets?

Basahin ang mga direksyon sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Suriin ang label at petsa ng pag-expire.

Para sa mga oral dosage form, lunukin ito nang buo nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinutunaw sa likido. Inumin ito nang may laman ang tiyan upang maiwasan ang pangangati ng sikmura.

Paano ako mag-iimbak ng mga Aspilets?

Itago ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng droga, hindi mo ito dapat iimbak o ilagay sa banyo o sa freezer.

Maaaring may iba’t ibang tatak ng gamot na ito na may iba’t ibang pangangailangan sa pag-iimbak. Kaya, mahalagang palaging suriin ang pakete ng produkto para sa mga hakbang sa pag-iimbak, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi mo dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o ibuhos ang mga ito sa drain maliban kung sinabihan kang gawin ito. Bukod pa rito, mahalagang itapon nang maayos ang produktong ito kapag nag-expire na ito o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang produktong ito.

Mga Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Aspilets?

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng anumang iba pang mga gamot. Kabilang dito ang anumang reseta, OTC, at mga herbal remedies
  • May allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito
  • May iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal

Ligtas bang gamitin ito sa panahon ng pagbubuntis o habang pagpapasuso?

Ang salicylates ay nasa umbilical cord at sa breastmilk pagkatapos na inumin ang mga ito. Mas kaunti ang masamang epekto ng mababang dose ng aspirin kumpara sa mataas na dose. Dapat iwasan ng mga buntis na babae ang pag-inom ng aspirin sa 20 linggo ng pagbubuntis hanggang sa panganganak. Ang iba pang mga pain reliever ay inirerekomenda kaysa sa aspilets habang nagpapasuso.

Mga side effect

Anong mga side effect ang maaaring mangyari mula sa Aspilets?

Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito, ang mga side effect ay karaniwang mild at mawawala kapag natapos na ang gamutan o binabaan ang dose. Ang ilang naiulat na mga side effect ay kinabibilangan ng:

  • Masakit ang tiyan
  • Heartburn
  • Antok
  • Bahagyang pananakit ng ulo

Itigil ang paggamit ng gamot na ito at tawagan kaagad ang iyong doktor kung mayroon kang:

  • Naririnig na tumutunog sa iyong mga tainga
  • pagkalito
  • Hallucinations
  • Mabilis na paghinga
  • Kombulsyon
  • Matinding pagduduwal
  • Pagsusuka
  • Sakit sa tiyan
  • May dugo sa dumi o dumi nang dumi
  • Pag-ubo ng dugo o pagsusuka na parang butil ng kape
  • Lagnat na tumatagal ng higit sa 3 araw
  • Pamamaga, o pananakit na tumatagal ng higit sa 10 araw

Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Bilang karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng iba pang mga epekto. Kaya, kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Alamin ang mga interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Aspilets?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect

Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist. 

Mga gamot na napag-alamang may interaction:

  • Corticosteroids
  • Mga anticoagulants
  • Antiplatelet agents
  • Carbonic anhydrase inhibitors
  • Sulfonylureas
  • Phenytoin, valproate
  • Probenecid, sulfinpyrazone
  • Lithium
  • Digoxin
  • Iba pang mga NSAID
  • Methotrexate
  • Ginkgo biloba

Kung nakakaranas ka ng masamang interactions sa gamot, ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor upang muling suriin ang iyong treatment plan. Kasama sa mga paraan ang pagsasaayos ng dose, pagpapalit ng gamot, o pagtatapos ng therapy.

May interactions ba ang pagkain at alak sa Aspilets?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Iwasan ang pag-inom ng alak habang gumagamit ng gamot na ito upang maiwasan ang gastric irritation. Pag-usapan ninyo ng iyong doktor o pharmacist ang anumang potensyal na interactions sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Aspilets?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom.Samakatuwid, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor at pharmacist ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka sa kasalukuyan. Lalo na ang:

  • Aktibong pagdurugo
  • Ulcers
  • Bleeding disorders

Dosage

Para saan ang aspilets? Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dosage para sa isang adult?

Ang inirekumendang dosis ay 1 tab araw-araw.

Ano ang dosage para sa isang bata?

Wala pang itinatakdang dose para sa pediatric. Huwag magbigay ng aspirin sa mga batang wala pang 16 taong gulang na may impeksyon sa viral, dahil maaaring magdulot ito ng Reye’s syndrome. Mangyaring kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko para sa karagdagang impormasyon.

Sa anong form available ang Aspilets?

Ang mga aspilet ay magagamit sa mga sumusunod na dosage forms at strength:

  • Tableta 80 mg
  • Enteric-coated (EC) tablet 80 mg

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa kaso ng emergency o sa labis na dose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ako ng isang dose?

Kung napalampas mo ang isang dose, inumin na ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang iyong susunod na dose, laktawan ang napalampas na dose at inumin ang iyong regular na dose ayon sa nakaiskedyul. Huwag kumuha ng dobleng dose.

Iwasang malampasan ang dapat na mainom na dose upang maiwasan ang antibiotic resistance at treatment failure.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Aspirin https://www.mims.com/philippines/drug/info/aspirin?mtype=generic Accessed July 6, 2021

Aspilets/Aspilets-EC https://www.mims.com/philippines/drug/info/aspilets-aspilets-ec Accessed July 6, 2021

Aspilets® https://www.unilab.com.ph/products/aspilets Accessed July 6, 2021

Aspirin for Reducing Your Risk of Heart Attack and Stroke: Know the Facts https://www.fda.gov/drugs/safe-daily-use-aspirin/aspirin-reducing-your-risk-heart-attack-and-stroke-know-facts Accessed July 6, 2021

Aspirin. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed July 6, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

04/22/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Kristel Lagorza


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement