Paano gamitin ang Amoxicillin?
Dapat inumin ang mga oral capsule nang hindi nginunguya o dinudurog. Ang oral drops at suspension ay nangangailangan ng reconstitution (paghahalo) ng malinis na inuming tubig. Maaari itong inumin kumain ka man o hindi, at sinusundan ng isang basong tubig.
Paano ako mag-iimbak ng Amoxicillin?
Dapat na nakaimbak ang gamot na ito sa room temperature (<30°C) at protektado mula sa liwanag at moisture. Huwag i-freeze ang produktong ito. Bago gamitin ang produktong ito, tingnan palagi ang label. Para sa kaligtasan, ilayo sa maaabot ng mga bata at alagang hayop.
Maaaring may ibang storage needs ang iba pang brand ng gamot na ito. Kaya mahalagang parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay sa pagtatabi nito, o magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, kailangang ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Huwag i-flush ang produktong ito sa inidoro o ibuhos sa drain maliban kung sinabing gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kailangan pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.
Alamin ang mga pag-iingat at babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ang Amoxicillin?
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Nagbubuntis o nagpapasuso
- Umiinom ng iba pang mga gamot. Kasama dito ang iba pang mga reseta, OTC, at halamang gamot.
- Allergy sa alinmang sangkap ng produktong ito
- Anumang sakit, karamdaman o kondisyong medikal
Ligtas bang uminom ng amoxicillin sa panahon ng pagbubuntis o habang nagpapasuso?
Ang gamot na ito ay karaniwang ligtas habang nagbubuntis at nagpapasuso. Ipinapakiusap na palaging kumunsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago uminom ng anumang gamot.
Ang gamot na ito ay pregnancy risk category B ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).
Batayan sa kategorya ng panganib sa pagbubuntis ng FDA sa ibaba:
- A=Walang panganib
- B=Walang panganib sa ilang pag-aaral
- C=Maaaring may ilang panganib
- D=May positibong ebidensya ng panganib
- X=Contraindicated
- N=Hindi alam
Alamin ang mga side effect
Ano ang mga side effect ng Amoxicillin?
Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang Amoxicilin. Kung makaranas ng mga side effect, karaniwan lang itong mild at nawawala agad matapos ang gamutan o kapag mababa na ang dose. Kabilang sa mga naitalang side effect ang mga sumusunod:
- Pagduduwal, pagsusuka
- Pagtatae
- Black “hairy” na dila
- Colitis
- Mild allergic reaction
- Pagbabago (discoloration) ng mga ngipin
Bihira, ngunit malubha at masamang reaksyon:
- Hepatitis
- Nephrotoxicity
- Mga abnormalidad sa dugo
- Reaksyon ng anaphylactic
- Mga kombulsyon
Gayunpaman, hindi nakararanas ng mga side effect ang lahat ng tao. Dagdag pa rito, maaari ding makaranas ng ibang side effect ang ibang mga tao. Kaya kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect, ipinapakiusap na kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Alamin ang mga interaction
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Amoxicillin?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.
Mga gamot na may interactions sa Amoxicilin
- Allopurinol
- Mga anticoagulants
- Bacteriostatic agents
- Beta-lactamase inhibitors
- Digoxin
- Methotrexate
- Mga oral contraceptive
- Probenecid
Kung makaramdam ng masamang drug interaction, agad na ipagbigay-alam sa doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang dose adjustment, drug substitution, o ending therapy.
May interactions ba ang pagkain at alak sa Amoxicillin?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa doktor o pharmacist para sa anumang posibleng food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Amoxicillin?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalagang ugaliing ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon ka, lalo na ang:
- Allergy sa penicillin o cephalosporin antibiotics
- Viral infection
- Malubhang sakit sa bato
- Phenylketonuria (PKU)
Unawain ang dosage
Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa adult?
Cutaneous Bacillus anthracis:
Uminom ng 500mg tatlong beses sa isang araw.
Bacterial Endocarditis Prophylaxis:
Kumuha ng 2g na ibinigay isang oras bago ang procedure.
Chlamydia Infection:
Uminom ng 500mg 3 beses sa isang araw sa loob ng 7 araw sa mga buntis na pasyente bilang alternatibo sa erythromycin sa mga taong sensitibo sa macrolide.
Urinary Tract Infection o cystitis:
Uminom ng 250 hanggang 500mg 3 beses sa isang araw para sa 3 hanggang 7 araw; Bilang alternative, 500 hanggang 875mg dalawang beses sa isang araw ang maaaring ibigay.
Impeksyon ng Helicobacter pylori:
Uminom ng 1g dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw sa loob ng 14 na araw.
Otitis Media:
Uminom ng 250 hanggang 500mg 3 beses sa isang araw para sa 10 hanggang 14 na araw; Bilang kahalili, 500 hanggang 875mg dalawang beses sa isang araw ay maaaring ibigay.
Pulmonya:
Uminom ng 500mg 3 beses sa isang araw o 875mg dalawang beses sa isang araw ay maaaring ibigay sa loob ng 7 hanggang 10 araw kung pinaghihinalaang pneumococcal pneumonia.
Impeksyon sa Balat o Soft Tissue:
Uminom ng 250 hanggang 500mg 3 beses sa isang araw para sa 7 hanggang 10 araw; Bilang alternative, 500 hanggang 875mg dalawang beses sa isang araw ang maaaring ibigay.
Impeksyon sa Upper Respiratory Tract:
Uminom ng 250 hanggang 500mg 3 beses sa isang araw para sa 7 hanggang 10 araw; Bilang alternative, 500 hanggang 875mg dalawang beses sa isang araw ang maaaring ibigay.
Bronchitis:
Uminom ng 250 hanggang 500mg 3 beses sa isang araw para sa 7 hanggang 10 araw; Bilang alternative, 500 hanggang 875mg dalawang beses sa isang araw ang maaaring ibigay.
Tonsilitis/Pharyngitis:
- Immediate-release: Uminom ng 250 hanggang 500mg 3 beses sa isang araw para sa 7 hanggang 10 araw; Bilang alternative, 500 hanggang 875mg dalawang beses sa isang araw ang maaaring ibigay.
- Extended-release: Uminom ng 775mg isang beses sa isang araw sa loob ng 1 oras pagkatapos kumain sa loob ng 10 araw; para sa mga impeksyong secondary sa Streptococcus pyogenes.
Ano ang dose para sa bata?
Pag-iwas sa Bacterial Endocarditis:
Magbigay ng 50 mg/kg bilang isang dosis 1 oras bago ang pamamaraan.
Cutaneous Bacillus anthracis:
Magbigay ng 80 mg/kg/araw na hinati sa pantay na dosis na ibinibigay tuwing 8 oras. Pinakamataas na dosis: 500 mg/dosis.
Otitis Media
- Edad 4 na linggo hanggang 3 buwan: Magbigay ng 20 hanggang 30mg/kg/araw sa hinati na dose tuwing 12 oras.
- 4 na buwan hanggang 12 taon: Magbigay ng 20 hanggang 50mg/kg/araw sa hinati na dose tuwing 8 hanggang 12 oras; Ang acute otitis media dulot ng highly resistant strains ng Streptococcus pneumoniae ay maaaring mangailangan ng doses na 80 hanggang 90 mg/kg/araw na nahahati sa 2 pantay na dose sa pagitan ng 12 oras.
Mga Impeksyon sa Balat o Soft Tissue
- Edad 4 na linggo hanggang 3 buwan: 20 hanggang 30mg/kg/araw sa hinati na dose tuwing 12 oras.
- 4 na buwan hanggang 12 taon: 20 hanggang 50mg/kg/araw sa hinati na dose tuwing 8 hanggang 12 oras; Ang acute otitis media dulot ng highly resistant strains ng Streptococcus pneumoniae ay maaaring mangailangan ng mga doses na 80 hanggang 90 mg/kg/araw na nahahati sa 2 pantay na dosis sa pagitan ng 12 oras.
Impeksyon sa Urinary Tract
- Edad 4 na linggo hanggang 3 buwan: 20 hanggang 30 mg/kg/araw sa hinati na dosis tuwing 12 oras.
- 4 na buwan hanggang 12 taon: 20 hanggang 50 mg/kg/araw sa hinati na dosis tuwing 8 hanggang 12 oras; Ang acute otitis media dulot ng highly resistant strains ng Streptococcus pneumoniae ay maaaring mangailangan ng mga dosis na 80 hanggang 90 mg/kg/araw na nahahati sa 2 pantay na dosis sa pagitan ng 12 oras.
Pulmonya:
Magbigay ng 40 hanggang 50 mg/kg/araw sa hinati na dosis tuwing 8 oras.
Tonsilitis/Pharyngitis
- Edad 4 na linggo hanggang 3 buwan: Magbigay ng 20 hanggang 30 mg/kg/araw sa hinati na dosis tuwing 12 oras.
- 4 na buwan hanggang 12 taon: Magbigay ng 20 hanggang 50 mg/kg/araw sa hinati na dosis tuwing 8 hanggang 12 oras.
- Immediate-release: Magbigay ng 250 hanggang 500 mg 3 beses sa isang araw sa loob ng 7 hanggang 10 araw; Bilang kahalili, 500 hanggang 875 mg dalawang beses sa isang araw ay maaaring ibigay.
- Extended-release: Magbigay ng 775 mg isang beses sa isang araw sa loob ng 1 oras pagkatapos kumain sa loob ng 10 araw; para sa mga impeksyong secondary sa S. pyogenes.
Paano magagamit ang Amoxicillin?
Ang Amoxicillin ay magagamit sa mga sumusunod na dosage form at strength:
- Powder para sa oral drops 100 mg/mL
- Powder para sa oral suspension 125 mg/5 mL, 250 mg/ 5 mL
- Oral na kapsula 250 mg, 500 mg
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ko ang isang dose?
Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose. Iwasang makaligtaan ang doses upang maiwasan ang bacterial resistance at treatment failure.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.