backup og meta

Para Saan Ang Ambroxol At Paano Ito Ginagamit?

Para Saan Ang Ambroxol At Paano Ito Ginagamit?

Para saan ang ambroxol? Ang Ambroxol ay isang generic na gamot na kilala bilang isang mucolytic. Gumagana ang mucolytics sa pamamagitan ng pagnipis ng plema at pagbabawas ng pagtatago ng uhog. Ito ay mabisa para sa produktibo o basang ubo.

Alamin ang mga pangunahing kaalaman

Para Saan Ang Ambroxol?

Inirereseta ito para sa iba’t ibang mga sakit sa paghinga tulad ng emphysema na may bronchitis pneumoconiosis, chronic inflammatory pulmonary conditions, tracheobronchitis (pamamaga ng respiratory tract), bronchiectasis, bronchial asthma.

Paano gamitin ang Ambroxol?

Inumin ang produktong ito kasama ng pagkain ayon sa itinuro. Sundin ang lahat ng direksyon sa pakete ng produkto. Kung hindi ka sigurado tungkol sa alinman sa impormasyon, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Sabihin sa iyong doktor kung nagpapatuloy o lumalala ang iyong kondisyon o kung nagkakaroon ka ng mga bagong sintomas. Kung sa tingin mo ay mayroon kang malubhang problemang medikal, humingi kaagad ng tulong medikal.

Paano ako mag-iimbak ng Ambroxol?

Dapat na nakaimbak ang gamot na ito sa room temperature at protektado mula sa liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng droga, hindi mo ito dapat iimbak sa banyo o sa freezer. 

Maaaring may ibang storage needs ang iba pang brand ng Ambroxol. Kaya mahalagang parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay sa pagtatabi nito, o magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, kailangang ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat itinatapon ang produktong ito sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung sinabing gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kinailangan pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.

Alamin ang mga pag-iingat at babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ang Ambroxol?

Bago gamitin ang ambroxol, ipaalam sa iyong doktor at pharmacist kung ikaw ay:

  • Allergic sa gamot na ito o alinman sa mga sangkap nito
  • Pag-inom ng mga reseta o hindi iniresetang gamot, kabilang ang mga bitamina at mga herbal na remedyo.
  • Buntis, planong magbuntis, o nagpapasuso.

Ligtas bang uminom ng ambroxol sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?

Walang sapat na pag-aaral sa mga kababaihan para sa pagtukoy ng panganib kapag ginagamit ang gamot na ito sa panahon ng pagbubuntis o habang nagpapasuso. Ipinapakiusap na palaging kumunsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago uminom ng anumang gamot.

Ang gamot na ito ay pregnancy risk category C ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).

Batayan sa kategorya ng panganib sa pagbubuntis ng FDA sa ibaba:

  • A=Walang panganib,
  • B=Walang panganib sa ilang pag-aaral,
  • C=Maaaring may ilang panganib,
  • D= Positibong ebidensya ng panganib,
  • X=Contraindicated,
  • N=Hindi alam.

Alamin ang mga side effect

Ano ang mga side-effect ng ambroxol?

Kasama sa mga side effect ang:

  • Banayad na epekto ng GI
  • Mga allergic reaction

Hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Maaaring may ilang mga side effect na hindi nakalista sa itaas. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa side-effect, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Alamin ang mga interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Ambroxol?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga malubhang side effect.

Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.

Para sa iyong kaligtasan, huwag simulan, ihinto, o baguhin ang dosis ng anumang gamot nang walang pag-apruba ng iyong doktor.

May interactions ba ang pagkain at alak sa Ambroxol?

Maaaring mag-interact ang Ambroxol sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa doktor o pharmacist para sa anumang posibleng food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Ambroxol?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalaga na ugaliing ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon ka, lalo na ang:

  • Gastric ulceration

Unawain ang dosage

Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dosage ng Ambroxol para sa adult?

Karaniwang Dosis ng Pang-adulto para sa mucolytic

30 mg tatlong beses araw-araw o 60 mg dalawang beses araw-araw. Bilang extended-release na kapsula: 75 mg isang beses araw-araw.

Ano ang dose para sa bata?

Karaniwang Pediatric Dose para sa mucolytic

<2 taon 7.5-15 mg dalawang beses araw-araw.

2-5 taon 7.5-15 mg tatlong beses araw-araw;

6-12 taon 15-30 mg 2-3 beses araw-araw;

>12 taon Pareho sa pang-adultong dosis.

Paano magagamit ang Ambroxol?

Ang Ambroxol ay magagamit sa mga sumusunod na dosage form at strength:

Tablet, Oral: 30 mg

Solusyon, Oral: 30 mg/5 mL

Iniksyon: 15 mg/2 mL

Paglanghap: 15 mg/2 mL

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ko ang isang dose?

Kung makalimot ng dose ng ambroxol, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose. 

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ambroxol https://www.mims.com/philippines/drug/info/ambroxol?mtype=generic Accessed June 6, 2021

Mucosolvan https://www.mims.com/philippines/drug/info/mucosolvan?type=full Accessed June 6, 2021

An overview of efficacy and safety of ambroxol for the treatment of acute and chronic respiratory diseases with a special regard to children https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7137760/ Accessed June 6, 2021

Ambroxol https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Ambroxol Accessed June 6, 2021

Ambroxol https://www.acs.org/content/acs/en/molecule-of-the-week/archive/a/ambroxol.html Accessed June 6, 2021

Kasalukuyang Version

10/03/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement