Ang Altussan ay brand name ng isang kombinasyon ng apat na aktibong sangkap: guaifenesin, oxeladin citrate, phenylpropanolamine HCl, at chlorphenamine maleate. Para saan ang Altussan?
Ang guaifenesin ay isang expectorant na nakatutulong upang mapalambot ang plema. Ang oxeladin citrate ay isang cough suppressant para sa tuyong ubo. Isang indirect-acting sympathomimetic at pantanggal ng bara ng ilong naman ang phenylpropanolamine HCl.
Para Saan Ang Altussan? Paggamit Nito
Ito ay ginagamit bilang gamot sa ubo at sipon.
Paano Inumin Ang Altussan?
Basahin ang mga panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.
Para sa oral dosage forms, lunukin ito nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinutunaw. Maaari itong inumin nang mayroon o walang pagkain.
Paano Itago Ang Altussan?
Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng pagtatago. Kaya mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.
Para Saan Ang Altussan? Mga Pag-Iingat At Babala
Ano Ang Dapat Malaman Bago Uminom Ng Altussan?
Bago uminom ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot.
- May allergy sa anomang sangkap nito
- Ibang sakit, disorders, o medikal na kondisyon
Ligtas Ba Itong Inumin Habang Nagbubuntis o Nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng pag-inom ng gamot na ito para sa mga buntis at nagpapasuso. Laging kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang mga posibleng benepisyo at panganib ng pag-inom ng anomang gamot.
Para Saan Ang Altussan? Side Effects
Anu-Anong Side Effects Ang Maaaring Maranasan Kung Umiinom Ng Altussan?
Katulad ng ibang mga gamot, ang altussan ay maaaring may side effects. Kung mangyari ito, kadalasang ang mga ito ay hindi gaanong malubha at nawawala kung tapos na ang gamutan o kung ibinaba ang dose. Ang ilang mga naitalang side effects ay ang mga sumusunod:
Gayunpaman, ang side effects ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. Dagdag pa, may ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Para Saan Ang Altussan? Mga Interaksyon
Anu-Anong Mga Gamot Ang Maaaring May Interaksyon Sa Altussan?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.
Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Mga Gamot Na May Interaksyon:
- Amantadine
- Antipsychotics
- Antivirals
- Bromocriptine
- Caffeine
- Diphenhydramine
- Disulfiram
- Methotrimeprazine
- NSAIDs
- Secnidazole
Kung ikaw ay makaranas ng matinding drug interaction, agad na ipagbigay-alam ito sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong plano ng iyong gamutan. Ang mga maaaring gawin ay ang pagsasaayos ng dose, pagpapalipat ng gamot, o pagtapos sa gamutan.
May Interaksyon Ba Ang Pagkain At Alak Sa Altussan?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Iwasan ang pag-inom ng alak habang umiinom ng gamot na ito. Itanong sa iyong doktor o pharmacist ang anumang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.
Anu-Anong Mga Medikal Na Kondisyon Ang Maaaring May Interaksyon Sa Altussan?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Kaya mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon.
Para Saan Ang Altussan? Dosage
Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anumang gamot.
Ano Ang Dose Para Sa Isang Nakatatanda?
Uminom ng dalawang tableta kada apat na oras o batay sa reseta ng iyong doktor.
Ano Ang Dose Para Sa Isang Bata?
Walang tiyak na dose ng gamot na ito para sa mga bata. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Laging mahalaga na lubos na maunawaan ang kaligtasan ng pag-inom ng gamot bago ito inumin. Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa iba pang mga impormasyon.
Anong Altussan Ang Maaaring Mabili?
Ang gamot na ito ay maaaring mabili sa mga sumusunod na anyo at lakas ng dosage:
- Capsule na naglalaman ng guaifenesin 100 mg, oxeladin citrate 10 mg, phenylpropanolamine HCl 12.5 mg, at chlorphenamine maleate 1 mg
- Syrup na naglalaman (kada 5mL) ng Guaifenesin 100 mg, sodium citrate 160 mg, oxeladin citrate 5 mg
Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Emergency o Kung Na-Overdose?
Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.
Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Nakalimutan Kong Uminom?
Kung nakalimutang uminom ng gamot, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.