backup og meta

Para Saan Ang Allerta, at Anu-ano Ang Side Effects Nito?

Mga Gamit

Para saan ang Allerta? Ang Allerta® (loratadine) ay isang uri ng gamot na kilala bilang isang antihistamine. Gumagana ang Allerta® sa pamamagitan ng pagdikit sa mga histamine H1-receptor ng iba’t ibang cell ng katawan lalo na sa central nervous system, baga, at white blood cells. Sa pagharang sa histamine, napipigilan ang mga sintomas tulad ng pagbahing, pangangati, pamumula, pamamaga, at sipon.

Isang second-generation antihistamine ang Loratadine kaya’t hindi ito gaanong nakapagpapakalma kumpara sa mga first-generation antihistamine tulad ng diphenhydramine. Para saan ang Allerta?

Ginagamit ang Allerta® na gamot sa mga sumusunod:

  • Allergic rhinitis
  • Pagbahing
  • Tumutulong sipon
  • Nangangati at namamasang mata
  • Mga sintomas ng allergy sa balat tulad ng pangangati at pantal

Paano ko Dapat Gamitin Ang Allerta®?

Available ang Allerta® bilang isang oral tablet. Ang tablet ay dapat ikonsumo gamit ang bibig. Dapat din itong lunukin nang buo nang hindi nginunguya o dinudurog. Puwede itong inumin nang may pagkain man o wala. 

Bagaman hindi gaanong nakapagpapakalma ang Allerta®, puwede itong magdulot ng pagkaantok sa ilang mga tao. Pinakamabuting inumin ito sa gabi hangga’t maaari at iwasang gumamit nito bago magmaneho o magpaandar ng mga makinarya.

Paano Mag-imbak ng Allerta®?

Ilagay ang produktong ito sa room temperature (<30°C) at protektahan mula sa moisture. Huwag patigasin sa freezer ang produktong ito. Bilang pag-iingat, ilayo ito sa maaabot ng mga bata at alagang hayop.

Palaging suriin ang label bago gamitin ang produktong ito at upang malaman kung para saan ang Allerta. Huwag nang gamitin kung ang nakaimprentang petsa ng expiration ay lumipas na, sira na ang selyo ng produkto, o nagbago na ang kulay, amoy at consistency nito.

Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbubuhos sa drain, toilet, o sa paligid. Itanong sa iyong pharmacist ang tamang paraan at lugar ng pagtatapon nito.

Mga Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Allerta®?

Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung:

  •         nagkaroon ka ng allergic reaction sa Allerta® o sa iba pang antihistamine.
  •         nakaranas ng allergy sa iba pang mga gamot, pagkain, at iba pang substance.
  •         may iba ka pang gamutan
  •         mayroon kang mga underlying health condition

Ligtas ba Ito sa nagbubuntis o nagpapasuso?

Ang Loratadine ay pregnancy category B drug. Wala pang sapat at lubos na kontroladong pag-aaral sa paggamit ng Allerta® ng mga buntis, gayunpaman, lumalabas sa pag-aaral sa mga hayop na wala itong teratogenic risk. Gamitin lamang ang gamot na ito habang nagbubuntis kung nabibigyang katwiran ng potensiyal na benepisyo nito ang potensyal na panganib nito sa fetus, batay sa pagsusuri ng iyong doktor. 

Maaaring mailabas ang gamot na ito sa breastmilk. Kaya naman, parating kumonsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga posibleng benepisyo at panganib nito sa bata bago uminom ng gamot kapag nagpapasuso, batay sa pagsusuri ng doktor.

Mga Side Effect   

Anong mga side effect ang puwedeng mangyari dulot ng Allerta®?

Lahat ng gamot ay may potensiyal na side effect kahit sa normal na gamit. Marami sa mga side effect ay may kinalaman sa dami ng iniinom at mareresolba rin ito kapag nag-adjust ng dosage o sa pagtatapos ng therapy.

Kabilang sa mga potensiyal na side effect habang gumagamit ng gamot nito ang:

  • Pagkaantok
  • Pagkahilo
  • Insomnia
  • Agitation, irritability
  • Nervousness
  • Conjunctivitis
  • Panlalabo ng paningin
  • Tuyong bibig at mata
  • Pagdurugo ng ilong
  • Upper respiratory tract infection
  • Paghingal
  • Sore throat
  • Hyperkinesia
  • Pananakit ng tiyan
  • Pagtatae

Matitinding adverse reaction:

  • Abnormal liver function
  • Pagkalagas ng buhok
  • Anaphylaxis
  • Paglaki ng dibdib
  • Erythema multiforme
  • Peripheral edema
  • Seizure
  • Thrombocytopenia

Maaari kang makaranas ng ilan, hindi makaranas, o makaranas ng iba pang side effect na hindi nabanggit sa itaas. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa mga side effect, o kung nakababahala na ito para sa iyo, kumonsulta sa iyong doktor at pharmacist.

Mga Interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Allerta®?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamutan. Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at pharmacist.

Kabilang sa mga kilalang gamot at interactions nito sa gamutan ang:

  • Sedatives 
    • Dinadagdagan ang mga sintomas ng pagkaantok
    • Hypnotics 
    • Dinadagdagan ang mga sintomas ng pagkaantok
  • Iba pang antihistamines 
    • Dinadagdagan ang mga sintomas ng pagkaantok
  •         Mga gamot na nakaaapekto sa atay (hal. paracetamol, oral contraceptives)
    • Tumataas ang panganib ng pagkasira ng atay

Kung nakaranas ka ng masamang drug interaction, ihinto ang paggamit nito at ipagpatuloy ang paggamit ng iba mo pang gamot. Ipaalam agad ito sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Maaaring mabawasan ng doktor ang dose nito, palitan ang gamot, o ihinto ang gamutan.

Nag-i-interact ba ang pagkain at alak sa Allerta®?

Wala pang natukoy na interaction sa pagkain ang Allerta®, gayunpaman, pinakamabuting inumin ito nang may pagkain. Huwag inumin ang Allerta® kasabay ng alak dahil maaari nitong mapalakas ang epekto ng pagkaantok at ng CNS depression.

Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring mag-interact sa Allerta®?

Dapat na inumin ang gamot na ito nang may pag-iingat kung mayroon kang anumang kondisyon o panganib:

  • History ng epilepsy
  • Diabetes mellitus

Ipaalam sa iyong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa tiyak na mga kondisyong pangkalusugan.

Dosage

Hindi pamalit sa anumang medikal na payo ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya naman, parating kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng Allerta®.

Ano ang dose ng Allerta® para sa matatanda?

Sa paggamot ng allergic rhinitis o mga sintomas ng allergy

  •         Uminom ng isang tableta kada araw.

Ano ang dose ng Allerta® para sa bata?

Sa paggamot ng allergic rhinitis o mga sintomas ng allergy

  •         Para sa edad 2 taon pataas na may timbang na >30kg: pareho sa dose ng matanda.
  •         Sa edad 2 – 12 taon na may timbang na ,30kg: magbigay ng ½ ng tableta.
  •         Edad 2 taong: hindi pa naitatakda ang inirerekomendang dose. Huwag ibigay ang gamot na ito maliban kung sinabi ng doktor.

Paano makukuha ang Allerta®?

Available ang gamot na ito sa mga sumusunod na dosage forms at strengths:

  • Allerta® tablet 10 mg

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?

Kung nakaligtaan mo ang isang dose ng drogang ito, inumin na agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang hindi nainom na dose at inumin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag iinom ng dobleng dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Allerta, https://assets.unilab.com.ph/uploads/Common/Products/Allerta-Tablet/allerta_tablet.pdf, Accessed Aug 20, 2020

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3356948/, Accessed Aug 20, 2020

Kasalukuyang Version

04/18/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement