Allerkid ang pangalan ng brand ng generic na gamot na cetirizine dihydrochloride. Para saan ang Allerkid?
Ang Cetirizine ay isang uri ng gamot na kilala bilang antihistamine. Gumagana ang Cetirizine sa pamamagitan ng pagdikit ng mga histamine H1-receptor sa iba’t ibang cell ng katawan lalo na sa central nervous system, baga, at white blood cells. Sa pagharang sa histamine, napipigilan ang mga sintomas tulad ng pagbahing, pangangati, pamumula, pamamaga, at sipon.
Isa itong second-generation antihistamine na nagdudulot ng mas kaunting antok sa tuwing iniinom kumpara sa mga first-generation antihistamine (tulad ng diphenhydramine).
Mga Gamit
Para saan ang Allerkid?
Iniibsan ng gamot na ito ang mga sintomas ng allergy mula sa:
- Rhinitis
- Chronic urticaria
Paano gamitin ang Allerkid?
Basahin ang mga gabay sa pakete para sa buong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.
Para sa mga oral liquid, gumamit ng medical-grade na measuring cup o dropper, at huwag ang kutsara sa bahay.
Paano itabi ang Allerkid?
Ilagay ang produktong ito sa room temperature na malayo sa sinag ng araw at moisture. Huwag ilagay sa palikuran o sa freezer upang maiwasan ang pagkasira ng gamot.
Maaaring may ibang storage needs ang iba pang brand ng gamot na ito. Kaya mahalaga na parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay tungkol sa pagtatabi nito, o magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, marapat na ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi dapat itinatapon ang produktong ito sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung pinayong gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ito kapag nag-expire o hindi na kailangang gamitin pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.
Mga Pag-Iingat At Babala
Bukod sa kaalaman kung para saan ang Allerkid, mahalaga ring malaman kung kailan ito ipinagbabawal.
Ano ang dapat malaman bago gumamit ng Allerkid?
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung:
- Nagbubuntis o nagpapasuso
- Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang prescription, OTC, at herbal remedy.
- May allergy sa mga sangkap ng produkto.
- May iba pang sakit, karamdaman o kondisyong medikal.
Ligtas ba itong gamitin tuwing nagbubuntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, wala pang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito tuwing nagbubuntis at nagpapasuso. Pinapakiusap na parating kumonsulta sa doktor upang matimbang ang mga posibleng benepisyo at panganib bago uminom ng kahit anong gamot.
Mga Side Effect
Ngayong alam na natin kung para saan ang Allerkid, ano ang maaaring side effects nito?
Ano ang mga side effect na maaaring magmula sa Allerkid?
Para saan ang allerkid? Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang Allerkid. Kung makaranas ng mga side effect, karaniwan lang itong mild at nawawala agad matapos ang gamutan o kapag mababa na ang dose. Kabilang sa mga naitalang side effect ang mga sumusunod:
- Sakit ng ulo
- Pharyngitis
- Sakit ng tiyan
- Ubo
- Pagkaantok o sedation
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Pagtatae
- Pagdugo ng ilong
- Bronchospasm
Subalit, hindi nakararanas ng mga side effect ang lahat ng tao. Dagdag pa rito, maaari ding makaranas ng ibang side effect ang ibang mga tao. Kaya kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect, ipinapakiusap na kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Mga Interaction
Ano-anong gamot ang maaaring mag-interact sa Allerkid?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.
Mga gamot na may interaction sa Allerkid:
- Mga alcohol-containing preparation
- Iba pang mga antihistamine
- Iba pang mga CNS depressant
Kung makaramdam ng masamang drug interaction, agad na ipagbigay-alam sa doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang dose adjustment, drug substitution, o ending therapy.
Nag-i-interact ba ang pagkain at alak sa Allerkid?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Huwag uminom ng alak habang umiinom ng gamot na ito. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa doktor o pharmacist para sa anumang posibleng food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Allerkid?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalaga na ugaliing ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon.
Dosage
Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa bata?
Base sa edad, bigyan ang mga bata sa edad na:
- 6 hanggang 12 taong gulang ng 2 teaspoon ng syrup isang beses sa isang araw o 1 teaspoon kada 12 na oras.
- 2 hanggang 5 taong gulang ng 1 teaspoon ng syrup isang beses sa isang araw o kalahating teaspoon kada 12 na oras, o 2mL ng oral drop isang beses sa isang araw o 1mL kada 12 na oras
- 1 o mababa pa sa 2 taong gulang ng 1mL ng oral drop isa o dalawang beses sa isang araw
- 6 hanggang 12 na buwang gulang ng 1mL ng oral drop isang beses sa isang araw
Paano nakukuha ang Allerkid?
Nakikita ang Allerkid sa mga sumusunod na uri ng dosage at kalakasan:
- Oral drop 2.5mg/mL
- Syrup 5mg/5mL
Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat gawin kung makalimutan ang dose?
Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.