Gamit ng Leucodinine B (mequinol)
Saan ginagamit ang Leucodinine B? Karaniwang ginagamit ang Leucodinine B sa paggamot sa hyperpigmentation tulad ng melasma, post-inflammatory o chemical melanosis.
Paano gamitin ang Leucodinine B (mequinol)
Ang gamot na ito ay ginagamit lamang sa balat. Iwasang madikit ito sa mata. Maghugas ng kamay pagkatapos gamitin ang produktong ito.
Paano Itabi ang Leucodinine B (mequinol)?
Itabi ito sa temperatura ng silid, iwasan sa basa o sa lugar na direktang nasisikatan ng araw. Upang maiwasan ang pagkasira ng produkto, hindi dapat ito itabi sa banyo o freezer. Maaaring may iba’t ibang brand ang produktong ito na nangangailangan ng ibang pamamaraan ng pagtabi. Samakatuwid, mahalagang basahin ang panuto sa pagtatabi ng produkto, o maaaring magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ito sa maaabot ng bata at alagang hayop.
Hindi ito dapat i-flush sa toilet o ibuhos sa drain kung hindi ibinilin. Karadagan, huwag na gamitin ang produkto kung expired. Kumunsulta sa pharmacist para sa ibang detalye kung paano ligtas na itatapon ang produkto.
Paalala at Babala
Ano ang dapat mong malaman bago gumamit ng Leucodinine B?
Ang gamot na ito ay hindi dapat inumin kapag may:
- Hypersensitivity sa anumang sangkap
- Mga kabataan na 12 taon gulang pababa.
Bago gamitin ang produktong ito:
- Umiwas na direktang maarawan sa bahaging hyperpigmented. (Hal. magsuot ng long sleeves at pantalon, o gumamit ng payong)
- Kung lalabas, gumamit ng sunblock
- Iwasan madikit ito sa mata at mucous membranes.
Ligtas ba ito sa pagbubuntis o pagpapasuso?
Pagbubuntis
Habang nagbubuntis, walang naitalang kaso ng malformation sa fetus. Gayunpaman, kumunsulta sa iyong doktor upang alamin ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago gamitin ang produktong ito.
Lactation
Dahil sa kawalan ng data ang gamit ng medisinal na produktong ito ay dapat iwasan kung nagpapasuso.
Iba pang Epekto
Mga Posibleng iba pang Epekto ng Leucodinine B (Mequinol)
Ang ilang iba pang epekto ay maaaring lumabas habang ginagamit ang gamot na ito, tulad ng iritasyon, reaksyong hypersensitivity (bihira) o panganib ng post-inflammatory hypomelanosis (pangingitim)
Hindi lahat ay nakakaranas ng iba pang mga epekto. Maaaring ang ilang mga iba pang epekto ay hindi nakatala. Kung ikaw ay may tanong sa iba pang epekto, kumunsulta sa doktor o pharmacist.
Interactions
Anong mga gamot ang may kaugnayan sa Leucodinine B (mequinol)?
Ang gamot na ito ay maaaring may kaugnayan sa gamot na iyong kasalukuyang iniinom, na maaaring magpabago kung paano gumagana ang iyong gamot o magpataas sa panganib ng mas malalang iba pang epekto.
Upang maiwasan ang anumang ugnayan sa gamot, nararapat na mayroong tala ng mga gamot na iniinom (kabilang ang may reseta, walang reseta at mga herbal na produkto) at ipaalam ito sa iyong doktor o pharmacist.
Para sa kaligtasan, huwag umpisahan, ihinto, o baguhin ang dosage ng anumang gamot nang walang konsultasyon sa doktor.
May mga pagkain o inumin bang may kaugnayan sa Leucodinine B (mequino)?
Bilang topical na produkto, walang anumang kaugnayan ito sa pagkain. Gayunpaman, kumunsulta sa doktor o pharmacist tungkol sa mga potensyal na pagkain o alkohol bago gamitin ang produktong ito.
Kondisyon sa kalusugan na maaaring mag kaugnayan sa Leucodinine B (mequino)
Ang leucodinine B ay maaaring may kaugnayan sa kalusugan. Ang ugnayang ito ay maaaring magpalala sa kondisyon ng kalusugan, o baguhin kung paano gumagana ang gamot. Mahalaga na palaging ipaalam sa doktor o pharmacist ang kasalukuyang kondisyon ng kalusugan na mayroon ka.
Dosage
Saan ginagamit ang leucodinine B? Ang mga impormasyong ibinibigay ay hindi pamalit sa anumang medikal na payo. Palaging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gamitin ang gamot na ito.
Ano ang dose para sa matanda?
Ang inirerekomendang dose ay 2 beses na pagpahid kada araw, isang beses sa umaga at isang beses sa gabi.
Ang ang dose para sa mga bata?
Walang itinalagang dose para sa mga bata. Ito ay maaaring hindi ligtas sa mga bata. Samakatuwid, mahalagang komunsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa iba pang impormasyon.
Paano mabibili ang Leucodinine B?
Mabibili ang leucodinine B sa mga sumusunod na anyo ng dosage:
- Ointment na naglalaman ng mequinol (w/w)
Ano ang dapat gawin kung sakaling may panganib ng overdose?
Kung may emergency man o pagka-overdose, tumawag sa local emergency services o pumunta sa pinakamalapit na hospital.
Ano ang dapat gawin kung may nakaligtaan na dose?
Kung may nakaligtaan na dose, agad itong i-apply. Gayunpaman, kung oras na para sa susunod na dose, laktawan na lamang at sundin ang regular na paggamit ng dose. Huwag dumoble ng dose.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.