backup og meta

Ano Ang Vastarel, At Para Saan Ang Gamot Na Ito?

Ano Ang Vastarel, At Para Saan Ang Gamot Na Ito?

Ano ang Vastarel? Ang Vastarel ay isang brand name ng gamot na trimetazidine. Ang trimetazidine ay isang anti-anginal na gamot na kapaki-pakinabang sa paggamot ng angina pectoris.

Ano ang Vastarel? Paggamit nito

Para saan ang Vastarel?

Ang Vastarel ay gamot sa angina pectoris na hindi lubhang gumaling sa ibang gamutan na unang isinagawa.

Paano inumin ang Vastarel?

Basahin ang mga panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.

Ang mga tabletang iniinom ay ay dapat lunukin nang buo nang hindi dinudurog, nginunguya, o tinutunaw. Ito ay mainam inumin matapos kumain.

Paano itago ang Vastarel?

Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng pagtatago. Mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.

Mga pag-iingat at babala

Ano ang dapat kong malaman bago uminom ng Vastarel?

Bago uminom ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay o may:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot.
  • Allergy sa anomang sangkap ng produktong ito
  • Ibang sakit, disorders, o medikal na kondisyon

Ligtas ba itong gamitin habang nagbubuntis o nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng pagamit ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Laging kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang mga posibleng benepisyo at panganib ng pag-inom ng anumang gamot.

Ano ang Vastarel? Side effects

Anu-anong side effects ang maaaring maranasan sa pag-inom ng Vastarel?

Katulad ng lahat ng mga gamot, ang tranexamic acid ay maaaring may side effects. Kung mangyari ito, kadalasang ang mga ito ay hindi gaanong malubha at nawawala kung tapos na ang gamutan o kung ibinaba ang dose. Ang ilang mga naitalang side effects ay ang mga sumusunod:

Ang side effects na ito ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. May ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Ano ang Vastarel? Mga interaksyon

Anu-anong mga gamot ang maaaring may interaksyon sa Vastarel?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.

Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.

May interaksyon ba ang pagkain at alak sa Vastarel?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Itanong sa iyong doktor o pharmacist ang anomang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.

Ano-anong mga medikal na kondisyon ang maaaring may interaksyon sa Vastarel?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Kaya mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon.

Ano ang Vastarel? Dosage

Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.

Ano ang dose para sa isang nakatatanda?

Kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang impormasyon tungkol sa dose ng vastarel.

Ang inirerekomendang dose sa ilang mga kaso ay isang tableta ng 20mg, inumin ito tatlong beses sa isang araw matapos kumain.

Ano ang dose para sa isang bata?

Ang vastarel ay hindi inirerekomenda sa mga batang edad 18 pababa.

Anong Vastarel ang maaaring mabili?

Ang gamot na ito ay maaaring mabili sa mga sumusunod na anyo at lakas ng dosage:

  • Film-coated na tableta 20 mg
  • Vastarel MR na tableta 35 mg

Ano ang maaari kong gawin kung emergency o kung na-overdose?

Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.

Ano ang maaari kong gawin kung nakalimutan kong uminom?

Kung nakalimutang uminom, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vastarel 20, https://www.mims.com/philippines/drug/info/vastarel%2020?type=full, Accessed June 11, 2021

Trimetazidine, https://www.mims.com/philippines/drug/info/trimetazidine?mtype=generic, Accessed June 11, 2021

Trimetazidine, https://www.ema.europa.eu/en/medicines/human/referrals/trimetazidine, Accessed June 11, 2021

Vastarel Package Leaflet, https://www.hpra.ie/img/uploaded/swedocuments/2151307.PPA1328_212_001.93b30750-a1ae-4b87-8c3b-0af3ce2ddda1.000001Product%20Leaflet%20Approved.140925.pdf, Accessed June 11, 2021

Trimetazidine in Heart Failure, https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fphar.2020.569132/full, Accessed June 11, 2021

Kasalukuyang Version

10/17/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement