backup og meta

Alamin: Ano Ang Tranexamic Acid, At Saan Ito Ginagamit?

Alamin: Ano Ang Tranexamic Acid, At Saan Ito Ginagamit?

Ano Ang Tranexamic Acid?

Ang tranexamic acid (TXA) ay isang gamot na antifibrinolytic na nakaiiwas sa pagkasira ng fibrin clots sa dugo. Gayundin, nakatutulong din ito sa pagbagal ng pagdurugo upang maiwasan ang sobrang kawalan ng dugo.

Ano Ang Tranexamic Acid? Paggamit Nito

Para Saan Ang Tranexamic Acid?

  • Hemophilia at iba pang sakit na pamumuo ng dugo
  • Nababawasan ang pagdurugo matapos ang operasyon
  • Pagkontrol sa pagdurugo ng ilong
  • Paglabas ng maraming dugo tuwing may regla (menorrhagia)
  • Kupas na madilim na spots sa balat

Paano Inumin Ang Tranexamic Acid?

Basahin ang mga panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.

Para sa oral dosage forms, lunukin ito nang buo nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinutunaw.

Paano Itago Ang Tranexamic Acid?

Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng pagtatago. Kaya mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan.  Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.

Ano Ang Tranexamic Acid? Mga Pag-Iingat At Babala

Ano Ang Dapat Kong Malaman Bago Uminom Ng Tranexamic acid?

Bago uminom ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay o may:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot.
  • Allergy sa anomang sangkap ng produktong ito
  • Ibang sakit, disorders, o medikal na kondisyon

Ligtas Ba Itong Inumin Habang Nagbubuntis o Nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng pag-inom ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Laging kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang mga posibleng benepisyo at panganib ng pag-inom ng anomang gamot.

Ang gamot na ito ay pregnancy risk category B ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).

Ang mga kategorya ng FDA pregnancy risk ay ang mga sumusunod:

  • A= walang panganib
  • B= walang panganib ayon sa ibang pag-aaral
  • C= maaaring may ilang panganib
  • D= may positibong ebidensya ng panganib
  • X= hindi ipinapayong gamitin
  • N= hindi alam

Ano Ang Tranexamic Acid? Side Effects

Anu-Anong Side Effects Ang Maaaring Maranasan Sa Pag-Inom Ng Tranexamic Acid?

Katulad ng lahat ng mga gamot, ang tranexamic acid ay maaaring may side effects. Kung mangyari ito, kadalasang ang mga ito ay hindi gaanong malubha at nawawala kung tapos na ang gamutan o kung ibinaba ang dose. Ang ilang mga naitalang side effects ay ang mga sumusunod:

  • Pagduduwal, pagsusuka
  • Pagtatae
  • Pagkahilo
  • Pananakit
  • Biglang kakapusan ng hininga
  • Hemoptysis
  • Pagkawala ng malay
  • Edema
  • Pagkalito
  • Nahihirapang magsalita
  • Panghihina ng isang gilid ng katawan
  • Pagbabago sa paningin

Gayunpaman, ang side effects ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. Dagdag pa, may ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Ano Ang Tranexamic Acid? Mga Interaksyon

Anu-Anong Mga Gamot Ang Maaaring May Interaksyon Sa Tranexamic Acid?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.

Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.

Mga Gamot Na May Interaksyon:

  • Blood thinners o anticoagulants
  • Mga gamot upang maiwasan ang pagdurugo
  • Mga gamot na nagtataglay ng estrogen

Kung ikaw ay makaranas ng matinding drug interaction, agad na ipagbigay-alam ito sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong plano ng iyong gamutan. Ang mga maaaring gawin ay ang pagsasaayos ng dose, pagpapalipat ng gamot, o pagtapos sa gamutan.

May Interaksyon Ba Ang Pagkain At Alak Sa Tranexamic Acid?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Itanong sa iyong doktor o pharmacist ang anomang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.

Anu-Anong Mga Medikal Na Kondisyon Ang Maaaring May Interaksyon Sa Tranexamic Acid?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon, lalo na ang:

  • Pamumuo ng dugo
  • Pagdurugo sa utak
  • Problema sa paningin sa mga kulay

Ano Ang Tranexamic Acid? Dosage

Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.

Ano Ang Dose Para Sa Isang Nakatatanda?

Paglabas Ng Maraming Dugo Tuwing Siklo Ng Pagreregla

Uminom ng 1, 300 mg (dalawang 650 mg tableta) tatlong beses sa isang araw (3,900 mg/araw) sa loob ng pinakamahaba na ang 5 araw habang may regla.

Hemophilia

Pag-inom sa loob ng maikling panahon (dalawa hanggang walong araw) upang mabawasan o maiwasan ang pagdurugo at upang mabawasan ang pangangailangan ng replacement therapy habang at pagkatapos bunutin ang ngipin:

Makatapos mabunot ang ngipin sa pasyenteng may hemophilia, agad na magbigay ng 10 mg kada timbang ng katawan sa pamamagitan ng pagtuturok sa ugat. Matapos ang operasyon, magbigay ng isang dose ng 10 mg kada timbang ng katawan sa pamamagitan ng pagtuturok sa ugat, 3 hanggang 4 na beses sa isang araw, maaaring hanggang sa loob ng 2 hanggang 8 araw.

Ano Ang Dose Para Sa Isang Bata?

Walang tiyak na dose ng gamot na ito para sa mga bata. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Laging mahalaga na lubos na maunawaan ang kaligtasan ng pag-inom ng gamot bago ito inumin. Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa iba pang mga impormasyon.

Anong Tranexamic Acid Ang Maaaring Mabili?

Ang gamot na ito ay maaaring mabili sa mga sumusunod na anyo at lakas ng dosage:

  • Solution para sa injection: 1000 mg/10 mL
  • Oral tablet: 500 mg, 650 mg
  • Oral capsule: 250 mg
  • Mouthwash

Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Emergency o Kung Na-Overdose?

Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.

Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Nakalimutan Kong Uminom?

Kung nakalimutang uminom, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Tranexamic acid oral tablets, https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/20792-tranexamic-acid-oral-tablets, Accessed July 6, 2021

Tranexamic acid, https://dermnetnz.org/topics/tranexamic-acid/, Accessed July 6, 2021

Tranexamic Acid (Oral Route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/tranexamic-acid-oral-route/description/drg-20073517, Accessed July 6, 2021

Tranexamic acid, https://www.nhs.uk/medicines/tranexamic-acid/, Accessed July 6, 2021

Tranexamic Acid. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL., http://online.lexi.com, Accessed July 6, 2021

Kasalukuyang Version

10/12/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement