backup og meta

Ano ang Neo Pyrazon, at Kailan Ito Dapat Gamitin?

Ano ang Neo Pyrazon, at Kailan Ito Dapat Gamitin?

Ano ang neo pyrazon? Ang Neo-Pyrazon ay brand name ng gamot na diclofenac sodium. Ang Diclofenac ay isang uri ng nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID). Gumagana ito sa pamamagitan ng pagbawas sa sakit at pamamaga na dulot ng mechanical injury, mga impeksyon, at iba pang sanhi.

Mga Gamit

Para saan ang Neo Pyrazon?

  • Rheumatoid at osteoarthritis
  • Ankylosing spondylitis
  • Sakit dulot ng katatapos na operasyon
  • Sakit dulot ng katatapos lang na operasyon sa ngipin
  • Pagkontrol sa postpartum pain
  • Mga pinsalang nakuha sa sports at pisikal na mga aksidente

Paano ako dapat gumamit ng Neo Pyrazon?

Basahin ang direksyon sa pakete para sa kompletong impormasyon. Tingnan ang label at ang petsa ng expiration.

Lunukin nang buo ang tableta nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinutunaw sa tubig. Uminom ng tubig at inumin ito nang may laman ang tiyan upang maiwasan ang gastric irritation.

Paano dapat mag-imbak ng Neo Pyrazon?

Pinakamabuting iimbak ang gamot na ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at halumigmig. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong iimbak sa palikuran o i-freezer.

Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.

Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa instruction. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.

Mga Pag-iingat at Paalala

Ano ang dapat kong malaman tungkol sa paggamit ng Neo Pyrazon?

Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay/may:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang inireseta, OTC, at halamang gamot.
  • May allergy sa alinmang sangkap ng produktong ito
  • May iba pang karamdaman, disorder, o medikal na kondisyon, lalo na ang:
    • Peptic Ulcer
    • Asthma
    • Urticaria
    • Acute rhinitis

Ligtas ba ito sa buntis o nagpapasuso?

Sa una at ikalawang trimestre, walang controlled studies sa mga buntis ang available. Hindi dapat ibigay sa ikatlong trimestre ang Diclofenac dahil sa panganib ng premature na pagsasara ng ductus arteriosus at suppression ng uterine contractility. Palaging kumonsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago gamitin ang gamot na ito.

Ang gamot na ito ay pregnancy risk category C sa una at ikalawang trimester, at D naman sa ikatlong trimestre ayon sa US Food at Drug Administration (FDA).

Batayan ng FDA pregnancy risk category:

  • A= walang panganib
  • B= walang panganib sa ilang pag-aaral
  • C= Maaaring may panganib
  • D= Mayroong positibong panganib
  • X= Contraindicated
  • N= Hindi alam

Mga Side Effect

Ano ang mga side effect ng Neo Pyrazon?

Gaya ng lahat ng gamot, maaaring may side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito, kadalasang mild lamang ang side effect at nawawala rin sa oras na matapos na ang gamutan o kapag binabaan ang dose. Ilan sa mga naiulat na side effect ang:

  • Pananakit ng tiyan
  • GI upset
  • Bloating or gassiness
  • Kabag
  • Kawalan ng ganang kumain (anorexia)
  • Pananakit ng ulo
  • pagkahilo
  • Vertigo
  • Pantal sa balat
  • Pagtaas ng liver enzymes

Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.

Mga Interaksyon

Anong mga gamot ang may interaksyon sa Neo Pyrazon?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.

Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.

Mga gamot na may interaksyon:

  • Aspirin
  • Anticoagulants
  • Digoxin
  • Methotrexate
  • Cyclosporine
  • Lithium
  • Antidiabetic na gamutan
  • Diuretics

Kung makaranas ka ng masamang interaksyon ng gamot, ipaalam agad sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Maaaring i-adjust ang dose, palitan, o itigil na ang therapy.

May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Neo Pyrazon?

Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Binabawasan ng pagkain ang panganib ng gastric irritation habang pinatataas ng alak ang panganib nito. Uminom ng gamot na ito nang may laman ang tiyan at huwag uminom ng alak habang gumagamit ng gamot na ito. Makipag-usap sa iyong doktor o pharmacist tungkol sa anumang potensyal na interaksyon nito sa pagkain o alak bago gamitin.

Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaksyon sa Neo Pyrazon?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaction na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na ang:

  • Gastrointestinal disorders
  • Peptic ulcer disease
  • Ulcerative colitis
  • Crohn’s disease
  • Severely impaired hepatic function
  • Impaired cardiac
  • Renal function
  • Asthma
  • Urticaria
  • Acute rhinitis

Dosage

Hindi pamalit para sa anumang medikal na payo ang mga impormasyong ibinigay dito. Kaya naman, palaging kumonsulta sa doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dose para sa nasa hustong gulang?

Uminom ng 1 tableta, 2-3 beses kada araw. Ang pinakamaraming dose kada araw para sa nasa hustong edad ay 150 mg.

Ano ang dose para sa bata?

Wala pang naitatakdang dose para sa bata. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Palaging mahalaga ang lubos na pag-unawa sa kaligtasan ng pag-inom ng gamot bago gamitin. Kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko para sa karagdagang impormasyon.

Sa anong dosage nakakakuha ng Neo Pyrazon?

Available ang Neo Pyrazon sa mga sumusunod na dosage form at strength:

  • Enteric-coated tablet 50 mg

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?

Kung nakaligtaan mo ang isang dose, gumamit na nito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang nakaligtaang dose at sundin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag magdobleng dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Neo-Pyrazon https://www.mims.com/philippines/drug/info/neo-pyrazon Accessed June 28, 2021

Diclofenac sodium https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Diclofenac-sodium Accessed June 28, 2021

Diclofenac sodium https://www.arthritis.org/drug-guide/nsaids/diclofenac-sodium Accessed June 28, 2021

Diclofenac https://www.nhs.uk/medicines/diclofenac/ Accessed June 28, 2021

Diclofenac Sodium. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed June 28, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

10/18/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement