Maraming Pilipino ang nagtatanong kung ano ang calcium corbiere, kung para saan ito at bakit mahalaga ito para sa isang indibidwal?
Ang Calcium Corbiere ay brand name ng isang dietary supplement na naglalaman ng calcium glucoheptonate, vitamin C, at vitamin B3 (niacinamide).
Mga gamit
Ano ang Calcium Corbiere?
Ginagamit ito madalas para gamutin ang calcium deficiency tulad ng:
- Rickets
- Low-calcium diets
- Growth spurts
- Osteoporosis
- Long-term steroid use
Paano ako magte-take ng Calcium Corbiere?
Basahin ang mga direksyon sa packaging para sa kumpletong impormasyon at suriin ang label at expiration date. Tanggalin ang dulo ng ampule palayo sa’yo at inumin ang suspension o ihalo ito sa tubig saka inumin pagkatapos.
Paano ako magtatabi ng Calcium Corbiere?
Itago ang produkto sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture para maiwasan ang pagkasira nito. Tandaan din na hindi mo ito dapat itabi sa banyo o sa freezer.
Maaaring may iba’t ibang brand ito na pwedeng may iba’t ibang pangangailangan sa pagtatago kaya, mahalagang palaging suriin ang product package para sa instructions, o tanungin ang iyong pharmacist. Gawin ito para sa kaligtasan ninyo at dapat mong ilayo ang mga ito sa mga bata at alagang hayop.
Hindi mo dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o itapon sa kanal, maliban kung inabisuhan ka na gawin ito. Bukod pa rito, mahalagang itapon nang maayos ang produktong ito kapag nag-expire na ito at hindi na kailangan. Kumonsulta sa’yong pharmacist para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang iyong produkto.
Mga Pag-iingat & Mga babala
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Calcium Corbiere?
Bago gamitin ito, sabihin sa’yong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso.
- Pag-inom ng iba pang mga gamot kabilang dito ang anumang reseta, OTC, at herbal remedies.
- Isang allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito.
- Iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal.
Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit nito sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Gayunpaman, malamang na ligtas itong kunin o i-take at mangyaring palaging kumunsulta sa’yong doktor para timbangin ang mga potensyal na benepisyo at risk bago uminom ng anumang gamot.
Ano ang Calcium Corbiere: Mga side effect
Anong side effects ang maaaring mangyari mula sa Calcium Corbiere?
Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang produktong ito at kung magaganap sa’yo ang mga side effect na ito karaniwang mild lamang ito at malulutas kapag natapos na ang tritment o kapag binabaan ang dosis.
Narito ang ilang naiulat na mga side effect:
- Nadagdagang calcium sa dugo
- Pagduduwal
- Pagtatae
Itigil ang paggamit ng calcium acetate at tawagan kaagad ang iyong doktor kung mayroon kang:
- Mataas na antas ng calcium sa’yong dugo
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Constipation
- Pagtaas ng pagkauhaw o pag-ihi
- Panghihina ng kalamnan
- Pananakit ng buto
- Pagkalito
- Kakulangan ng enerhiya
- Pagod na pakiramdam
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng side effects ngunit may mga ilang tao na pwedeng makaranas ng iba pang mga epekto.
Mangyaring kumonsulta sa’yong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect.
Interaksyon
Anong mga gamot ang maaaring makipag-interact sa Calcium Corbiere?
Ang produktong ito ay maaaring makipag-interact sa iba pang mga gamot na kasalukuyan mong iniinom at pwede nitong mabago kung paano gumagana ang iyong gamot, o dagdagan ang iyong risk para sa serious side effects.
Para maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-interact sa gamot dapat kang gumawa ng listahan ng lahat ng gamot na iyong ginagamit. Kabilang na dito ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products at mainam na ibahagi o ipaalam ito sa’yong doktor at pharmacist.
Nakikipag-interact ba ang pagkain o alkohol sa Calcium Corbiere?
Ang produktong ito ay maaaring makipag-interact sa pagkain o alkohol sa pamamagitan ng pagbabago sa paraan ng paggana ng gamot o pagtaas ng risk para sa serious side effects. Mangyaring talakayin sa’yong doktor o pharmacist ang anumang potensyal na pakikipag-interact sa pagkain o alkohol bago gamitin ang produktong ito.
Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring makipag-interact sa Calcium Corbiere?
Sinasabi na ang produktong ito ay maaaring makipag-interact sa mga pinagbabatayan na kondisyon at ang interaksyon na ito ay maaaring magpalala ng iyong kalagayan sa kalusugan o mabago ang paraan ng paggana ng gamot. Samakatuwid, mahalagang palaging ipaalam sa’yong doktor at pharmacist ang lahat ng health conditions na mayroon ka.
Dosis
Paalala ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Samakatuwid, dapat kang palaging kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dosis para sa isang adult?
Uminom ng 10 hanggang 20 ML bawat araw, sa umaga at gabi.
Ano ang dosis para sa isang bata?
Magbigay ng 5 hanggang 10 mL bawat araw, sa umaga at gabi.
Paano magagamit ang Calcium Corbiere?
Ang Calcium Corbiere ay makukuha sa mga sumusunod na form ng dosis at lakas:
Ampule na naglalaman ng oral solution: 5 mL, 10 mL
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa kaso ng isang emergency o overdose tawagan ang iyong local emergency services o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ako ng isang dosis?
Kung napalampas mo ang isang dosis, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa iyong susunod na dosis, laktawan ang napalampas na dosis at kunin ang iyong regular na dosis ayon sa naka-iskedyul at huwag kumuha ng dobleng dosis.