Maraming tao sa Pilipinas ang hindi pamilyar sa kung ano ang benepisyo ng ashitaba. Ang Ashitaba (Angelica keiskei) ay isang halamang-gamot na lumago at sikat na ginagamit sa Japan. Ito ay bahagi ng parehong pamilya ng mga karot, kintsay, at parsley— kinakain at mayroong mga medically important parts. Tulad ng ugat, dahon, at tangkay. Makakatulong ang mga ito na maiwasan ang trombosis, kanser, at pag-unlad ng diabetes.
Mga gamit
Ang mga aktibong sangkap ng ashitaba ay kinabibilangan ng vitamin B12, chalconoids, furocoumarins, flavonoids, psoralen, bergapten, xanthotoxin, at angelicin. Ipinapakita rin ng mga pag-aaral na ang ashitaba ay maaaring gumana bilang isang cosmetic ingredient, anti-inflammatory, antineoplastic, at potent antioxidant.
Masasabi na ang B12 ay mahalaga sa pagpapanatili ng malusog na blood cells at nervous system. Gumagana ang mga chalcones para maiwasan ang trombosis, kanser at paglaki ng tumor, pati na rin ang pag-unlad ng diabetes. Ang flavonoids ay may mga katangian ng antioxidant at anti-aging.
Ginagamit din ang Ashitaba para maiwasan at gamutin ang:
- Pamamaga
- Metabolic syndrome
- Mga tumor at kanser
- Alta-presyon
- Pagtaas ng timbang at labis na katabaan
- Diabetes at insulin resistance
- Viral infections
- Trombosis
- Pinsala sa atay
- Stroke
Mga Pag-iingat at Babala
Ano ang benepisyo ng Ashitaba na dapat kong malaman?
Ang mga herbal supplement ay karaniwang ligtas na inumin sa katamtamang dami ayon sa direksyon ng health professional. Gayunpaman, dahil ang karamihan sa mga herb at food supplements ay hindi inaprubahan ng FDA para sa tritment at pag-iwas sa mga partikular na sakit. Tandaan na hindi laging established ang recommended daily values.
Sa kabila ng pag-advertise bilang “all-natural” o “safe,” ang mga natural o food supplement ay dapat ituring na tradisyonal na gamot. Ang ilang herbal preparations ay maaaring makipag-interact sa iba pang mga gamot na iyong iniinom. Kaya tumataas ang panganib ng masamang reaksyon sa gamot at toxicity.
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa’yong doktor kung ikaw ay:
- nagkaroon ng allergic reaction sa ashitaba o iba pang supplement
- may kasaysayan ng allergy sa ibang mga gamot, pagkain, o iba pang substance
- umiinom ng iba pang mga gamot
- may pinagbabatayan na mga kondisyon sa kalusugan.
Ano ang benepisyo ng ashitaba: Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?
Walang sapat na data tungkol sa use at safety ng ashitaba sa panahon ng pagbubuntis. Kaya, dapat lamang itong gamitin ng mga buntis na kababaihan. Kung ang potensyal na benepisyo ay nagbibigay-katwiran sa potential risk sa sanggol, ayon sa tinutukoy ng iyong doktor. Ang mga nagpapasusong ina ay dapat humingi ng pag-apruba ng doktor, bago gamitin ang ashitaba.
Mga side effect
Ang lahat ng supplements ay may potensyal sa pagkakaroon ng side effects, kahit na sa normal na paggamit. Maraming side effects ang nauugnay sa dosis at malulutas kapag natapos ang therapy o naayos.
Sinasabi na ang potential side effects nito, habang ginagamit ang suplementong ito ay kinabibilangan ng gastrointestinal discomfort at hypoglycemia (mababang blood sugar). Posibleng makaranas ng ilan, wala, o iba pang side effects. Kung mayroon kang anumang alalahanin tungkol sa side effects— at ito ay abala na para sa’yo. Kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist.
Interaksyon
Para maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-interact sa gamot. Dapat kang gumawa ng listahan ng lahat ng gamot na iyong ginagamit. Kabilang ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products. Siguraduhin na ipaalam ito sa’yong doktor at pharmacist.
Kung nakakaranas ka ng masamang pakikipag-interact sa gamot. Itigil ang pag-inom ng gamot na ito at ipagpatuloy ang pag-inom ng iba mo pang gamot. Ipaalam kaagad sa’yong doktor para muling suriin ang iyong treatment plan. Dahil ang iyong dosis ay maaaring kailanganing ayusin, palitan (ng ibang gamot), o ihinto.
Nakikipag-interact ba ang pagkain o alkohol sa Ashitaba?
Maaaring uminom ng ashitaba ang tao nang may pagkain o walang pagkain. Kung nakakaranas ka ng anumang gastrointestinal discomfort. Ang pag-inom ng gamot na ito, Kasama ng mga pagkain ay pwedeng makatulong sa pag-iwas ng mga sintomas. Mahalaga rin na uminom ng sapat na tubig habang umiinom ng gamot na ito.
Ang liquid extract preparation ng ashitaba ay maaaring maglaman ng alkohol. Kaya, ang pag-inom ng alak ay dapat gawing limitado. Para maiwasan ang pagkalasing o intoxication. Lalo na para sa mga bata o matatanda na kailangang magmaneho o magpatakbo ng makinarya.
Ipaalam sa’yong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang mga alalahanin, tungkol sa mga pakikipag-interact sa pagkain at gamot.
Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring makipag-interact sa Ashitaba?
Sinasabi na ang suplementong ito ay dapat i-take nang may pag-iingat. Kung ikaw ay may allergy sa alinman sa mga sangkap. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa mga partikular na kondisyon ng kalusugan. Ipaalam ito sa’yong doktor o pharmacist.
Dose
Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng propesyonal na medikal na payo. Dapat kang LAGING kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist, bago gumamit ng ashitaba.
Ano ang dose ng ashitaba para sa adult?
Makikita na ang inirerekomendang dosis ng gamot na ito ay hindi established para sa tritment sa anumang partikular na sakit o kondisyon. Kumunsulta sa doktor para sa naaangkop na indikasyon at dosis.
Ano ang dose ng ashitaba para sa isang bata?
Hindi inirerekomenda ng health experts ang ashitaba para gamitin sa mga bata. Dahil hindi pa na-e-establish ang inirerekomendang dosis. Kumunsulta sa doktor o pharmacist para sa mga alternatibo.
Paano magagamit ang ashitaba?
Ang suplementong ito ay makukuha sa mga sumusunod na form ng dose:
- Kapsula
- pulbos ng dahon o leaf powder
- Tsaa
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa kaso ng isang emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o pumunta sa’yong pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makalimutan ko ang isang dosis?
Kung napalampas mo ang isang dosis ng suplementong ito. Inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa’yong susunod na dosis. Laktawan ang napalampas na dosis at kunin ang iyong regular na dosis ayon sa naka-iskedyul. Huwag kumuha ng dobleng dosis.