Ano ang Glucagon? Ang Glucagon ay isang hormone na natural na matatagpuan sa ating katawan. Itinatama nito ang Hypoglycemia (mababang blood sugar) at may naligtad na epekto sa insulin. Nire-relax din nito ang sikmura at mga bituka, kaya’t nagagamit ito bilang diagnostic aid para sa radiologic exams.
Mga Pangunahing Kaalaman
Para saan ang glucagon?
Isang hormone ang glucagon na nagpapataas ng blood sugar levels. Likas itong nililikha ng ating lapay ngunit ang glucagon na ginagamit bilang gamot ay ginagawa sa loob ng laboratoryo at pareho din ng nililikha ng lapay. Pinababagal din nito ang mga involuntary muscle movement ng sikmura at bituka na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain.
Ginagamit ang glucagon sa paggamot ng hypoglycemia (low blood sugar). Ginagamit din ito sa radiologic (x-ray) examination upang makatulong na masuri ang ilang uri ng mga disorder ng stomach at mga bituka.
Paano ko dapat gamitin ang Glucagon?
Itinuturok sa ilalim ng balat, sa kalamnan, o sa ugat ang glucagon. Ipapakita sa iyo kung paano gamitin ang emergency glucagon injection para sa malubhang hypoglycemia. Tumawag sa iyong doktor pagkatapos ng bawat pagturok mo ng glucagon.
Kailangang magamot ang Hypoglycemia agad-agad. Maaaring magdulot ng seizure, coma at pagkamatay ang matagal na pagkakaroon ng low blood sugar.
Matapos ang pagturok, kailangan mong kumain ng pagkaing mayaman sa asukal (fruit juice, glucose gel, pasas, non-diet soda) at pagkain tulad ng keso at crackers o ng meat sandwich.
Ang Glucagon ay isang powder medicine na kailangang ihalo sa tubig (diluent) bago gamitin. Ilagay lamang ito sa heringgilya kapag handa ka nang iturok ito sa iyo. Huwag gamitin ang gamot na ito kung nagbago ng kulay, o may mga particle ito. Maghalo ng panibagong dose, at tawagan ang iyong doktor para sa malaman kung anong gagawin kung mayroon pa ring mga particle ang pangalawang dose pagkatapos itong ihalo sa tubig.
Kung isa kang caregiver, humingi ng emergency medical help matapos magbigay o magturok ng Glucagon. Kung hindi nagising ang pasyente sa loob ng 15 minuto, maaaring kailangan mong maghalo ng pangalawang dose at magturok ng pangalawang beses.
Tanungin ang iyong doktor kung paano mag-adjust ng dose para sa gamutan ng may diabetes kung kinakailangan. Huwag baguhin ang dose o iskedyul ng gamutan nang walang sinasabi ang iyong doktor.
Paano ko dapat iimbak ang Glucagon?
Pinakamabuting iimbak ang glucagon sa malamig na lugar na may 20-25°C (68 – 77°F). Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong ilagay sa freezer o ilantad sa liwanag.
Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.
Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa instruction. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.
Mga Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng glucagon?
Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay/mayroong:
- Buntis o nagpapasuso
- Gumagamit ng iba pang gamot. Kabilang dito ang inireseta, OTC, at halamang gamot.
- Allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito
- May iba pang karamdaman, disorder, o medikal na kondisyon
Ligtas bang gamitin ang glucagon sa mga buntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, wala pang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito sa mga buntis o nagpapasuso. Palaging kumonsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago gamitin ito.
Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA), ang gamot na ito ay pregnancy risk category B.
Narito ang batayan ng FDA pregnancy category:
- A = walang panganib
- B = walang panganib sa ilang pag-aaral
- C = maaaring may ilang panganib
- D = May positibong patunay ng panganib
- X = contraindicated
- N = hindi alam
Mga Side Effect
Ano ang mga side effect ng Glucagon?
Tulad ng iba pang gamot, maaaring may side effect ang glucagon. Kung mangyari ito, kadalasang mild at nawawala rin sa oras na matapos na ang gamutan o kapag binabaan ang dose. Ilan sa mga naiulat na side effect ang:
- Allergic reaction
- GI disturbances
- Hypokalemia (mababang potassium)
- Respiratory distress
- Secondary hypoglycemia
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.
Mga Interaksyon
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, non-prescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.
Mga gamot na may interaksyon sa Glucagon:
- Beta blockers
- Insulin
- Indomethacin
- Warfarin
- Anticholinergics
Para sa iyong kaligtasan, huwag simulan, itigil, o baguhin ang dosage ng kahit na anong gamot nang walang pahintulot ng doktor.
May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Glucagon?
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Pag-usapan kasama ng iyong doktor o parmasyutiko ang anumang posibleng interaction sa pagkain o alak bago gamitin ang gamot na ito.
Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaksyon sa Glucagon?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaksyon na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na ang:
- Diabetes mellitus
- Insulinoma
- Pheochromocytoma
Unawain ang Dosage
Hindi pamalit para sa anumang medikal na payo ang mga impormasyong ibinigay dito. Kaya naman, palaging kumonsulta sa doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa nasa hustong gulang?
Karaniwang dose sa nasa hustong gulang para sa hypoglycemia
1 mg ang ibinibigay via SC, IM, o IV injection. Magbigay ng oral carbohydrates (tulad ng kendi o soft drinks) sa oras na tumugon na ang pasyente.
Kung walang tugon ang pasyente sa loob ng 10 minuto, magbigay ng IV glucose. Maaaring ulitin ang glucagon dose kung kinakailangan.
Karaniwang dose sa nasa hustong gulang para sa diagnostic
Ang diagnostic aid sa radiographic examination ng stomach, duodenum, at small bowel kapag bumaba ang intestinal motility (proseso ng pagpasok, pagtunaw at paglabas ng pagkain sa katawan) ay magiging maganda.
Para sa relaxation ng stomach, duodenal bulb, duodenum, at small bowel: 1 mg.
Para sa relaxation ng colon: 1-2 mg.
Ano ang dose para sa mga bata?
Karaniwang pediatric dose para sa Hypoglycemia
<25 kg: 0.5 mg;
≥25 kg: pareho sa dose ng nasa hustong gulang
Paano nakukuha ang Glucagon?
Available ang glucagon sa mga sumusunod na dosage form at strength:
- Powder para sa injection (hinahaluan ng tubig) 1mg vial
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?
Kung nakaligtaan mo ang isang dose, gumamit na nito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang nakaligtaang dose at sundin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag magdoble ng dose.