Ang Otrivin ay isang brand ng gamot na xylometazoline hydrochloride. Ang xylometazoline ay isang nasal decongestant na maaaring bilhin ng on-the-counter sa ilang mga bansa. Sa kasalukuyan, ito ay wala sa Pilipinas o USA. Para saan ang Otrivin? Ano ang gamit nito?
Gamit
Para saan ang Otrivin?
Pinagiginhawa ng produktong ito ang nasal congestion o baradong ilong dulot ng allergies, sipon, at polusyon. Sa pag-aalis ng congestion, mas madaling huminga, makarinig, at matulog.
Paano dapat gamitin ang Otrivin?
Basahin ang direksyon sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Suriin ang label at petsa ng expiration.
Tanggalin ang takip at pindutin pababa hanggang sa lumabas na ang spray. Gamit ang tissue, dahan-dahang huminga upang lumabas lahat ng sobrang plema. Maingat na ipasok ang nozzle sa isang butas ng ilong at pindutin pababa sa applicator at langhapin ang ilalabas ng spray. Ulitin ang pamamaraan na ito sa kabilang butas ng ilong. Kung matapos na, punasan ang nozzle ng malinis na tissue, palitan ang takip at itago sa tamang lugar.
Paano itabi ang Otrivin?
Itabi ang produktong ito sa room temperature at malayo sa direktang nasisikatan ng araw at basang lugar. Upang maiwasan ang pagkasira ng produkto, hindi dapat ito itabi sa banyo o freezer.
Maaaring may iba’t ibang brand ang produktong ito na nangangailangan ng ibang pamamaraan ng pagtabi. Samakatuwid, mahalagang basahin ang instruction sa pagtatabi ng produkto, o maaaring magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ito sa sa maabot ng bata at alagang hayop.
Hindi ito dapat i-flush sa inidoro o ibuhos sa drain kung hindi ibinilin. Karadagan, huwag na gamitin ang produkto kung expired. Komunsulta sa pharmacist para sa ibang detalye kung paano ligtas na itatapon ang produkto.
Mga Paalala at Babala
Ano ang dapat alamin bago gamitin ang Otrivin?
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Kung umiinom ng ibang gamot. Kabilang ang anumang may reseta, on-the-counter, at mga herbal remedies.
- Kung may allergy sa anumang sangkap ng produktong ito
- Anumang sakit o kondisyong medikal
Ligtas ba itong gamitin kung buntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon kaugnayan sa kaligtasan ng paggamit ng produktong ito sa buntis o nagpapasuso. Palaging kumonsulta sa doktor para sa mga potensyal na benepisyo o panganib bago uminom ng anumang gamot.
Side Effects
Ano ang iba pang epekto na maaaring lumabas mula sa Otrivin?
Katulad din ng iba mga gamot, ang produktong ito ay maaaring may iba pang epekto. Kung ito’y mangyari, kadalasan ito ay mild at mawawala ng kusa kung tapos na ang paggagamot o kung pabababain ang dose. Ilan sa mga naitalang epekto ang:
- Saglit na hapdi
- Tuyong nostrils
- Pagbahing
- Malalang allergic reactions
- Sakit sa dibdib
- Mabilis o iregular na tibok ng puso
- Kaba
- Malala o pabalik-balik na sakit ng ulo
- Tremor
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga epektong ito. Karagdagan, maaaring maranasan ng ilang tao ang iba pang epekto. Kung ikaw ay may katanungan sa mga side effects, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Interactions
Para saan ang Otrivin? Anong mga gamot ang maaaring may interaction sa Otrivin?
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa ibang gamot na kasalukuyang iniinom, maaaring maiba nito ang epekto ng gamot o mapataas ang panganib sa malalang epekto.
Upang maiwasan ang interaksyon nito sa ibang gamot, itala ang lahat ng gamot na iniinom (kabilang ang may reseta o wala at mga herbal na produkto) at ipaalam ito sa doktor o pharmacist.
Mga gamot na may interaction:
- MAOIs
- Iba pang decongestants
- Sympathomimetic agents
- Tricyclic antidepressants
Kung makaranas man ng salungat na interaksyon sa gamot, agad itong ipaalam sa doktor upang muling suriin ang plano sa paggagamot. Maaaring baguhin ang dose na iniinom, palitan ang gamot, o tapusin ang therapy o gamutan.
May interaction ba ang Otrivin sa pagkain o alak?
Ang gamot na ito ay maaaring magkaroon ng interaksyon sa pagkain o alak sa pamamagitan kung paano gumagana ang gamot o mapataas ang panganib sa iba pang epekto nito. Iwasan ang uminom ng alak sa pag-inom ng gamot na ito. Magtanong sa doktor o pharmacist ng mga potensyal na interaksyon sa pagkain o alak bago uminom ng gamot na ito.
Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Otrivin?
Ang gamot na ito ay maaaring magkaroon ng interaksyon sa ibang kondisyon. Ang interaksyon na ito ay maaaring magpalala sa kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Samakatuwid, mahalaga na malaman ng iyong doktor at pharmacist ang lahat ng kondisyon na mayroon ang pasyente.
- Sakit sa puso
- Hyperthyroidism
- Diabetes
- Altapresyon
- Enlarged prostate
Ang mga impormasyong ibinibigay ay hindi pamalit sa anumang medikal na payo. Palaging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gamitin ang gamot na ito.
Ano ang dose para sa matanda?
Nasal spray:
Ang kadalasang iminumungkahing dose para sa matanda ay isa o dalawang spray sa bawat nostril tuwing 8 hanggang 10 oras. Huminga nang malalim at bahagyang iangat ang ulo sa paggamit ng spray.
Sukat ng dose pump:
Kadalasang minimungkahi para sa matanda ang isang spray bawat nostril tuwing 8 hanggang 10 oras. Ang ulo ay dapat bahagyang nakatingala sa paggamit ng pump. Bago gamitin ang pump sa unang pagkakataon, subukan mo muna ito ng ilang beses sa hangin.
Nasal drops:
Karaniwang minumungkahing dose para sa matanda ay 2 hanggang 3 patak sa bawat nostril tuwing 8 hanggang 10 oras. Bahagyang itingala ang ulo sa paggamit nito.
Ano ang dose para sa bata?
Hanggang 6 na taon gulang na bata:
Bigyan ng isang patak o mag-spray ng 0.05% ng solution sa bawat nostril tuwing 8 hanggang sampung oras kung kinakailangan
Mga batang edad 6 hanggang 12 taon gulang:
2 hanggang 3 patak o mag-spray ng 0.05% na solution sa bawat nostril kada walo hanggang sampung oras kung kinakailangan.
Paano nabibili ang Otrivin?
Mabibili ang otrivin sa mga sumusunod na anyo at strengths:
- Nasal spray 0.05%, 0.1%
- Nasal drops 1 mg/mL
Ano ang dapat gawin kung may emergency o na-overdose?
Kung sa pagkakataon ng emergency o overdose, agad na tumawag sa nagbibigay ng mabilisang serbisyo o agad na pumunta sa pinakamalapit na hospital.
Ano ang dapat gawin kung nakalimutan ang dose?
Kung may nakaligtaan na dose, agad itong i-apply. Gayunpaman, kung oras na para sa susunod na dose, laktawan na lamang at sundin ang regular na paggamit ng dose. Huwag dumoble ng dose.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.