Ang type 2 diabetes ay ang kondisyon na nakaapekto kung paano pinoproseso ang sugars sa pagkaing kinakain ng mga tao. Ibig sabihin nito, ang sintomas ng type 2 diabetes ay kadalasang may relasyon sa epekto ng pagkakaroon ng mataas na lebel ng blood sugar.
Ang pag-alam sa mga sintomas ng type 2 diabetes ay napakahalaga upang malaman ang mga lunas sa ganitong maagang kondisyon. Karagdagan, makatutulong din ito sa mga tao upang magsagawa ng mga hakbang upang ikontrol ang kanilang lebel ng sugar, at maiwasan ang paghantong sa diabetes.
Ano Ang Mga Sintomas Ng Type 2 Diabetes?
Ang pag-alam sa mga sintomas ng type 2 diabetes ay mahalaga, lalo na sa mga may family history ng ganitong kondisyon.
Narito ang ilan sa mga sintomas ng type 2 diabetes na maaaring maranasan ng isang tao.
Palagiang Pag-ihi
Ang palaging pag-ihi ay karaniwang sintomas ng type 2 at type 1 na diabetes.
Nangyayari ito sa resulta ng mataas na blood sugar sa dugo.
Dahil sa mataas na lebel ng iyong blood sugar, ang iyong mga bato (kidneys) ay nasobrahan sa pagtatrabaho na sinusubukang iproseso ang lahat ng sugar sa dugo. Ito ay nagreresulta sa mataas na produksyon ng ihi, at maaaring maging sanhi ng pagbawas ng mahahalagang nurtrisyon mula sa katawan.
Isa pang hindi sinasadyang side effect ng palagiang pag-ihi ay ang kadalasang pagiging uhaw, at sa ibang mga kaso, dehydration.
Fatigue
Ang sintomasng type 2 diabetes na ito ay nag-uugat sa katotohanan na ang pagkakaroon ng sobrang sugar sa iyong dugo ay magiging sanhi ng kondisyon na tinatawag na hyperglycemia. At isa sa mga sintomas ng hyperglycemia ay ang fatigue.
Posible ring ang iyong mga bato, puso, at atay ay mapinsala na dahil sa resulta ng mataas na blood sugar. Ang pinsala na ito ay maaaring magresulta sa pakiramdam na fatigue o pagkapagod, kahit na ikaw ay may sapat na pahinga sa gabi.
Madaling Kapitan Ng Impeksyon
Isa sa mga sintomas ng type 2 diabetes ay madaling kapitan ng impeksyon ang pasyente.
Ito ay sa kadahilanan na ang mataas na lebel ng blood sugar ay maaaring magkompromiso sa immune system ng isang tao. Ito’y nagiging dahilan ng pagkabawas ng kahusayan nito at kabawasan ng kakayahan sa pagprotekta laban sa sakit.
Pagbagal Ng Paggaling Ng Mga Sugat
Isa sa mga epekto ng mataas blood sugar ay ang pagbagal ng paggaling ng mga sugat. Ito ay sa dahilan na ang mataas na lebel ng blood sugar ay nagpapataas ng pamamaga o inflammation, at pinipigilan din nito ang oxygen at nutrients na maihatid ito sa mga cells na kinakailangan.
Ito ay nagreresulta sa hindi paggaling nang mabilis ng mga sugat. Ang mga mababagal gumaling na sugat ay partikular na mas madaling kapitan ng impeksyon. At idagdag pa ang kompromiso ng immune system ng isang diabetic, hahantong ito sa mas malalang karamdaman.
Hindi Inaasahang Pagbawas Ng Timbang
Ang mga taong may type 2 diabetes ay nahihirapan na iproseso ang glucose sa kanilang dugo at i-convert ito sa enerhiya. Ibig sabihin nito na marami silang sugar sa kanilang dugo, ngunit hindi na kayang i-utilize ito ng kanilang katawan.
At ang resulta nito, nagsisimula na ang katawan na gamitin ang muscles at fat upang magamit bilang enerhiya. Ito ay maaaring magresulta sa biglaan at hindi inaasahan na pagbawas ng timbang.
Ang type 2 diabetes ay maaring magkaroon pa ng mas maraming malalang komplikasyon, lalo na kung ito ay hindi nakontrol nang maayos.
[embed-health-tool-bmi]
Ano Ang Mga Mas Malalang Sintomas Ng Type 2 Diabetes?
Sa ibang mga kaso, ang taong may type 2 diabetes ay maaaring hindi malay na mayroon na siyang ganitong kondisyon. Ito ay maaaring humantong sa malalang komplikasyon, dahil ang kanilang kondisyon ay hindi ginagamot.
Narito ang ilan sa mga malalang sintomas ng type 2 diabetes:
Mga Sugat At Mga Paltos Sa Mga Paa
Ang mga sugat at paltos sa mga paa ay karaniwan sa mga taong may type 2 diabetes. Ito’y dahil sa pinsala na ginagawa nito sa circulatory system dulot ng mataas na lebel ng blood sugar.
Dahil sa pagbagal ng paggaling ng sugat, ang diabetics ay maaaring magsimulang magkaroon ng mga sugat at paltos na wari’y hindi gumagaling.
Neuropathy
Ang neuropathy ay tumutukoy sa mga nerve na napinsala dahil sa resulta ng mataas na lebel ng blood sugar. Ang problema sa neuropathy ay ang pagkakaroon ng sanhi ng pamamanhid at kawalan ng pakiramdaman ng mga binti at kamay.
Ito ay partikular na mapanganib dahil ang diabetic ay maaaring hindi makaramdam na mayroon silang sugat o pamamaga ng mga paa o binti. Sa paglipas ng panahon, dahil sa pagbagal ng paggaling ng kanilang mga sugat, maaaring lumala ito at maimpeksyon.
Karaniwan na sa mga diabetics na pinuputol ang paa, lalo na kung ang impeksyon ay may banta sa buhay.
Atherosclerosis
Dahil sa pamamaga na sanhi ng mataas na lebel ng blood sugar, ang type 2 diabetes ay mas madaling magkaroon ng atherosclerosis. Ito ay napaka mapanganib dahil maaari itong magdulot ng atake sa puso o stroke.
Sa katunayan, ang diabetes ay may mataas na banta ng atake sa puso at stroke kumpara sa mga taong walang diabetes.
Retinopathy
Ang retinopathy ay ang kondisyon na nagiging sanhi ng pinsala sa blood vessels sa retina ng mata. Ito ay maaaring magresulta sa pagkalabo ng mata, o pagkawala ng paningin.
Kaya’t ito ang dahilan kung bakit ang ibang mga diabetic ay unti-unting lumalabo ang mga mata. Dahil ito sa mataas na lebel ng blood sugar na nakaaapekto sa kanilang mga mata. Sa kasamaang palad, walang lunas sa retinopathy.
Nephropathy
Ang nephropathy ay kondisyon na nakaaapekto sa mga bato. Nangyayari ito kung ang maliit na blood vessels na nagiging dahilan sa pagdaloy ng dugo sa mga bato ay napinsala.
Ang mga diabetics ay mas madaling magkaroon ng nephropathy. Ito’y dahil sa pinsala ng mataas na lebel ng blood sugar sa blood vessels.
Ang nephropathy ay maaaring maging dahilan sa mga bato (kidneys) na hindi mag-function ng 100%. Sa mas malalang kaso ay kinakailangan ng transplant sa bato dahil sa kidney failure.
Matuto pa tungkol sa diabetes, dito.