backup og meta

Paano Kontrolin Ang Diabetes? Heto Ang Palaging Tandaan

Paano Kontrolin Ang Diabetes? Heto Ang Palaging Tandaan

Ang pagkontrol ng diabetes ay hindi lamang nakabase sa gamutan at insulin therapy. Upang mapanatili ang iyong blood sugar sa target range, kailangan mong magpalit sa mas malusog na diet at pamumuhay. Paano kontrolin ang diabetes? Labanan ang type 2 diabetes sa pamamagitan ng mga sumusunod na estratehiya:

Paano Kontrolin Ang Diabetes

1. Kumonsulta Sa Nutritionist o Dietitian

Alam ng mga taong may diabetes na malaki ang gampanin ng nutrisyon sa pagpapanatili ng malusog na lebel ng blood sugar. Ang konsepto ay simple lamang: kung nais mong bumaba ang iyong blood glucose, kailangan mong lumayo sa mga pagkaing matatamis.

Itong pinasimpleng prinsipyo ay maaaring magdulot ng boring na diet. Gayunpaman, kung ikaw ay kumonsulta sa iyong dietitian o nutritionist, mapagtatanto mong mae-enjoy mo pa ang mga pagkain na hindi kinokompromiso ang iyong kalusugan

Kaya’t kung pinayuhan ka ng iyong doktor na kumonsulta sa isang nutritionist o dietitian, siguraduhing kontakin sila. Kasama nito, maaari kang magsimula sa indibidwal na meal plan na swak sa iyong nais na pagkain, sakto sa target na lebel ng blood glucose, at pamumuhay.

Narito ang simpleng tip kung paano kontrolin ang diabetes: Upang ma-check ang iyong meal, gumamit ng diabetes plate method. Sa gabay na ito, ½ ng iyong pagkain ay kinakailangang mayroong prutas at gulay, ¼ ay whole grains tulad ng brown rice, at ¼ sa pagkain ay lean protein, tulad ng skinless na manok o beans.

paano kontrolin ang diabetes

2. Magsagawa Ng Routine Sa Pag-Ehersisyo

Sa pagkontrol ng type 2 diabetes, tandaan na ang pagpapanatili na pisikal na aktibo ay mahalaga.

Hindi lamang nakatutulong sa presyon ng dugo, buto, at lakas ng muscle nakatutulong ang ehersisyo, isinusulong din nito ang mas maayos na pag-function ng insulin at pagbaba ng blood glucose.

Narito ang ilang mga punto na dapat tandaan sa pagsasagawa ng routine sa pag-ehersisyo:

  • Pumili ng mga gawain na mae-enjoy, kung gusto mo ng paglangoy, pagsasayaw, o pagbibisikleta, isama ito sa iyong routine.
  • Pagsamahin ang ilang mga aerobic na ehersisyo at resistance training sa iyong workout. Ayon sa mga eksperto, mas may maibibigay silang benepisyong pangkalusugan kesa sa ibang uri ng aktibidad na ginagawa.
  • Magkaroon ng layunin ng katamtaman na pisikal na gawain sa loob ng 30 hanggang 60 minuto araw-araw.
  • Tignan ang iyong level ng blood glucose bago mag-work out.
  • Dahil ang pisikal na gawain ay nagpapababa ng blood sugar, kinakailangan mo kumain ng snack bago mag ehersisyo.
  • Bawasan ang mga oras na ikaw ay walang ginagawa. Halimbawa, kung nanonood ka ng TV, subukang lumakad kada 30 minuto.
  • Ang paglalakad ay isang mabisang porma ng pag-eehersisyo. Inilabas ng pag-aaral na ang mga taong naglalakad ng kulang 2 oras kada linggo ay nakababawas ng banta ng pagkamatay dulot sa sakit sa puso kaysa sa mga taong hindi madalas kumikilos.

Kung mayroon ka nang pangkalahatang workout routine plan, planuhin ang detalye kasama ng iyong doktor. Tandaan: Huwag magpatuloy sa iyong fitness plan nang walang go-signal sa iyong doktor.

3. Pagbawas Ng Timbang

Kung gusto mong malaman kung paano kontrolin ang diabetes, sinasabi ng mga doktor na ang pagbawas ng timbang ang dapat na pangunahing prayoridad dahil ito ay nakababawas ng lebel ng blood sugar.

Ayon sa pag-aaral na ang pagbawas ng 5-7% ng iyong kabuuang timbang ay maaaring magkaroon ng malaking pagbabago. Kaya’t kung ang iyong inisyal na timbang ay 78 kilos, irerekomeda ng iyong doktor na bawasan ito sa 4 hanggang 5.5 kilos.

Kung ikaw ay interesado na magtagumpay sa iyong target na timbang sa iyong nais na panahon, ang iyong doktor ay mas magbibigay ng agresibong payo sa pamamagitan ng pagbago ng iyong routine sa pag-ehersisyo at meal plans.

[embed-health-tool-bmi]

4. Pag-Monitor At Pagrerekord Ng Blood Sugar

Ang pagmo-monitor ng iyong lebel ng blood sugar ay ang pinakamahalagang bahagi kung paano kontrolin ang diabetes. Maaaring matukoy ng doktor kung ang iyong kasalukuyang treatment plan ay mabisa o kinakailangan ng modipikasyon sa iyong rekords.

Tanungin ang iyong doktor sa iyong target na blood glucose range, at huwag kalimutang sundin ang kanilang gabay kung kailan mag che-check ng sugar.

Karaniwan, kung hindi ka sumasailalim sa insulin therapy at nakokontrol ang type 2 diabetes gamit ang gamutan, diet, at ehersisyo, hindi na kailangang palagi i-check ang iyong sugar.

Gayunpaman, may ilang mga aktibidad na kinakailangan ng blood sugar testing. Halimbawa, magbibigay ang doktor ng tiyak na panuto upang i-check ang glucose bago at pagkatapos mag-work out.

Sa kabilang banda, ang mga pasyenteng nakatatanggap ng insulin injections ay kinakailangan na palagiang i-monitor ito, maraming beses sa isang araw.

5. Bawasan Ang Stress

Ang stress ay nagpapataas ng iyong lebel ng blood sugar. Kaya’t ang paglaban sa stress ay mabisang paraan kung paano kontrolin ang diabetes.

Upang mabawasan ang iyong lebel ng stress, ikonsiderang gawin ang mga nakare-relax at kalmadong mga gawain tulad ng:

  • Gardening
  • Meditation
  • Yoga
  • Pagsusulat sa journal
  • Pakikinig sa malumanay na kanta
  • Ehersisyo sa paghinga
  • Paglalakad
  • Pagsasagawa ng paboritong libangan

Magandang ideya rin ang pagbuo ng support system na kinabibilangan ng mga taong makatutulong sa tuwing nalulungkot. Subukan na:

  • Kamustahin ang mga kaibigan at kapamilya
  • Sumali sa mga support group para sa diabetics
  • Kumonsulta sa mental health counselor

Sa ngayon, maraming mga online groups na nagbibigay suporta sa mga taong may type 2 diabetes. Ikonsidera na sumali sa kahit isang grupo at makipag-usap sa mga miyembro. Kalimitan, nakatutulong na makipag-usap sa mga tao na nakauugnay sa iyo dahil sa parehong kondisyon na pinagdadaanan.

Paano Suportahan Ang Taong May Diabetes

Kung ang pamilya mo o kaibigan ay may type 2 diabetes, maaari mong maipakita ang iyong suporta sa pamamagitan ng:

  • Samahan sila sa kanilang pakikibaka sa mas malusog na diet at lifestyle.
  • Paalalahan sila sa kanilang mga gamot.
  • Pagpapanatili ng kanilang track ng lebel ng blood sugar.
  • Samahan sila sa tuwing bibisita sa doktor.
  • Pagbabantay ng mga senyales ng komplikasyon, tulad ng diabetic foot at problema sa paningin.
  • Pagmo-monitor ng kanilang blood pressure araw-araw.
  • Paglalaan ng oras sa kanila sa tuwing sila’y nalulungkot.

Maraming mga paraan kung paano kontrolin ang diabetes at magbigay suporta sa ng mga taong may type 2 diabetes. Paminsan-minsan, kausapin ang pasyente kung paano ka makatutulong.

Mahalagang Tandaan

Paano kontrolin ang diabetes? Upang labanan ang diabetes, mahalagang magkaroon ng balanseng diet, regular na ehersisyo, at malusog na timbang. Karagdagan, mahalaga rin ang pagmo-monitor sa iyong lebel ng blood sugar at ang pagbawas ng stress.

Matuto pa tungkol sa diabetes, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eating doesn’t have to be boring, https://www.diabetes.org/nutrition, Accessed November 3, 2020

The importance of exercise when you have diabetes, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/the-importance-of-exercise-when-you-have-diabetes, Accessed November 3, 2020

Blood sugar testing: Why, when and how, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/in-depth/blood-sugar/art-20046628#:~:text=If%20you%20take%20insulin%20to,re%20taking%20multiple%20daily%20injections., Accessed November 3, 2020

4 Steps to Manage Your Diabetes for Life, https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/managing-diabetes/4-steps, Accessed November 3, 2020

Type 2 diabetes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-2-diabetes/diagnosis-treatment/drc-20351199, Accessed November 3, 2020

Managing type 2 diabetes, https://www.diabetesaustralia.com.au/living-with-diabetes/managing-
your-diabetes/managing-type-2/, Accessed November 3, 2020

Kasalukuyang Version

12/21/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kanin at Diabetes: Ano Ba Ang Koneksyon Ng Mga Ito?

Matatandang May Diabetes, Paano Dapat Alagaan?


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement