Ang diabetes na kilala rin sa tawag na diabetes mellitus, ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay nagpo-produce ng kulang na insulin o walang insulin na kailangan sa pag-maintain ng tamang blood glucose (sugar) levels. Ngunit ano ang insulin? At ano ang mga tamang oral na gamot sa diabetes?
Ang insulin ay isang hormone na nire-regulate ang blood sugar na napira-piraso ng katawan mula sa kinonsumong pagkain.
Kung tumaas ang blood sugar, magbibigay ng signal ang pancreas para maglabas ng insulin. At ito ang magbibigay daan sa blood sugar mula sa bloodstream patungong tissue na magpo-produce ng enerhiya sa takdang panahon. Gayunpaman, ang mga diabetic na tao ay walang sapat na insulin upang makontrol ang blood sugar, na nagiging dahilan ng pagtaas nito.
Komplikasyon Sa Diabetes
Hahantong ito sa pagkakaroon ng iba pang pangkalusugang komplikasyon, tulad ng sakit sa puso, pagkawala ng paningin, pagputol ng binti, at sakit sa bato. Karagdagan, ang diabetes ang pinaka-dahilan ng mga komplikasyong ito at isa sa mga nangungunang rason ng pagkamatay.
May iba’t ibang uri ng diabetes na maaaring mag-develop sa kahit na anong edad. At ang sintomas ay iba-iba depende sa uri nito at sa mga tao. Ang ibang mga tao na may type 2 diabetes ay maaaring hindi makaranas ng mga sintomas. Gayunpaman, ang mga taong may type 1 diabetes ay maaaring makaranas ng sintomas na mabilis na mag-develop at lumala.
Insulin Therapy, Oral Na Gamot Sa Diabetes, At Iba Pang Lunas
Ang insulin therapy at oral na gamot sa diabetes, kasama ang malusog na pamumuhay, ay ang pinaka-karaniwang treatment sa diabetes. Ang mga gamot na ito ay nakatutulong sa pagkontrol ng produksyon ng insulin upang mapanatili ang lebel ng blood sugar. Walang pang tiyak na lunas sa diabetes.
Gayunpaman, may mga gamot at paraan ng pagpigil dito na pagpipilian.
Insulin Injection
Ang insulin therapy ay naglalayong palitan ang insulin sa katawan na hindi napo-produce, sa pamamagitan ng injection, pen, o pump.
Ang gamutang ito ay hindi maaaring gawin sa pamamagitan ng pills dahil sisirain lang ito ng acid sa katawan bago pa magtungo sa bloodstream. May limang iba’t ibang uri ng insulin, depende sa haba ng oras ng pagiging epektibo at tagal ng pananatili sa katawan.
Lahat ng mga taong may type 1 diabetes ay kailangan ng insulin na injection upang kontrolin ang blood sugar. Ang mga taong may type 2 diabetes ay nangangailangan din ng insulin injection kung ang oral medication, pag-ehersisyo, at malusog na diet ay walang epekto sa pagpapanatili ng lebel ng blood sugar.
Oral Na Gamot Sa Diabetes
Ang oral na gamot sa diabetes, o diabetes pills, ay nakatutulong upang mag-produce ng insulin at mapaghusay ang insulin sensitivity. Ang ganitong uri ng medication ay pinaka-epektibo kasama ang pagpaplano sa meal at ehersisyo. Halimbawa ng mga oral na gamot sa diabetes ay metformin at glibenclamide.
Kasalukuyan, may pag-aaral na isinasagawa sa pagbuo ng oral form ng insulin. Ang gamutang ito ay makatutulong upang mapaghusay ang pagkontrol sa blood sugar at lebel ng insulin na hindi na kinakailangan ng pagtusok ng karayom.
Kombinasyon Na Gamutan
Sa ibang mga kaso, ang oral na gamot sa diabetes ay hindi sapat o hindi epektibo. Ang ibang mga doktor ay inirerekomenda ang insulin monotherapy. Sa ganitong klaseng therapy, ang gamutan ay kinakailangan ng insulin lamang at paghinto sa oral medication.
Sa sunod na stage, ang oral agents ay maaaring gamitin kasama ng insulin kung hindi nagtagumpay ang blood sugar sa average na lebel nito. Ang dami ng insulin ay maaaring bawasan sa kombinasyon ng insulin at oral na gamutan. At mababawasan din ang side effects dulot ng insulin. Gayunpaman, ang ibang mga side effect ng oral na gamot sa diabetes ay maaaring maranasan.
Ang ibang pagpipiliang gamutan ay kinabibilangan ng bariatric surgery, artificial pancreas, at pancreatic islet transplantation. Ito ang mga hindi pangkaraniwang lunas na maaaring isagawa kung ang mga gamot at hindi sapat upang makontrol ang kondisyon.
Ang bariatric surgery ay ang option sa mga labis ang katabaan na pasyente na may diabetes. Ito’y makatutulong sa pagbawas ng timbang at pagkonsumo ng pagkain. Dahil ang type 1 diabetes ay sanhi ng pinsala o nawawalang pancreas cells na nagpo-produce ng insulin, ang ibang mga pasyente ay maaaring mag benepisyo sa pancreas transplant o artificial pancreas.
[embed-health-tool-bmi]
Key Takeaways
Ang diabetes ay banta sa buhay sa pangkalusugang kondisyon na tumutukoy sa pagtaas ng lebel ng blood sugar. Ito’y dahil sa hindi napo-produce na insulin o hindi paggana nito nang maayos sa katawan.
May mga treatment at gamot na maaaring gamitin upang makontrol ang lebel ng blood sugar. Ang ilan sa mga ito ay insulin, kabilang na ang oral na gamot sa diabetes, insulin shots, at transplant surgery. Kung hindi maayos ang pagkontrol ng blood sugar, mas mataas ang banta sa mga komplikasyon tulad ng sakit sa puso, stroke, at pagkabulag.
Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.