Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Harvard School of Public Health noong 2012 ay nagsaad na may posibleng kaugnayan ang kanin (white rice) sa panganib na magkaroon ng diabetes.
Batay sa kanilang mga natuklasan, ang mga taong kumakain ng isang serving ng kanin (white rice) sa bawat pagkain ay may 11 % na mas mataas na panganib na magkaroon ng diabetes. Bilang karagdagan, ang mga taong kumain ng higit sa isang serving ay may mataas na 27%, na mas mataas na panganib na magkaroon ng diabetes.
Nangangahulugan ba ito na ang pagkain ng kanin (white rice) ay hindi malusog? Dapat bang maging mas maingat ang mga Pilipino sa pagkain ng kanin?
Panganib sa Kanin (white rice) at Diabetes: Ang Kaugnayan
Ang layunin ng pag-aaral ay maunawaan kung mayroong ebidensya na nag-uugnay sa panganib ng kanin at diabetes. Ito ay lubhang mahalaga dahil ang bilang ng mga taong may diabetes ay tumataas sa paglipas ng mga taon. Bilang karagdagan, ang kanin (white rice) ay isang pangunahing pagkain para sa milyon-milyong tao, kabilang ang mga Pilipino, at maaari ito ay nakababahala kung pinapataas nito ang panganib ng diabetes.
Ang pag-aaral ay nagsasangkot ng higit sa 352,000 katao mula sa Estados Unidos, Japan, at China. Nagkaroon din ito ng mga follow-up period sa mga kalahok sa iba’t ibang lugar na may 4 hanggang 22 taon.
Ayon sa mga resulta, ang mga taong kumain ng kanin (white rice) ay talagang may mas mataas na panganib ng diabetes. Gayunpaman, kinumpirma lamang ng kanilang pag-aaral ang kaugnayan sa pagitan ng dalawa, at ang mga mananaliksik ay hindi nagsasabi kung ang kanin ay maaaring direktang magdulot ng diabetes.
Mahalagang tandaan na may ilang salik na maaaring magpapataas ng panganib sa diabetes. Kabilang dito ang pangkalahatang kalusugan ng isang tao, henetika, pati na rin ang iba pang uri ng pagkain na kanilang kinakain.
Paano Mapapataas ng Kanin (White Rice) ang Panganib ng Pagkakaroon ng Diabetes?
Sa kabila ng hindi maipakita ng pag-aaral ang direktang kaugnayan sa pagitan ng kanin (white rice) at diabetes, mayroong ilang ebidensya na sumusuporta rito. Ang bigas ay naglalaman ng maraming starch na isang uri ng carbohydrate na binubuo ng mga glucose molecules na magkakaugnay sa isa’t isa.
Ano ang mangyayari kapag kumakain tayo ng starch, na ang ating katawan ang naghahati-hati nito para maging base molecule. Ang glucose ay natutunaw sa ating daluyan ng dugo at ginagamit ng ating katawan bilang pagkukuhanan ng enerhiya. Ito ang dahilan kung bakit ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa starch ay makapagbibigay sa atin ng lakas.
Ang problema sa kanin (white rice) ay nakasalalay sa pagkain ng labis nito. Ang nangyayari, hindi nagagamit ng ating katawan ang labis na asukal, kaya iniimbak ito sa anyo ng taba. Sa paglipas ng panahon, ang taba ay maaaring maipon at maging sanhi ng labis na timbang ng isang tao o obese.
Ang pagiging obese o sobrang timbang ay isang malaking risk factor pagdating sa diabetes.
Bilang karagdagan, ang pagkain ng masyadong maraming starch na pagkain o mga pagkaing mayaman sa carbohydrates ay maaaring magpataas ng lebel ng asukal sa dugo (blood sugar) ng isang tao. Bilang resulta, sinusubukan ng katawan na magbayad sa pamamagitan ng paggawa ng mas maraming insulin sa pancreas. Gayunpaman, maaari itong mag-trigger ng abnormal na produksyon ng insulin, na nagpapataas din ng panganib sa diabetes.
At sa kaso ng kanin (white rice), naglalaman ito ng mas mataas na antas ng starch kung ihahambing sa brown rice o iba pang mga barayti. Nangangahulugang ito na maaaring may posibleng koneksyon sa pagitan ng sobrang pagkain ng kanin (white rice) at panganib sa diabetes.
Ano ang Diabetic Diet?
Ang laki ng papel na ginagampanan ng dami ng serving
Ang isang mahalagang bagay na dapat tandaan ay ang uri ng pagkain na kinakain ng tao ay maaaring magkaroon ng epekto sa kanilang kalusugan, ang dami ng serving ay mahalaga.
Magandang ideya na palaging kumain ng katamtaman, upang maiwasan ang labis na pagkain at pagtaas ng timbang. Sa pamamagitan ng pagsubaybay sa dami ng iyong kinakain, at pagbibigay ng tuon sa pinakama sustansyang uri ng pagkain, maaari mong mabawasan ang iyong panganib para sa mga sakit gaya ng diabetes, hypertension, pati na rin ang mga problema sa puso.
Ano ang Iba Pang Alternatibo sa Kanin (White Rice)?
Mas malusog na pinagmumulan ng carbohydrates ay ang mga prutas, gulay, grains, at gatas na mababa ang taba. Para sa mga naghahanap ng iba pang alternatibo sa kanin (white rice), narito ang ilang malusog at masarap na pagpipilian
Brown rice
Ang brown rice ay isang uri ng grain na mahalaga at mas malusog na uri ng bigas. Naglalaman ito ng maraming hibla, at mas masustansya.
Ang kanin (white rice) ay mas kaunti ang mga sustansya dahil inalis ang balat, bran, at mikrobyo nito. Bagama’t nakatutulong ang prosesong ito na pahabain ang shelf-life ng bigas, inaalis din nito ang maraming benepisyo nito sa kalusugan.
Ang pagluluto ng brown rice ay halos kapareho ng kanin (white rrice), mas matagal nga lamang. Masarap din ang lasa nito, at mas nakabubusog kumpara sa karaniwang kanin.
Kung ang pag-uusapan ay ang starch nito, mas kaunti ang starch ng brown rice, kaya pinapababa mo rin ang iyong pag- intake ng asukal sa iyong katawan sa pamamagitan ng paglipat sa brown rice.
Gayunpaman, medyo mas mahal ito kumpara sa kanin (white rice), ngunit ang pangmatagalang benepisyo sa kalusugan ay talagang sulit.
Cauliflower rice
Ang cauliflower rice ay ginadgad at pinakuluang cauliflower lamang. Maaaring hindi ito eksaktong katulad ng kanin (white rice), ngunit maituturing pa rin ito bilang mga pagkaing Pilipino.
Ang kalamangan sa cauliflower rice ay ang pagiging gulay nito,at naglalaman ito ng maraming bitamina at mineral na kailangan ng iyong katawan. Ang cauliflower ay isa ring non-starchy na pagkain, kaya ang pagkain ng cauliflower rice ay mainam para sa mga taong sumusubok na pumayat o para sa mga diabetic.
Bilang karagdagan sa pagiging masustansya at malasa, pinapanatili ka rin nitong busog, na nangangahulugan na hindi ka nagkakaroon ng pagnanais mag- meryenda!
Quinoa
Sa wakas, ang quinoa ay itinuturing bilang isang superfood, at nararapat naman! Ang quinoa ay isang pagkaing masustansya at puno ng mahahalagang bitamina at mineral na kailangan ng iyong katawan.
Kumpara sa brown rice at cauliflower rice, medyo mahal ang quinoa, pero masarap ang lasa at mababa rin ang starch.
Ito ay isa sa pinaka masustansyang alternatibo kumpara sa kanin (white rice), at ito ay madaling mabili sa mga supermarket at tindahan.
Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmi]