backup og meta

Insomnia at Diabetes: Ano Ang Koneksyon?

Insomnia at Diabetes: Ano Ang Koneksyon?

Napatunayan ng isang pag-aaral kamakailan ang koneksyon sa pagitan ng insomnia at diabetes type 2. Ang mga taong laging kulang sa tulog ay nakitang may mataas na tyansa ng pagkakaroon ng diabetes. Ngunit paanong nagiging dahilan ng diabetes ang insomnia? Maaari bang uminom ng sleeping pills ang mga diabetic para matugunan ang problemang ito? Alamin natin. 

Mga Pag-aaral Kaugnay sa Koneksyon ng Insomnia at Diabetes (Type 2)

Tinukoy ng isang pag-aaral na nailathala sa Diabetologia ay nakapagtukoy kamakailangan lamang ang insomnia bilang pinakabagong bantang dulot ng type 2 diabetes.

Napatunayan ng pag-aaral na ang mga taong may insomnia ay mayroong dagdag na 17% banta sa pagkakaroon ng type 2 diabetes. Gayunpaman, bumaba ang bantang ito mula 17% patungong 7% nang i-adjust ng mga mananaliksik ang BMI ng mga kalahok sa pag-aaral na may insomnia. May malaking gampanin din pala rito ang BMI

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay naniniwalang ang kanilang mga natuklasan ay makaiimpluwensya sa mga polisiyang pangkalusugan na mapakagtuon sa mga estratehiya upang maagapan ang pagkakaroon ng type 2 diabetes.

Ang mga polisiyang pangkalusugang ito ay dapat na magkaroon ng mga estratehiya na nakabatay sa iba’t ibang pananaw, gaya ng pagpapababa ng antas ng sobrang katabaan o obesity, paninigarilyo, at pagpapaunlad ng mental na kalusugan, kalidad ng tulog, at edukasyon. 

Karagdagan pang Natuklasan ng mga Pag-aaral 

Ang isa pang pag-aaral ay nagsiyasat naman sa ugnayan ng chronic insomnia at diabetes (type 2). Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga kalahok (mga taong may insomnia) sa loob ng anim na taon.

Narito ang kanilang mga natuklasan: 

  • Sa dulo ng pag-aaral, ipinakita nito na ang mga taong may insomnia ay may dagdag na 16% posibilidad na magkaroon ng type 2 diabetes. 
  • Sa mga taong may sleeping disorder, ang mga kalahok na nasa 40 taong gulang pababa ay ang mas may banta sa pagkakaroon ng diabetes kaysa sa mga mas nakatatandang kalahok ng pag-aaral. 
  • Ang mga may edad 40 pababa na may insomnia ay 31% mas inaasahang magkaroon ng type 2 diabetes kumpara sa mga taong walang sleeping disorder ng parehong edad. 
  • Ang mga kalahok na may insomnia na ang edad ay 41 hanggang 65 taong gulang ay may mas mataas na tyansa ng pagkakaroon ng diabetes nang 24% kaysa doon sa mga walang insomnia na nasa parehong age group. 
  • At sa huli, ang mga taong may insomnia na nasa edad 66 pataas ay mas may tyansa na magkaroon ng type 2 diabetes nang 6% mas mataas kaysa sa mga kabilang sa nasabing age group na walang insomnia. 
  • Ang mga kalahok na may chronic insomnia o ang mga nakararanas ng kahirapan sa pagtulog sa nakalipas na walong taon ay may 50% na mas mataas na tyansa ng pagkakaroon ng chronic diseases kumpara sa mga taong walang sleeping disorders. Sa kabilang banda, ang mga may insomnia naman sa loob ng apat na taon ay may 14% mas mataas na tyansa ng pagkakaroon ng sakit kumpara sa mga walang insomnia. 

insomnia at diabetes

Paano Napatataas ng Insomnia ang Banta ng Pagkakaroon ng Type 2 Diabetes ng isang Tao? 

May malaking gampanin ang pagtulog sa pagpapaunlad ng kalusugan ng isang tao at pagpapanatili ng kaayusan nito. Gayunpaman, kung ang isang tao ay may insomnia, magiging mahirap para sa kanila ang magkaroon ng makalidad na pagtulog gabi-gabi. 

Ang kakulangan sa tulog ay nakapagpapataas ng iyong blood sugar na nagreresulta sa mga seryosong problemang gaya ng diabetes. Natuklasan din ng mga mananaliksik na ang mga tao ay nagkakaroon nang mas matinding insulin resistance dahil sa kakulangan sa tulog.

Maaari din itong magkaroon ng negatibong epekto sa mga hormones sa katawan. Ang hindi mainam na antas ng dalawang hormones na responsable sa pagkakaroon ng gana sa pagkain, ang ghrelin at leptin, na bunga ng kakulangan sa tulog, ay maaaring magdulot ng hindi maayos na siklo ng pagtulog. Ang sobrang pagkain ay maaari ding makapagpataas ng banta ng pagkakaroon ng type 2 diabetes. 

Mga Babalang Senyales ng Pagkakaroon ng Prediabetes

Palaging Pagkagutom Pangingitim ng mga Tiyak na Bahagi ng Katawan  Matinding Pagka-uhaw 
Pagkapagod  Mas Madalas na Pag-ihi  Lumalabong Paningin 

Maaari bang Uminom ng Sleeping Pills ang mga Diabetic para sa Kanilang Insomnia? 

Isang pag-aaral may kinalaman sa epekto ng matagal na paggamit ng sleeping pills o melatonin supplement ng mga pasyenteng may diabetes at insomnia ang nagpapakita na: 

  • Ang paggamit ng melatonin sa maikling panahon ay nakapagpapabuti ng kalidad ng tulog ng mga taong may type 2 diabetes at insomnia nang hindi naaapektuhan ang kanilang blood glucose at lipid metabolism. 
  • Ang matagal na paggamit ng melatonin, sa kabilang banda, ay makatutulong sa A1C ng isang tao, at pinalalakas nito ang glycemic control. 

Makabubuting kumunsulta sa iyong doktor bago subukan ang mga over-the-counter na medikasyon para sa pagtulog. 

Tips Para sa mga Taong may Insomnia 

Napatunayan na ang insomnia ay isang bantang nakapagpapalala sa type 2 diabetes kaya naman mahalaga na pagtuunan muna ito ng pansin ng isang taong nakararanas nito. Narito ang mga maaari mong gawin para magkaroon ng mas maayos na tulog: 

  • Magtakda ng isang iskedyul para sa pagtulog at sundin ito gabi-gabi. 
  • Gawin ang iyong silid na isang lugar kung saan maaari kang makapagpahinga at magkaroon ng tahimik na oras para sa sarili. 
  • Palagiang mag-ehersisyo araw-araw para mapaganda ang kalidad ng iyong tulog sa gabi. Iwasan ang mga mabibigat na ehersisyo ilang oras bago ang iyong iskedyul ng pagtulog. Maaari itong magdulot ng kahirapan sa pagtulog.
  • Limitahan ang pagkonsumo ng kape. 
  • Kumain nang tama at iwasan ang sobrang pagkain. 
  • Tumigil sa paninigarilyo. 
  • Magkaroon ng nakapagpapagaan sa pakiramdam na mga palagiang gawain bago matulog gaya ng paliligo at pag-inom ng mainit na tsaa bago matulog. 
  • Huwag pilitin ang sarili na makatulog. Ayos lamang na tumayo at gumawa ng mga gawain na maaaring makatulong sa iyong isip at katawan na makapag-relax. Tandaang habang pinipilit mo ang iyong sarili na matulog, mas lalo kang mananatiling gising. 

Tandaan 

Maraming mga pananaliksik na ang isinagawa upang mapatunayan ang ugnayan sa pagitan ng insomnia at type 2 diabetes. Lahat ng mga ito ay sumusuporta sa ideyang ang sleeping disorder na ito ay tunay ngang nakapagpapataas ng banta ng type 2 diabetes sa isang tao. 

Ang pagtugon sa problema sa pagtulog gaya ng insomnia ay nangangailangan ng sapat na panahon at pagsisikap. Ngunit kung palagian kang gumagawa kahit ng mga maliliit na paraan para masolusyunan ito, hindi ka lamang makatutulog nang mas mahimbing sa gabi, mababawasan pa ang tyansa ng pagkakaroon mo ng diabetes. 

Matuto nang higit pa tungkol sa Type 2 Diabetes dito

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Chronic Insomnia Increases Risk of Type 2 Diabetes https://www.endocrineweb.com/news/diabetes/58256-chronic-insomnia-raises-risk-type-2-diabetes Accessed October 9. 2020

Insomnia Linked to High Insulin Resistance in Diabetics https://www.sciencedaily.com/releases/2011/05/110502151427.htm Accessed October 9, 2020

Risk of Type 2 Diabetes in Patients with Insomnia: A Population-Based Historical Cohort Study https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1002/dmrr.2930 Accessed October 9, 2020

Melatonin Used in Patients with Type 2 Diabetes and Insomnia https://www.endocrineweb.com/professional/research-updates/type-2-diabetes/melatonin-use-patients-type-2-diabetes-insomnia Accessed October 9, 2020

The Connection Between Sleep and Overeating https://www.sleepfoundation.org/articles/connection-between-sleep-and-overeating Accessed October 9, 2020

The Link Between a Lack of Sleep and Type 2 Diabetes https://www.sleepfoundation.org/articles/link-between-lack-sleep-and-type-2-diabetes Accessed October 9, 2020

10 Tips to Beat Insomnia https://www.nhs.uk/live-well/sleep-and-tiredness/10-tips-to-beat-insomnia/ Accessed October 9, 2020

Kasalukuyang Version

03/22/2022

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Gamot para sa Type 2 Diabetes, Nakakapayat? Alamin!

Diabetes At Stroke: Ano Ang Koneksyon Ng Dalawang Sakit Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement