Ano ang NPH Insulin? Ang Neutral protamine Hagedron (NPH) Insulin ay isang uri ng gamot na ginagamit sa diabetes mellitus (DM). Isa itong kondisyon kung saan hindi ma-kontrol ng katawan ang dami ng glucose sa dugo. Kung hindi makontrol, maaaring mapataas ng diabetes ang risk na madevelop ang mga sakit sa coronary artery at iba pang komplikasyon.
Ano Ang Nagagawa Ng NPH Insulin?
Gumagana ang NPH insulin sa pamamagitan ng pag-iincrease ng cellular intake ng glucose sa atay, mga fatty tissue, at skeletal muscles.
Ang ganitong uri ng insulin ay kumikilos sa mga nabanggit na tissue para makagawa ng mga sumusunod na epekto:
- Atay – nagtataguyod ng hepatic glycogen synthesis.
- Adipose (fatty) tissues – nagtataguyod ng metabolismo ng fatty acid na humahantong sa lipoprotein synthesis.
- Skeletal muscles – nagtataguyod ng glycogen at protein synthesis.
Sa madaling salita, ang NPH insulin ay gumagana tulad ng sariling insulin ng katawan ng tao. Sa pamamagitan ng pagtaas ng uptake ng glucose sa atay, taba, at skeletal muscles, at ang level ng glucose sa dugo ay maaaring kontrolin.
Ano Ang NPH Insulin Benefits Kumpara Sa Iba Pang Uri Ng Insulin?
Ang NPH insulin ay inuri bilang isang intermediate-acting na insulin.
Mayroong iba’t ibang uri ng insulin at inuri sila ayon sa mga sumusunod na kadahilanan:
- Onset ng kanilang mga epekto
- Peak ng kanilang mga epekto
- Dduration ng kanilang mga epekto
Mula sa mga factors na nabanggit sa itaas, ang insulin ay may 4 na uri:
- Ang rapid-acting insulin ay gumagana sa mas makitid, maiksi at predictable range ng oras. Nagsisimula itong umepekto sa loob ng 5 minuto, at peaking sa humigit-kumulang 1 oras.
- Ang short-acting insulin ay na-absorb sa daluyan ng dugo sa ilang sandali matapos ma-administer sa fatty tissue. Ito’y kapaki-pakinabang kapag ginamit sa loob ng 30-60 minuto bago kumain.
- Ang intermediate-acting insulin ay mas mabagal kaysa sa short-acting insulin, ngunit mas tumatagal. Ito ay kapaki-pakinabang kapag kinuha sa pagitan ng mga pagkain, sa panahon ng pagfa-fasting, at bago matulog.
- Ang long-acting insulin ay naaabsorb nang napakabagal na may minimal peak level sa dugo. Gayunpaman, ang mga epekto ng insulin na ito ay tumatagal sa halos buong araw.
Ang ilang partikular na kombinasyon ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaari ring pagsamahin sa isang syringe para makuha ang mga benepisyo ng 2 types.
Taken with regular insulin (isang short-acting insulin), ang ganitong type ng insulin ay maaaring makatulong sa pagkontrol ng blood sugar levels sa mas mahabang panahon.
Ano Ang Mga Risk Sa Paggamit Ng Ganitong Type Ng Insulin?
Ang mga pasyenteng gumagamit ng NPH insulin ay medyo mas mataas ang risk na magkaroon ng hypoglycemia (mababang blood sugar levels) dahil sa hindi wastong pag-aadminister ng insulin.
Ito’y malamang dahil sa hindi sapat na resuspension ng gamot. Para maiwasan ito, i-rotate ang vial ng ilang beses hanggang sa maging uniformly cloudy bago ibigay ang gamot.
Kapag sa gabi naitusok at nagamit sa katawan, ang ganitong type ng insulin ay karaniwang nagpe-peak sa hatinggabi, kapag ang katawan ay karaniwang hindi nangangailangan ng maraming insulin.
Maaari itong maging dahilan ng nocturnal hypoglycemia. At alternatively, ang mga pasyente ay nasa risk din na magkaroon ng fasting hyperglycemia, dahil ang tagal ng NPH insulin ay karaniwang hindi tumatagal hanggang sa umaga. Para maiwasan ang mga epektong ito, gumamit ng insulin sa oras ng pagtulog kaysa sa pagkatapos ng hapunan.
Ang iba pang mga side effect ng paggamit ng insulin ay kinabibilangan ng pagtaas ng timbang, edema, pagbaba ng potassium, skin atrophy o hypertrophy sa lugar ng injection.
Sino Ang Dapat Gumamit Ng NPH Insulin?
Ang mga pasyente na may type 1 at type 2 diabetes mellitus ay maaaring mabigyan ng ganitong type ng insulin, kahit na ang dose ay maaaring mag-iba ayon sa blood sugar level ng pasyente.
Sino Ang Hindi Dapat Kumuha Ng Ganitong Uri Ng Insulin?
Ang mga pasyenteng gumagamit ng NPH insulin ay dapat na huminto agad sa paggamit ng gamot na ito at komunsulta sa kanilang physician para sa mga alternatibong therapy kung sila ay nagpapakita ng alinman sa mga sumusunod:
- Isang allergic/hypersensitivity reaction na maaaring mag-manifest bilang pangangati at pamumula sa balat o pantal sa buong katawan.
- Kung mayroon silang paulit-ulit na yugto ng matinding hypoglycemia, na maaaring magpakita bilang panginginig, pagpapawis, chills, pagkamayamutin, fast heartbeat, gutom, pagduduwal at pagsusuka, pananakit ng ulo, o pagkaantok.
Paano Gumamit Ng NPH Insulin?
Kung inireseta ng iyong doktor, maaari kang mag-administer ng NPH insulin subcutaneously sa pamamagitan ng pen-injector o sa subcutaneous suspension. Kadalasan, ini-inject mo ito sa subcutaneous fat tissues sa paligid ng tiyan. Ang absorption nito ay napapabuti kasabay ng pag ehersisyo. Pag ka inject, maaring imasahe ang malapit sa lugar ng injection, o maglagay ng mainit na compress.
Maaari kang gumamit ng ganitong type ng insulin isang beses o dalawang beses araw-araw bilang mga dose sa umaga at gabi, base sa payo ng iyong doktor.
Key Takeaways
Ang NPH Insulin ay isang intermediate-acting insulin na epektibo sa pagma-manage ng DM; Ang pangunahing bentahe ng paggamit ng gamot na ito ay maaari itong ihalo sa isang short-acting insulin. Nagbibigay ito ng benefits para sa agarang epekto, na may longer duration of effect.
Kung mayroon kang diabetes, tandaan na kumunsulta sa’yong doktor para matukoy ang pinakamahusay na type ng insulin para sa’yo.
Matuto pa tungkol sa diabetes at insulin, dito.
[embed-health-tool-bmi]