backup og meta

Tanong Tungkol Sa Diabetes: Heto Ang Mga Kasagutan

Tanong Tungkol Sa Diabetes: Heto Ang Mga Kasagutan

Ang Hello Doctor ay nag-compile ng ilang hindi pangkaraniwang mga tanong tungkol sa diabetes, at ang aming mga eksperto sa medisina ay nagbahagi ng kanilang mga sagot na magbibigay ng liwanag ukol rito. 

Ano Ang Diabetes?

Ang type 1 at type 2 na diabetes ay parehong konektado sa pagkakaroon ng mataas na blood sugar. Ang mga ito ay may iba’t ibang dahilan at nangangailangan ng iba’t ibang paggamot. Sa bawat kaso, ang pag-unlad ng sakit ay iba-iba, at kinakailangan ng atensyong medikal. 

Mga Hindi Karaniwang Tanong Tungkol Sa Diabetes

Kapag pumupunta ako sa banyo, minsan may langgam sa ihi ko. Minsan napapansin ko rin na maraming langgam sa t-shirt at towel ko. Ibig bang sabihin may diabetes ako?

Maaaring mapansin ng ilang tao na pagkatapos pumunta sa banyo para umihi, makikita ang mga langgam sa kanilang ihi o sa paligid ng toilet bowl. Ito ay talagang isang kakaibang tanawin. Iniisip kaagad ng mga tao na mayroon silang diabetes. Ito rin ang dahilan kung bakit isa itong karaniwang tanong tungkol sa diabetes.

Gayunpaman, hindi ito ganap na totoo, ngunit mayroon itong batayan.

Kapag ang lebel ng asukal sa dugo ay tumaas, at ang bato ay hindi na-absorb ang asukal, ito ay napupunta sa ihi, na tinatawag na glucosuria. Ngunit ang mga langgam sa iyong ihi ay hindi nangangahulugang may diabetes ka na kaagad.

Ang asukal sa iyong ihi ay maaaring sanhi ng iba’t ibang dahilan tulad ng sumusunod

  • Cystinosis
  • Fanconi’s syndrome
  • Wilson Disease
  • Tyrosinemia

Ang ilan pang di karaniwan na mga senyales na maaaring magpahiwatig ng posibleng pagkakaroon ng diabetes mellitus ay kinabibilangan ng

  • Acanthosis nigricans (pangingitim ng batok at mga lugar kung saan madalas nagkikiskisan tulad ng singit, kili-kili, mga pagitan ng mga daliri)
  • Madalas na pag-ihi maging sa gabi
  • Mabagal na paghilom ng sugat
  • Mas madalas na pagkakaroon ng pigsa, abscesses, sugat, atbp
  • Palaging gutom o nauuhaw ng higit sa karaniwan

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga bagay na dapat suriin, ngunit hindi tiyak na mayroon kang diabetes.

Kung mapapansin mo ang ilan sa mga senyales na ito, mga langgam sa iyong toilet bowl pagkatapos umihi, o kaya ang pagkakaroon ng kapamilya o family history na may sakit ng diabetes, dapat isaalang-alang pa rin ang pagpapatingin sa iyong doktor. Ang mga naaangkop na pagsusuri sa dugo ay maaaring gawin upang kumpirmahin kung mayroon ka o walang diabetes.

Nakatutulong ba ang pag-inom ng mga tsaa katulad ng ampalaya, kalamansi, atbp para sa diabetes?

Ang mga tanong sa herbal ay isa pang karaniwang tanong tungkol sa diabetes. Ito ay dahil mura ang herbal na gamot, at madali ang paggamit nito.

Base sa mga kasalukuyang pananaliksik, nagpapakita na ang ampalaya (bitter gourd) ay may ilang anti-diabetic na katangian. Kaya ginagawa ito na isang potensyal na panggamot para sa diabetes. Bagama’t ipinakita sa mga pag-aaral na maaari nitong bawasan ang asukal sa dugo sa isang tiyak na pagkakataon, ang mga resulta ay hindi pa rin tiyak at nangangailangan ng karagdagang pagsusuri at pananaliksik.

Maaaring gawin ang mga ito bilang mga tsaa o suplemento, ngunit mas mabuting kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa anumang paggamit ng iba pang herbal na tsaa.

Ang ibang mga tsaa o suplemento na hindi pinag-aralan nang mabuti ay maaaring naglalaman ng mga sangkap na maaaring makapinsala sa bato, atay, o puso.

Upang makontrol ang iyong asukal sa dugo, kailangan ang tamang diet at ehersisyo, gayundin ang pagsunod sa iyong mga gamot laban sa diabetes.

Ang pagkain ng sapat lamang na carbohydrates at pagbabawas ng matatamis, pananatili ng balanseng diet ng mga prutas, gulay at protina ay makakatulong sa pag-manage ng lebel ng asukal sa dugo.

karaniwang tanong tungkol sa diabetes

Gumagamit ako ng insulin shots sa loob ng ilang taon, napapansin ko na tumitigas ang tiyan ko. Kailangan ba akong mag-alala? Ano ang dapat kong gawin?

Ang ikatlong karaniwang tanong tungkol sa diabetes na ito ay hindi nararanasan ng lahat na diabetic. Ito ay dahil hindi naman lahat ng diabetic ay kinakailangan ng insulin.

Pero para sa mga matagal na nag-iiniksyon ng insulin, maaari silang makaranas ng pagbuo ng mga lump at bukol sa bahagi ng kanilang tiyan. Ito ay tinatawag nating lipohypertrophy. 

Ang nangyayari ay tumutulong ang insulin na isulong ang paglaki ng mga fat cells na nagiging sanhi ng pagtigas ng tiyan. Karaniwan itong nangyayari kapag ang mga pasyente ay paulit-ulit na nag-iniksyon sa iisang lugar. Kung ang isang pasyente ay patuloy na nag-iniksyon sa isang lugar kung saan may lipohypertrophy, maaari itong humantong sa di maayos na paglabas at pag-absorb ng insulin, na maaaring magdulot ng hypoglycemia.

Ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng pag-iniksyon sa iba’t ibang lugar, maaaring sa tiyan, hita, at braso. Pagtagal, ang ilan sa mga bahagi ay maaaring lumambot, at ang mga bukol ay maaaring maging mas maliit.

Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Momordica charantia for type 2 diabetes mellitus, https://www.cochranelibrary.com/cdsr/doi/10.1002/14651858.CD007845.pub3/abstract, Accessed May 1, 2021

https://www.bbraun.com/en/patients/diabetes-care-for-patients/insulin-injection-tips-and-tricks/site-rotation.html#, Accessed May 1, 2021

Type 2 diabetes – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-2-diabetes/symptoms-causes/syc-20351193, Accessed May 1, 2021

Type 2 Diabetes – Symptoms | ADA, https://www.diabetes.org/diabetes/type-2/symptoms, Accessed May 1, 2021

Know the signs and symptoms of diabetes, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4311308/, Accessed May 1, 2021

Kasalukuyang Version

01/09/2023

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Puwede ba ang diabetic sa noodles? Alamin dito!

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement