backup og meta

Maaari Bang Makatulong Ang Yoga Sa Diabetes?

Maaari Bang Makatulong Ang Yoga Sa Diabetes?

Hindi lang tungkol sa pagre-relax ng katawan at isipan ang yoga, marami ding maibibigay na benepisyo ang ganitong uri ng exercise, lalo na sa mga may diabetes. Makatutulong ang ilang yoga poses para pababain ang blood pressure at blood sugar, at pati na rin mapabuti ang sirkulasyon. Hinihikayat din ng ilang eksperto ang yoga para sa diabetes.

Yoga Para Sa Diabetes: Epektibo Ba ito?

Nakatutulong ang yoga at iba pang mga mind-body therapy panlaban sa mga sakit na may kinalaman sa lifestyle ng isang tao, kabilang ang diabetes.

Isa sa mga susi para sa treatment ng diabetes ang paglaban sa stress. Umaakyat ang blood sugar ng isang taong stress, na nagpapataas sa panganib ng tao mula sa seryosong komplikasyon ng diabetes, gaya ng sakit sa puso.

Salamat sa mga stretching exercise na may breathing regulation. Hindi lang gumagawa ng relaxation response sa pisikal na katawan ang yoga, kundi pati rin sa mental. Nakatutulong ang response na ito sa pag-regulate ng cortisol level at iba pang stress hormone.

Nakatutulong ang araw-araw na yoga para sa diabetes upang makontrol ang blood sugar, at mabawasan ang mga panganib ng mga tao mula sa komplikasyon ng kondisyong ito.

Yoga Para Sa Diabetes

Narito ang mga yoga exercise para sa mga diabetic na maaari mong subukan:

1. Itaas ang mga paa sa dingding

Mare-relax ang mga muscle sa pagpapahinga ng mga paa, at mababawasan ang tensyon sa ibabang bahagi ng katawan, na makatutulong naman para mapababa ang blood pressure at blood sugar habang napapawi ang sakit sa ulo at tumataas ang energy level.

Gawin ang mga sumusunod:

  • Humiga sa tapat ng pader.
  • Itaas ang mga paa na parang puno ng saging, habang sinusubukan sumandal sa pader mula puwit hanggang sakong.
  • Kung hindi maituwid ang mga binti, maaaring maglagay ng malambot na unan o kumot sa ilalim ng puwitan bilang suporta.
  • Dahan-dahang huminga, subukan manatili sa ganitong posisyon sa loob ng 10-15 minuto.

2. Fixed angle na posisyon habang nakahiga

Mabuti sa kalusugan ang posisyon na ito. Nakatutulong itong magpakalma ng nervous system. Nakatutulong din ang yoga na ito sa diabetes dahil nagpapababa ito ng level ng stress, pati na rin ng  blood pressure at blood sugar.

Gawin ang mga sumusunod:

  • Humiga at dahan-dahang itupi ang mga tuhod, pagdikitin ang iyong mga sakong para makagawa ng isang fixed angle sa sahig.
  • Subukang pagdikitin ang mga sakong malapit sa singit/puwit.
  • Ilagay ang mga palad malapit sa balakang at sa sahig. Huminga, at higpitan ang abs.
  • Manatili sa pose na ito sa loob ng 1 minuto.

3. Posisyon na yumuyuko

Isa itong flexion stretch pose na may layuning makatulong para ma-relax ang katawan. Bukod sa pagpapababa ng blood pressure, at pagpapababa ng timbang, makatutulong din ang pose na ito para malabanan ang pagkapagod.

Gawin ang mga sumusunod:

  • Umupo sa sahig, ituwid ang mga binti
  • Maaaring maglagay ng manipis na unan sa ilalim ng tuhod para madaling makagalaw
  • Dahan-dahang yumuko hanggang sa magdikit ang ulo at tuhod
  • Subukang manatiling tuwid ang mga tuhod, panatilihin ding nakadikit ang katawan sa sahig
  • Hawakan ang mga ankle gamit ang dalawang kamay, o i-cross ang mga kamay para yakapin ang  mga paa para mas madaling makayuko
  • Manatili sa posisyong ito sa loob ng 10-20 na segundo o hanggang kaya ng katawan.

[embed-health-tool-bmi]

4. Candle pose

Malaki ang naitutulong ng candle pose. Nakatutulong ito para mapabuti ang daloy ng dugo at ma-stimulate ang thyroid gland, pati na rin sa pagpapakalma ng isipan at pag-aalis ng stress.

Gawin ang mga sumusunod:

  • Humiga nang diretso sa yoga mat, nang nasa binti ang mga kamay, at nakababa ang mga palad
  • Itaas nang tuwid ang mga binti, gamitin ang mga kamay bilang suporta sa balakang
  • Subukang itaas nang tuwid ang mga binti 
  • Huminga nang maayos
  • Manatili sa pose na ito sa loob ng 30 na segundo

5. Upside down dog pose

Nakatutulong ang upside down dog pose para sa pananakit ng sciatica, depresyon, at epektibong makaalis ng pagkapagod. Mas nagiging stable ang blood pressure, pati na rin ang blood sugar kapag payapa ang isipan.

Gawin ang mga sumusunod:

  • Humiga nang nakadapa. Iharap sa sahig ang instep ng paa, at ilagay ang mga kamay sa katawan
  • Huminga nang malalim, dahan-dahang ibaluktot ang mga siko, at ilagay ang mga palad sa tabi ng iyong mga tadyang
  • Idiin ang mga palad sa sahig, at dahan-dahang iangat ang kalahating katawan. Mapupunta ang bigat ng iyong katawan sa mga daliri ng paa at kamay.
  • Tumingin sa harap, maaaring itagilid nang kaunti ang iyong ulo.
  • Siguraduhin na nakahanay ang mga pulso sa mga balikat, at hindi masyadong nakaunat ang leeg
  • Subukang manatili sa posisyon na ito sa loob ng 30 segundo, at dahan-dahang huminga at ibuga ito pagkatapos

6. Sitting posture na naka-twist ang spine

Nakatutulong sa pag-stimulate ng sirkulasyon sa mga organ ng tiyan ang seated twisting posture yoga para sa diabetes, na nakatutulong din naman sa pagpapababa ng blood sugar. Bukod dito, mapapabuti ng pose na ito ang digestion ng isang tao, at nagpapataas din ito ng energy level.

Gawin ang mga sumusunod:

  • Umupo sa sahig, panatilihing tuwid ang likod, pati ang mga binti.
  • Ibaluktot ang kanang binti at ilagay sa kaliwang hita, ibaluktot ang kaliwang binti at ilagay sa ibabang bahagi ng kanang hita. Ilagay ang dalawang kamay sa tabi ng balakang.
  • Huminga nang malalim, panatilihing tuwid ang likod. Mag-exhale, at iikot ang itaas na katawan sa kaliwa kung makakaya, habang nasa sahig ang kanang kamay, at ang kaliwang kamay sa kanang hita. Siguraduhin na nakadikit sa sahig ang puwit.
  • Dahan-dahang mag-inhale at mag-exhale nang tama, panatilihing tuwid ang likod, at pakiramdaman ang epekto sa iyong balakang at baywang.
  • Itutok ang ulo diretso sa balikat, manatili sa pose na ito sa loob ng 30 hanggang 1 minuto.
  • Huminga, dahan-dahang bumalik sa unang posisyon, ayusin ang paghinga.
  • Ulitin ito sa kabilang bahagi.

Hindi lamang nakatutulong ang yoga para sa diabetes para mas makontrol ang kondisyon, ngunit nakatutulong din ito sa iyong kalusugan sa iba’t ibang paraan. Mangyaring kumonsulta sa doktor tungkol sa tamang uri ng exercise para sa iyong kondisyon, pati na rin sa pinaka-angkop na nutrisyon para sa iyo.

Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Yoga for Diabetes, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6145966/, Accessed June 8, 2022

Yoga and Diabetes, https://www.diabetes.co.uk/yoga-and-diabetes.html, Accessed June 8, 2022

Stress Management, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/stress-management/in-depth/yoga/art-20044733, Accessed June 8, 2022

Kasalukuyang Version

02/27/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mangyayari Kapag Hindi Makontrol Ang Iyong Blood Sugar?

Paggamot sa Diabetic Neuropathy: Paano Mo Gagamutin ang Pananakit ng Nerve?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement