backup og meta

Epekto Ng Diabetes Sa Balat At Sa Bibig

Epekto Ng Diabetes Sa Balat At Sa Bibig

Ang diabetes ay maaaring makaapekto sa maraming organs sa katawan tulad ng circulatory system, digestive system, urinary tract, at iba pa. Ngunit hindi lahat ng mga tao ay may malay sa epekto ng diabetes sa balat.

Gayunpaman, ang epekto ng diabetes sa balat at bibig ay isa sa mga karaniwang problema na nagmumula sa diabetes. Mahalaga sa mga diabetic na alagaan ang kanilang mga balat, dahil ang diabetes ay maaaring maging sanhi ng malalang impeksyon sa balat.

Ano Ang Mga Epekto Ng Diabetes Sa Balat?

Halos lahat ng parte ng katawan ay maaaring maapektuhan ng diabetes. Kaya’t mahalaga sa mga diabetics na manatiling kontrolado ang kanilang kondisyon.

Sa partikular, ang kondisyon ng balat ay mahalaga dahil ang diabetics ay mas madaling kapitan ng mga kondisyon sa balat. Kahit na ilan sa mga kondisyon na ito ay madaling magamot. Mabilis naman silang hindi makontrol kung hindi ma-manage nang maayos ang diabetes.

Narito ang mga posibleng epekto ng diabetes sa balat:

Hindi Nagagamot Na Mga Sugat

Ang ibang mga diabetic ay sasabihing na ang mga simpleng sugat tulad ng lesions, cut, at scratches ay magiging malala at may mahabang panahon para gumaling. Kung iniwang hindi nagagamot, maaari itong lumala at mag-develop ng impeksyon mula sa bacteria.

Bacterial Infections

Ang bacterial infections, ang pinaka-karaniwang lesions sa mga diabetic, ay kinabibilangan ng abscesses, boils, furuncles, at carbuncles na maaaring maging masakit.

Fungal Infections

Ang fungi Candida albicans ay nagiging sanhi ng pinaka-karaniwan na uri ng fungal infection na nararanasan ng diabetics.

Isa itong impeksyon na nagreresulta sa makating moist rashes na maaaring magkaroon ng maliit na paltos at scales.

Ang mga ito ay karaniwang lumalabas sa folds ng balat gaya ng sa ilalim ng kuko, sa ilalim ng suso, sa paligid ng bibig, sa foreskin, singit, at sa pagitan ng mga daliri sa kamay at sa paa.

Madalas ang mga fungal infection ay nagagamot sa pamamagitan ng anti-fungal cream, o gamot na nireseta ng doktor.

Acanthosis Nigricans

Ito ay ang kondisyon kung saan ang mga nasabing area ng katawan ay makikita sa balat sa paligid ng leeg, kilikili, at singit.

Ang mga area na ito ay karaniwang brown o tan na kulay.

Gayunpaman, may mga tiyak na cream na maaaring ireseta ang iyong doktor upang matulungan sa problema.

Diabetic Dermopathy

Ang diabetic dermopathy ay makikita bilang pulang patches na kalaunan ay nagiging brown makalipas ang mga oras. Ito ay bilog o oval, at karaniwang lumalabas sa harap ng mga binti. At ito ay lilitaw na dry, flaky, o cracked na balat.

Ito ay magreresulta mula sa pagbabago sa blood vessels na sanhi ng diabetes. Ang kondisyon na ito ay hindi nakapipinsala at hindi kinakailangan na gamutin.

Necrobiosis Lipoidica

Ang kondisyon na ito ay sanhi rin ng pagbabago na nangyayari sa blood vessels bilang resulta ng diabetes. Nakikita ito bilang bilog na mga lesion sa balat na may brown sa gilid at dilaw sa gitna.

Ang necrobiosis lipoidica diabeticorum ay maaaring maging makati at masakit, at kadalasan ay nagsisimulang mag-crack ang balat. Gayunpaman, kung hindi naman maghihiwa-hiwalay ang sugat, walang dahilan para magpagamot.

Sa simulang lumabas ang mga sugat, kinakailangan ang agarang lunas. Ang kondisyon na ito ay mas karaniwan sa mga babae.

Diabetic Blisters

Isa sa mga epekto ng diabetes sa katawan ay tinatawag na diabetic blisters. Ito ay kadalasang nakikita sa kamay, sa likod ng mga daliri ng kamay, mga daliri sa paa, mga paa, mga binti, at braso.

Ang itsura ng mga paltos na ito ay katulad ng sa paltos sa sunog. Kadalasan ay hindi masakit, at maaaring nasa maliit hanggang malalaking size.

Ang diabetic blisters ay gumagaling nang kusa, at ang pinakamainam na paraan ng lunas ay ang pagpapanatili ng lebel ng blood sugar sa normal.

Digital Sclerosis

Ang digital sclerosis ay isa sa mga epekto ng diabetes sa balat na makikita bilang makapal at waxy na balat sa likod ng mga kamay. Minsan, nangyayari rin ito sa noo at mga daliri sa paa.

Ang kondisyon na ito ay maaari ring maging sanhi na manigas ang mga daliri sa kamay, at hirap na maigalaw. Maaari ring maapektuhan ang mga tuhod, ang mga bukong-buko, at mga siko.

Ang pinakamainam na gamot sa ganitong kondisyon ay pagpapanatili ng lebel ng blood sugar na kontrolado.

Ano Ang Mga Epekto Ng Diabetes Sa Bibig?

Liban sa mga epekto ng diabetes sa balat, maaari ring magkaroon ng epekto ito sa bibig. Narito ang mga ilang problema:

Yeast Infections

Ang mataas na lebel ng blood sugar ay maaaring maging sanhi ng mas mataas na lebel ng glucose sa laway ng isang tao. Dahil dito, ang bibig ng diabetics ay maaaring mas madaling kapitan ng impeksyon, tulad ng dry mouth, at pagtaas ng banta sa oral thrush.

Ang oral thrush sa partikular ay ang pagdami ng mga yeast na Candida albicans. Ito ay nagdudulot ng puti at pulang patches sa bibig maging ang mouth ulcers.

Maaari itong malunasan ng anti-fungal na gamot.

Pagkasira Ng Ngipin

Ang mataas na glucose sa bibig ay maaari ring mapataas ang banta ng pagkasira ng ngipin. Kung ang mga ngipin ay hindi naalagaan nang maayos, hahantong ito sa tooth decay.

Sakit Sa Gilagid

Karagdagan, ang sakit sa gilagid ay maaari ring mapataas bilang resulta ng mataas na lebel ng blood sugar. Ito ay sa kadahilanan na ang bibig ay mas nagiging madaling kapitan ng impeksyon, na nagiging dahilan kaya’t mas karaniwan ang sakit sa gilagid.

Ano Ang Maaari Mong Gawin Tungkol Sa Epekto Ng Diabetes Sa Balat?

Ang pinakamainam na paraan upang makontrol ang epekto ng diabetes sa balat ay ang pagpapanatili ng iyong lebel ng blood sugar na kontrolado. Kadalasan, ang mga ganitong kondisyon ay nagpapakita kung ang lebel ng blood sugar ng isang tao ay mas tumaas.

Karagdagan, ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng mga gamot upang matulungang pagaanin ang mga side effects at discomfort na nagiging sanhi ng mga kondisyon na ito.

Sa partikular, mahalaga na masigurado na ang kahit na anong blisters o lesions sa katawan ay hindi maimpeksyon. Dahil ang mga impeksyong ito ay kadalasang humahantong sa pagputol o pagtanggal ng parte ng katawan kung ito ay lumala.

Pag-aralan ang iba pang komplikasyon sa diabetes dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Skin Manifestations of Diabetes Mellitus – Endotext – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK481900/, Accessed August 27 2020

Skin Complications | ADA, https://www.diabetes.org/diabetes/complications/skin-complications, Accessed August 27 2020

Diabetes & Skin Conditions: Causes, Treatment, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/12176-diabetes-skin-conditions#:~:text=Diabetes%20can%20affect%20the%20small,the%20front%20of%20the%20legs, Accessed August 27 2020

Diabetes: 12 warning signs that appear on your skin, https://www.aad.org/public/diseases/a-z/diabetes-warning-signs, Accessed August 27 2020

Diabetes and oral health – Better Health Channel, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/ConditionsAndTreatments/diabetes-and-oral-health#:~:text=Diabetes%20and%20oral%20fungal%20infections,-Oral%20thrush%20(candidiasis&text=Some%20conditions%20caused%20by%20diabetes,result%20in%20discomfort%20and%20ulcers, Accessed August 27 2020

Diabetes Symptoms in Your Mouth – American Dental Association, https://www.mouthhealthy.org/en/diabetes-slideshow, Accessed August 27 2020

Diabetes, Gum Disease, & Other Dental Problems | NIDDK, https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/preventing-problems/gum-disease-dental-problems, Accessed August 27 2020

Kasalukuyang Version

09/20/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Epekto ng Diabetes sa Mata, Ano Nga Ba?

Ano Ang Diabetic Neuropathy, At Gumagaling Pa Ba Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement