backup og meta

Ano ang Maaaring Sanhi ng Lagnat Kapag May Diabetes Ka?

Ano ang Maaaring Sanhi ng Lagnat Kapag May Diabetes Ka?

Mayroon bang tinatawag na diabetes fever? Medically, wala– dahil ang diabetes mismo ay hindi direktang nag dudulot ng lagnat. Gayunpaman, ang mga kondisyon o sintomas na maaaring resulta mula sa diabetes ay maaaring mauwi sa pagtaas ng temperatura ng katawan. Ano ang mga karaniwang sanhi ng lagnat bilang komplikasyon ng diabetes? Alamin dito.

Impeksyon

Impeksyon ang pinakakaraniwang sanhi ng lagnat sa mga taong may diabetes. Ito ay dahil ang hindi maayos na pag-control ng blood sugar levels ay maaaring maging mas madaling kapitan ng mga bacterial, viral, at fungal infections ang katawan ng isang diabetic.

Kung ikaw ay may diabetes, mag-ingat sa mga sumusunod na pinakakaraniwang impeksyon na maaaring makasakit sa iyo:

  • Impeksyon sa tainga, ilong, at lalamunan. Kung mayroon kang “diabetes fever” pati na rin ang pananakit at discharge ng tainga, kumonsulta kaagad sa iyong doktor.
  • Urinary tract infections. Sinasabi ng mga eksperto na ang uncontrolled diabetes ay karaniwang sanhi ng mga UTI. Minsan, humahantong din sila sa mga impeksyon sa pantog at bato.
  • Mga impeksyon sa balat at malambot na tisyu. Halimbawa, ang diabetic foot ulcers ay karaniwang pinagmumulan ng impeksyon sa mga taong may diabetes na hindi nakokontrol.

Kung naghihinala ka na mayroon kang impeksyon, kumunsulta sa doktor para sa tamang diagnosis at paggamot. Maaaring kailanganin mo ng antibiotic therapy at isang doktor lamang ang makakapagbigay sa iyo ng reseta para sa tamang gamot. 

Dehydration

Ang dehydration ay nangyayari kapag ang iyong katawan ay nawalan ng mas maraming likido kaysa sa kailangan. At ayon sa mga eksperto, ang mga taong may diabetes ay mas madaling makaranas ng dehydration, higit sa lahat ay dahil sa madalas na pag-ihi.

Kung hindi mo pinapalitan ang nawalang fluids, maaring mauwi sa lagnat ng komplikasyon ng diabetes at iba pang health problems. Ang mga palatandaan ng dehydration ay:

  • Tuyong bibig at labi
  • Pagka uhaw
  • Dark yellow na ihi na may matapang na amoy

Kung mayroon kang signs na nabanggit, pumunta kaagad sa doktor. Maaari nilang sabihin sa iyo kung kailangan mo ng pangangalagang medikal para sa dehydration o kung iba pa ang sanhi ng mga senyales.

Ang dehydration ay kadalasang ginagamot sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming likido. Maaaring sabihin ng iyong doktor na uminom ng mas maraming tubig, uminom ng electrolyte drinks, o oral rehydration solutions.

Ketoacidosis

Seryosong komplikasyon ng diabetes ang ketoacidosis. Ito ay pwedeng mangyari kapag ang iyong katawan ay walang sapat na insulin para masira ang mataas na lebel ng blood sugar. Dahil hindi mo ma-be-breakdown ang asukal para sa enerhiya, ang katawan ay gumagamit ng taba sa halip. At nagiging sanhi ito ng mataas na antas ng ketones, ang by-product ng fat metabolism, na umikot sa iyong system. 

Ayon sa mga ulat, kabilang ang lagnat sa mga sintomas na nagpapakita ng DKA, kasama ng pagsusuka, pag dalas ng pag-ihi, pang hihina, pananakit ng tiyan, at pagka hingal. Dahil ang DKA ay nauugnay sa pagtaas ng mga antas ng asukal na higit sa 300 mg/dl, ito ay isang medical emergency at dapat mapamahalaan agad ng dokor sa ospital. Kung hindi gagamutin, maaari itong makamatay.

Tandaan na ang DKA o diabetic ketoacidosis ay kadalasang nangyayari sa Type 1 diabetic patients. Ngunit maaari ring mangyari ito sa mga taong may Type 2 DM sa panahon ng hindi pangkaraniwang physiologic stress.

Lagnat Komplikasyon ng Diabetes, Maiiwasan Mo ba?

Walang makapagsasabi kung kailan ka magkakaroon ng lagnat, pero pwede kang gumawa ng mga paraan para mabawasan ang panganib ng dehydration, impeksyon, at DKA. Isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang:

  • Ugaliin ang madalas at wastong paghuhugas ng kamay.
  • Tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga bakuna laban sa trangkaso at pneumonia. Umiwas din sa mga taong may sakit.
  • Maging maagap sa pag-iwas sa mga sugat at iba pang injuries, lalo na sa diabetic foot ulcers. Kung sakaling magkaroon ka ng anumang uri ng sugat, alagaan ito. At mas mabuti sa ilalim ng gabay ng iyong doktor, upang hindi ito ma-infect.
  • Huwag kalimutang mag-hydrate. Gumawa ng mga paalala na uminom ng tubig.
  • Panatilihin ang masusing pagbabantay sa iyong blood sugar levels. Ito ay sa pamamagitan ng tamang diyeta, ehersisyo, at, siyempre, mga gamot. Halimbawa, kapag nakaligtaan ang mealtime insulin dose, maaari itong humantong sa diabetic ketoacidosis.

Key Takeaways

Ang pinakakaraniwang sanhi ng lagnat komplikasyon ng diabetes ay impeksyon. Sinasabi ng mga ulat na ang mga impeksyon sa UTI, tainga, lalamunan, at ilong, gayundin ang mga impeksyon sa balat (tulad ng diabetic foot) ay ang mga pinakakaraniwang impeksyon na maaaring makaapekto sa iyo. Bukod diyan, ang diabetes fever ay maaaring mangyari dahil sa dehydration at diabetic ketoacidosis. Kung mayroon kang lagnat, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong doktor sa lalong madaling panahon.

Matuto pa tungkol sa Diabetes Complications dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1) Diabetes, infections, and you, https://apic.org/monthly_alerts/diabetes-infections-and-you/, Accessed August 3, 2022

2) Fever with abdominal pain and diabetes – Is it Emphysematous Pyelonephritis?, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4163564/, Accessed August 3, 2022

3) BEYOND THIRST: SIGNS YOU’RE DEHYDRATED, https://www.southwesthealth.org/my-healthy-life/some-unusual-signs-youre-dehydrated/, Accessed August 3, 2022

4) Diabetes symptoms: When diabetes symptoms are a concern, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/in-depth/diabetes-symptoms/art-20044248, Accessed August 3, 2022

5) Diabetic Ketoacidosis (DKA), https://www.msdmanuals.com/professional/endocrine-and-metabolic-disorders/diabetes-mellitus-and-disorders-of-carbohydrate-metabolism/diabetic-ketoacidosis-dka, Accessed August 3, 2022

6) The Study of Different Clinical Pattern of Diabetic Ketoacidosis and Common Precipitating Events and Independent Mortality Factors, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5449836/, Accessed August 3, 2022

Kasalukuyang Version

06/11/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mangyayari Kapag Hindi Makontrol Ang Iyong Blood Sugar?

Paggamot sa Diabetic Neuropathy: Paano Mo Gagamutin ang Pananakit ng Nerve?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement