backup og meta

Alak at Diabetes: Ano ang Epekto ng Alak sa Taong May Diabetes?

Alak at Diabetes: Ano ang Epekto ng Alak sa Taong May Diabetes?

alak at diabetes

Ano ang koneksyon ng alak at diabetes? Kung mayroon kang diabetes, ang pag-inom ng maraming alak ay maaaring makaapekto sa iyong blood sugar, at lalo itong napalala. Kaya’t ano ang epekto ng alak sa diabetes?

Kailangang pansinin nang maigi ng mga taong diabetic ang konsumo ng alak, dahil ito ang sanhi ng seryosong komplikasyon para sa sakit. Masamang nakaapekto ang alak sa atay, kaya’t binabago nito ang lebel ng blood sugar sa katawan. Nag-iinteract din ang alak sa tiyak na gamot sa diabetes.

Upang mas maunawaan nang maayos ang alak at diabetes, magpatuloy sa pagbabasa.

Epekto ng alak sa diabetes

Ang alak ay maaaring mag-interact sa gamot sa diabetes

Ang labis na pag-inom ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng blood sugar o bumaba ng hindi normal. Kung mayroon kang diabetes, karaniwang inirereseta ng doktor ang tiyak na mga gamot upang mapababa ang blood sugar. Habang kinokonsumo ang mga gamot na ito, ang sobrang pag-inom ng alak ay maaaring humantong sa malalang hypoglycemia o “insulin shock,” na medical emergencies.

Alak at Diabetes: Mahalagang Paalala

Matapos uminom ng alak ng ilang minuto o oras, ang iyong blood sugar ay bababa. Kaya’t kailangan mong magpatingin ng blood sugar matapos ito. Kung ang glycemic index ay bumaba sa 100 mg/dL, simulan ng ilang mga pagkain upang itama ito.

Ang alak ay nakasasagal sa function ng atay

Ang pinaka-function ng atay ay mag-imbak at mag-regulate ng lebel ng sugar sa katawan. Kung uminom ka ng alak, ang iyong atay ay nagtatrabaho upang tanggalin ang toxins sa alak mula sa dugo, na nagbabawas ng blood sugar regulation function. Kaya’t kung napansin mong bumaba ang iyong blood sugar, hindi ka dapat umiinom ng alak.

Tips para sa pag-inom ng alak

Huwag uminom ng alak kung gutom

Nakatutulong ang pagkain upang mabawasan ang rate kung saan ina-absorb ng daloy ng dugo ang alak. Kaya’t kung ikaw ay nagugutom, huwag uminom ng alak. Sa halip, kung nais mong uminom ng alak, inumin ito kasabay ng iyong main meal o magkaroon ng snacks habang umiinom.

Kailangan mong isaisip ang iyong blood sugar bago uminom ng alak

Nakaaapekto ang alak sa kakayahan ng atay upang mag-produce ng glucose sa dugo. Kaya’t siguraduhin na ang iyong blood sugar ay laging nasa lebel ng stable, kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alak o ibang mga inumin. Kung nais, unawain ang blood alcohol content.

Ugaliin ang pag-inom ng dahan-dahan

Ang pag-inom ng alak sa moderate na bilis ay nakababawas ng masamang epekto sa iyong katawan. Depende sa kada timbang ng tao at oras ng pag-absorb ng alak, ang rate ng pagkonsumo ng alak ay iba-iba sa bawat tao.

Ang pag-inom ng sobrang alak sa isang pagkakataon ay maaaring magparamdam sa iyo ng tamlay o antok. Ito ang sintomas ng mababang blood sugar. Kung ang sintomas ng hypoglycemia ay nagsimula, kailangan mong kumain kaagad ng matamis na naglalaman ng glucose upang pataasin muli ang lebel ng blood sugar.

Alamin kung ano ang limitasyon

Bawat isa sa atin ay mayroong limitasyon kung ang pag-uusapan ay alak. Kailangan mong talakayin sa iyong doktor ito upang matukoy ang iyong medikal na kondisyon at ang limitasyon ng dami ng alak na iinumin. Sa ibang mga kaso, ang mga babaeng may diabetes ay hindi dapat umiinom ng alak ng higit dalawa kada araw, habang ang mga lalaki ay hindi hihigit sa dalawang servings kada araw.

Kung pag-uusapan ang alak at diabetes, i-adjust ang iyong ugali sa pag-inom nang nasa tama at iwasan ang banta ng pagkakaroon ng diabetes.

Matuto pa tungkol sa Komplikasyon ng Diabetes dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Alcohol and Diabetes, https://www.diabetes.org/healthy-living/medication-treatments/alcohol-diabetes, Accessed May 22, 2022

Alcohol and Diabetes, https://www.diabetes.org.uk/guide-to-diabetes/enjoy-food/what-to-drink-with-diabetes/alcohol-and-diabetes, Accessed May 22, 2022

Consequences of Alcohol Use in Diabetics, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6761899/, Accessed May 22, 2022

Kasalukuyang Version

06/06/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Maaaring Sanhi ng Lagnat Kapag May Diabetes Ka?

Ano Ang Mangyayari Kapag Hindi Makontrol Ang Iyong Blood Sugar?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement