Kilala ang ampalaya para sa napakarami nitong benepisyo sa kalusugan. Pero bukod sa mismong bunga, ang mga buto ng ampalaya rin ay may taglay na benepisyo para sa kalusugan!
Anu-ano ang Benepisyong Dala ng Buto ng Ampalaya?
Momordica charantia ang scientific name ng ampalaya. Para sa karamihan naglalaman ng mga benepisyo sa kalusugan ang ampalaya dahil sa taglay nitong nutrisyon na mainam para sa ating katawan.
Ang ampalaya ay madalas na ihinahalo sa mga ulam, o kaya sa iba pang mga gulay. Bukod sa benepisyo nito sa kalusugan, nakakapagpababa rin ito ng blood sugar levels. Ngunit inaral rin ng mga researchers ang ibang bahagi ng ampalaya, at natagpuan nila na napakarami nitong benepisyo.
Heto ang ilan sa mga benepisyo ng ampalaya seeds:
1. Nakakapagpababa ng Blood Sugar
Tulad ng bunga, ang buto ng ampalaya ay napag-alaman na nakokontrol ang blood sugar levels. Gumawa ng pag-aaral ang mga researchers sa mga daga at napag-alaman na naibababa nito ang blood glucose levels. Bukod dito, ligtas rin ang pagkain ng ampalaya seeds. Kaya’t walang dapat ipag-alala ang mga umiinom ng gamot para sa kanilang diabetes.
2. Marami Itong Antioxidants
Isa pang nalaman ng mga researchers tungkol sa ampalaya seeds ay mataas ito sa mga antioxidants. Ang antioxidants ay mga bagay na nakakatulong upang labanan ang free radicals, na maaaring magdulot ng kanser.
Ang mga free radicals ay nakakasira sa cells ng ating katawan. Nakukuha ito mula sa maduming hangin, processed food, alcohol, at tobacco, atbp.
Karamihan ng mga gulay at sariwang prutas ay maraming antioxidants. Kabilang ito sa mga dahilan kung bakit mahalagang isama ito sa ating diet. Ngunit ang mga antioxidants sa buto ng ampalaya ay mas mabisa.
3. Maaari Itong Makatulong sa Cancer Treatment
Pinag-aralan rin ng mga researcher ang epekto ng buto ng ampalaya pagdating sa kanser. Nang subukan nila ito sa mga daga na mayroong liver cancer, isang protein na kung tawagin ay MAP30 ay naging sanhi upang dahan-dahang mamatay ang mga cancer cells.
Bagama’t hindi pa ito nasusubukan sa mga tao, malaki ang potensyal nito pagdating sa cancer treatment.
Ligtas bang Kumain ng Buto ng Ampalaya?
Walang dapat ipag-alala pagdating sa pagkain ng ampalaya seeds. Ngunit mas mainam kung kakainin ang ampalaya bago ito mahinog, dahil maaaring maging toxic ang hinog na ampalaya.
Ang isang madaling paraan para malaman ito ay ang pagtingin sa kulay. Ang hinog na ampalaya ay dilaw at hindi berde. Bukod dito, may nakabalot na pulang membrane sa buto kapag hinog na ang ampalaya. Hindi ipinapayong kainin ang ampalaya kapag mayroong ganitong membrane ang buto.
Paano Ginagamit ang Buto ng Ampalaya sa Diabetes?
Madalas ay itinatapon ang ampalaya seeds kapag nagluluto. Ngunit kung itapon ito, nasasayang ang mga healthy compounds na nakapaloob dito.
Heto ang ilang paraan para ihanda ito:
- Pakuluan sa tubig ang mga buto at inumin na parang tsaa.
- Patuyuin at durugin ang mga buto, at ihalo sa pagkain.
- Maaari ring patuyuin muna ang mga buto bago gawing tsaa.
- Puwede ring ihalo ang mga buto sa gulay na iyong iniluluto.
Kung nais mong makuha ang mga benepisyo ng buto ng ampalaya, siguraduhing huwag itong itapon upang magamit ang mga buto.
Alamin ang tungkol sa Diabetes dito.
[embed-health-tool-bmi]