Hindi alam ng marami ang mga sanhi ng thyroid cancer, dahil isa itong uri ng kanser na hindi masyadong kilala ng tao kung ikukumpara sa breast cancer — o kanser sa balat. Dagdag pa rito, walang gaanong publisidad o public awareness tungkol sa thyroid cancer. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na hindi isang seryosong panganib sa kalusugan ang sakit na ito.
Basahin at matuto pa tungkol sa mga sanhi ng thyroid cancer.
Ang Pagiging Babae
Bagama’t parehong mayroong thyroid ang mga lalaki at babae, sa hindi malamang dahilan mas nakakaapekto sa maraming kababaihan ang thyroid cancer — kumpara sa mga lalaki. Sa katunayan, 3 beses na mas nagaganap sa mga kababaihan ang mga karamdaman ng thyroid — kaysa sa mga lalaki.
Pwedeng may kinalaman ito sa pagkakaiba-iba nghormones sa mga babae kumpara sa mga lalaki. Sa kasalukuyan, ang thyroid cancer ay nasa ika-7 pinakakaraniwang kanser sa mga kababaihan — at ika-9 sa pangkalahatan.
Lifestyle
Mayroong malaking epekto sa ating pangkalahatang kalusugan ang ating lifestyle. Nagpapataas ng chances ang pagkonsumo ng naprosesong pagkain at sobrang calories araw-araw sa pagkakataong maging sobra sa timbang.
Bukod pa rito, maaaring magdulot sa’tin ng mga sakit tulad ng diabetes, hypertension, at kanser ang hindi malusog na diyeta. Ang labis na katabaan at mataas na porsyento ng taba ng katawan ay isang kontribyutor sa pag-unlad ng thyroid cancer.
Dagdag pa rito, sinasabi na mapanganib sa ating kalusugan ang tobacco smoking. Nakakapinsala ito sa baga sa parehong first-hand at second-hand smoke.
Isang malaking kontribyutor sa maraming iba’t ibang sakit ang paninigarilyo. Maaari rin itong maging isa sa mga sanhi ng thyroid cancer. Gayunpaman, ipinakita ng isang pag-aaral na may modestly-reduced risk para sa mga postmenopausal women na naninigarilyo sa loob ng mahabang panahon. Bagama’t isa itong kawili-wiling findings, mas malaki ang negatibong epektong na-establish sa paninigarilyo kumpara sa potensyal na benepisyo nito.
Mas matandang edad o older age
Tulad ng ibang mga sakit, maaaring maging factor o dahilan ang edad. Nangyayari sa anumang edad ang thyroid cancer. Ngunit ang mga nasa middle-aged na kababaihan (40 hanggang 50 taon) — at matatandang lalaki (60 hanggang 70 taon) ay may posibilidad na maapektuhan. Dahil karaniwang perimenopausal o menopausal ang mga kababaihan nasa ganitong edad. Pwede silang makaranas ng ilang mga problema sa thyroid. Gayunpaman, hindi lahat ng problema sa thyroid ay dahil sa kanser. Kung nakakaranas ka ng anumang sintomas ng thyroid disorder, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng isang series of tests para matingnan ka.
Exposure sa radiation
Bukod sa pagiging babae, isa sa mga pangunahing sanhi ng thyroid cancer ang radiation exposure. Sinasabi na dahil sa lokasyon ng thyroid kung bakit lubhang “susceptible” ito sa radiation. Sapagkat, nakapwesto sa harap ng leeg ang thyroid gland, na covered lamang ng medyo manipis na mga layer ng balat, kalamnan, at taba.
Sa pangkalahatan, mas malaki ang panganib ng tao sa maaga at matagal na-exposure sa radiation ng thyroid. Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat gawin ang madalas na x-ray at radiation therapy sa mga buntis na kababaihan. Hindi lamang nakakaapekto ang radiation sa ina, subalit pwede rin itong makaapekto sa hindi pa isinisilang na baby.
Sa kaso ng environmental exposure (hal. nuclear fallout). Inirerekomenda ng mga doktor na ang mga taong nakatira sa loob ng 200 milya (320 kilometro) ng nuclear accident ay dapat uminom ng potassium iodide. Gumagana ang potassium iodide sa pamamagitan ng pagpigil sa pagsipsip o absorption ng radioactive iodine sa thyroid. Kung saan, binabawasan nito ang panganib sa pag-unlad ng kanser.
Genetics at family history
Tandaan na mayroong mga genetic na sanhi ng kanser sa thyroid. Kilala bilang “medullary thyroid carcinoma” (MTC) ang Isang uri ng thyroid cancer. Batay sa data, humigit-kumulang 2 sa bawat 5 kaso ng MTC ay sanhi ng abnormal gene.
Maaaring mamana o maipasa sa mga henerasyon ang abnormal MTC gene. Kung na-diagnose na may MTC, ang isa sa’yong mga magulang, lolo’t lola, o kapatid. Mayroong kang posibilidad na madala mo rin ang gene na ito. Gayunpaman, hindi nito ginagarantiyahan na magkakaroon ka ng kanser.
Hindi gaanong karaniwan ang ganitong uri ng kanser sa thyroid. Gayunpaman, maaari itong umunlad sa childhood o early adulthood — at hindi sa bandang huli ng buhay. Mayroong posibilidad na maging mas agresibo at may mas mababang antas ng kaligtasan ang MTC. Kumpara sa iba pang mga thyroid cancer, tulad ng papillary thyroid carcinoma.