Madaling kapitan ng sakit ang mahalagang organs ng katawan tulad ng tiyan. Kaya mahalagang malaman agad ang sintomas ng cancer sa tiyan. Dahil kahit sino pwedeng magkaroon ng mild na pananakit sa tiyan paminsan-minsan — at malagay sa panganib ng pagkakaroon ng malubhang kondisyon, gaya ng kanser sa tiyan.
Magandang maunawaan ang mga sintomas ng kanser sa tiyan na dapat bantayan. Subalit, mainam muna malaman kung paano gumagana ang ating digestive system.
Mayroong mahalagang papel ang tiyan sa paggana ng digestive system. Isang hollow, mascular, at J-shaped organ ang tiyan na konektado sa esophagus sa isang dulo — at ang small intestine sa kabilang dulo.
Bukod sa pag-break down ng pagkain, narito pa ang ilang sa mga kakayahan ng tiyan:
- Siguraduhin na ang pagkain na pumapasok sa small intestine ay sapat para ma-absorb.
- Pag-break down ng pagkain upang mapadali ang pagtunaw. Naglalaman din ito ng acid (hydrochloric acid) na sinisigurado na ang pagkain na iyong kinakain ay libre. Partikular, sa anumang nakakapinsalang bakterya kapag nagsimula ang digestion.
Maaaring Mahirap ang Pag-diagnose ng Mga Sintomas ng Cancer sa Tiyan
Noong 2018, ipinakita ng data na mahigit 1 milyong kaso ng gastric cancer ang naitala sa buong mundo. Hindi tulad ng iba pang uri ng kanser na may mga nakikitang sintomas, ang kanser sa tiyan ay mas mahirap i-diagnose. Ito’y dahil sa kakulangan ng mga tiyak na sintomas para dito.
Sa kabila ng paglaganap ng iba’t ibang uri ng kanser, kabilang ang stomach cancer. Nananatili pa rin na hindi alam ang eksaktong dahilan ng sakit na ito.
Nalaman ng mga scientists na nagsisimula ang kanser sa isang mutation sa cells ng isang partikular na organ. Nahahati at lumalaki ang bilang at umaatake sa mga malulusog na cells ang mutated cells. Ang abnormal cancer cells ay bumubuo rin ng mass at kadalasang tinatawag na malignant tumor.
Kilala rin bilang gastric cancer ang kanser sa tiyan. Maaaring mangyari ito sa pangunahing katawan ng tiyan (adenocarcinoma) — o sa gastroesophageal junction (gastroesophageal junction cancer).
Ang mga taong dumaranas ng labis na katabaan, may acid reflux, at mga naninigarilyo ay nasa panganib na magkaroon ng ganitong uri ng kanser.
Kaya naman ang kamalayan sa mga palatandaan at sintomas ng kanser sa tiyan ay pwedeng magsabi sa iyo. Kung oras na para magtakda ng appointment sa’yong doktor. Lalo na kung nasa panganib ka na magkaroon ng sakit na ito.
Tandaan na ang pagkakaroon ng mga sintomas na nauugnay sa kanser sa tiyan ay hindi laging nangangahulugan na mayroon ka nito. Gayunpaman, pinakamahusay na magpatingin sa doktor kung nararanasan mo ang mga sintomas na ito sa loob ng mahabang panahon.
Mga Sintomas ng Cancer sa Tiyan na Dapat Abangan
Ang mga taong may early stage stomach cancer ay maaaring walang maramdamang kakaiba. Gayunpaman, kung bahagi ka ng mga taong nasa panganib ng sakit na ito. Pinakamahusay na kumunsulta kaagad sa’yong physician.
Narito ang ilang mga posibleng sintomas ng maagang kanser sa tiyan na dapat bantayan:
1. Pagpapayat ng Hindi Inaasahan
Kung hindi mo aktibong sinusubukang magbawas ng timbang at napansin mo ang iyong sarili na payat sa kabila ng sapat na pagkain. Pwedeng maging isang senyales ito ng isang pinagbabatayan na problema.
Maaaring ang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang ang isa sa pinakaunang palatandaan ng kanser sa tiyan.
Kadalasan ang sintomas na ito ay sinasamahan ng biglang pagkawala ng interes sa pagkain.
Pwedeng maging pangunahing salarin sa biglaang pagbaba ng timbang ang pagkawala ng gana. Ngunit sa ilang mga kaso, ang mga taong may stomach cancer ay hindi epektibong sumisipsip ng mga sustansya mula sa pagkain.
2. Dugo sa Dumi o sa Suka
Kung ikaw ay nagkakaroon ng madugong dumi, kadalasang sanhi ito ng rectal bleeding ng ulcer o polyp na dulot ng kanser. Sa ilang mga pagkakataon, ang matinding pagdurugo mula sa tiyan ay pwede ding maging sanhi ng dugo sa dumi.
Ang pagkakaroon ng dugo sa suka o hematemesis ay pwedeng isang indikasyon ng pagdurugo sa tiyan, esophagus, o small intestine.
3. Pagkapagod
Ang pakiramdam ng pagod ay hindi lamang pakiramdam ng pagkapagod pagkatapos ng isang araw na puno ng aktibidad.
Ang cancer-related fatigue ay pwedeng tukuyin bilang sobrang pagkapagod at pagkakaroon ng walang sapat na lakas. Para gawin ang iyong pang-araw-araw na gawain, gaya ng pagkain, pagligo, o pagbangon lamang sa kama.
Mayroong maraming mga dahilan kung bakit ang pagkapagod ay pwedeng maging isang paunang sintomas ng cancer sa tiyan. Maaaring may kaugnayan ito sa mahinang appetite — o anemia dahil sa pagkawala ng dugo dahil sa pagsusuka. Sa alinmang paraan, tiyak na isa itong sanhi ng pag-aalala kung nakakaramdam ka ng matinding pagod na walang direktang dahilan.
4. Pagbabago sa Pagdumi o Bowel Movement
Kapag bigla kang dumaranas ng pangmatagalang pagtatae o paninigas ng dumi. Maaaring senyales ito ng cancer sa tiyan at kailangan mo ng kumunsulta kaagad sa iyong doktor.
Ang anumang biglaang pagbabago sa pagdumi ay pwedeng maging indikasyon ng mga isyu na kinasasangkutan ng tiyan o digestive system.
Iba pang Sintomas ng Cancer sa Tiyan na Dapat Abangan
Narito ang iba pang mga maagang sintomas ng kanser sa tiyan:
- Pakiramdam ng sobrang busog kahit maliit na bahagi lang ang kinakain
- Sakit sa tiyan, lalo na sa lugar sa itaas ng pusod
- Nasusuka
Dapat tandaan na ang mga sintomas na ito ay nauugnay din sa iba pang mga sakit, hindi lamang sa kanser sa tiyan.
Narito naman ang mga sintomas ng advanced stages ng kanser sa tiyan:
- Pagkakaroon ng matinding pagsusuka
- Pagbabawas ng maraming timbang sa maikling panahon
- Pagdidilaw ng balat
- Sobrang pagiging bloated dahil sa naipon na likido sa tiyan
Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito. Pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor sa lalong madaling panahon.
Maaaring magpahiwatig ang advanced stages ng kanser sa tiyan ng pagkalat nito sa iba pang vital organs.
Ano ang Aasahan Sa Doctor’s Appointment
Kung pipiliin mong magpatingin sa doktor dahil sa mga sintomas na nabanggit sa itaas. Maaari mong asahan na gagawin ng iyong doktor ang mga sumusunod na pamamaraan para makita kung mayroon kang kanser sa tiyan:
- Upper Endoscopy: Kilala rin bilang esophagogastroduodenoscopy ang upper endoscopy. Ginagamit ito ng mga doktor para matingnan ang kalusugan ng tiyan. Sa panahon ng procedure, maglalagay sila ng manipis na tubo na may camera sa bibig, pababa sa esophagus at sa tiyan. Gumagamit ang mga doktor ng endoscopy para masuri ang mga isyu sa gastrointestinal tract, pati na rin ang kanser sa tiyan.
- X-Ray: Kasangkot sa espesyal type ng x-ray procedure na tinatawag na “barium swallow” paglunok ng isang tao ng substance na naglalaman ng barium. At pagkatapos, isinasagawa ang x-rays. Sa paglunok ng barium, ginagawa nitong mas malinaw at mas madaling basahin ang mga x-ray images.
- Biopsy: Ang iyong doktor ay pwede ring magsagawa ng biopsy, na kinabibilangan ng pagkuha ng isang piraso ng tissue mula sa’yong tiyan at susuriin ito gamit ng mikroskopyo.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa kanser sa tiyan dito.