backup og meta

Paano Ginagamot ang Stomach Cancer? Paano Nalalaman ang Sakit na Ito?

Paano Ginagamot ang Stomach Cancer? Paano Nalalaman ang Sakit na Ito?

Paano nadi-diagnose at nalulunasan ang stomach cancer? Kadalasan, ang diagnosis at lunas ay nakadepende sa maraming salik. Kabilang dito ang sintomas na mararamdaman at ang pagiging malala ng sakit. Narito ang dapat mong malaman tungkol sa screening tests at kung paano ginagamot ang stomach cancer.

Diagnostic Test para sa Stomach Cancer

Karaniwang nalalaman ng mga pasyente ang tungkol sa stomach cancer kung sila ay nagtungo sa doktor matapos makaranas ng pagbawas ng timbang, patuloy na pagsusuka, hindi matunawan, at anemia.

Kung nasa klinika na at ospital, magsasagawa ang doktor ng masinsinang medical interbyu at physical exam. Makapagbibigay ang interbyu ng mas maayos na kabatiran sa mga senyales at sintomas maging ang mga banta. Ang physical exam sa kabilang banda, ay nagbubunyag ng pagbabago sa pisikal na maaaring kaugnay ng stomach cancer.

Kung nakakita ang doktor ng sapat na ebidensya upang maghinala ng cancer, maaaring sabihan ka na sumailalim sa mga sumusunod na diagnostic tests:

Endoscopy at biopsy

Hindi natin mapag-uusapan kung paano ginagamot at dina-diagnose ang stomach cancer nang hindi tinatalakay ang endoscopy. Ang endoscopy, na tinatawag ding gastroscopy, upper endoscopy o esophagoscopy, ay hinahayaan ang doktor na makita ang lining ng iyong tiyan.

Makinig mabuti kung nagsabi na ang doktor tungkol sa paghahanda na karaniwang kabilang ang fasting sa loob ng 6 hanggang 8 oras bago ang endoscopy.

Habang nasa procedure:

  • Mags-spray ang doktor ng anesthesia sa iyong lalamunan upang maiwasan ang discomfort.
  • Maglalagay sila ng manipis na flexible na tubo sa loob ng iyong bibig pababa sa iyong esophagus, at sa dulo ng iyong tiyan.
  • Nakadikit sa dulo ng tube ay ang pinagmumulan ng ilaw at maliit na camera na hinahayaan ang doktor na makita kung may abnormalities sa lining ng iyong tiyan.
  • Kung nakakita ang doktor ng kahina-hinalang bahagi, kukuha siya ng maliit na sample tissue at ipadadala ito sa laboratory upang lalong masuri (biopsy).

Ang tipikal na endoscopy ay tumatagal ng 15 minuto. Dahil ikaw ay nasa ilalim ng anesthesia, humingi ng tulong sa kapamilya upang samahan ka. Sa huli, tandaan na ang endoscopy ay maaaring humantong sa ilang side effects tulad ng sakit sa lalamunan at bloating.

Endoscopic ultrasound

Kung naghinala ang iyong doktor ng cancer sa itaas na bahagi ng iyong tiyan, mag-uutos siya na magsagawa ng endoscopic ultrasound.

Ang pamamaraan na ito ay maaaring gawin nang sabay sa endoscopy. Sa endoscopic ultrasound, naglalagay ang doktor ng ultrasound probe sa dulo ng endoscope. Ang probe na ito ay nagre-release ng sound waves na nagbo-bounce kung magkakaroon ng contact sa solid, tulad ng organ o tumor.

Ginagamit ng mga doktor ang mga larawan upang matukoy kung ang cancer ay kumalat sa atay, adrenal glands, lymph nodes, at ibang mga bahagi ng katawan.

paano ginagamot ang stomach cancer

Ibang Imaging Tests

Maliban sa endoscopy, biopsy, at ultrasound, mag-uutos din ang doktor sa mga sumusunod na imaging tests:

  • CT scanAng CT o computerized tomography scan ay kumukuha ng mga larawan ng tiyan at pinagsasama ito upang magkaroon ng 3D na larawan na magpapakita ng abnormalities tulad ng tumors.
  • PET scan – PET o positron-emission tomography scan ay karaniwang kasama ng CT scan. Sa pamamaraan na ito, magtuturok ang doktor ng radioactive na gamot sa iyong ugat. Ang ideya ay kung mayroon kang tumor sa katawan, ang tumor cells ay mas makakukuha ng mas maraming sugar substance. Mas makikita ito ng mga doktor dahil ang PET scanner ay maayos na nakade-detect ng substance.
  • MRI scanHindi tulad ng CT at PET scans, ang MRI (magnetic resonance imaging) ay gumagamit ng magnetic fields upang magporma ng mga larawan sa tiyan. Maaaring gamitin ng mga doktor ang mga larawan upang magkaroon ng detalyadong kuha ng tumor.

Pakiusap na tandaan na sa karamihan ng kaso, hindi mo na kailangan ng lahat ng imaging test na ito. Ang pinaka mainam na paraan upang i-diagnose ang stomach cancer ay sa pamamagitan ng biopsy, kaya’t mas pipiliin ng doktor ang endoscopy na may biopsy.

Gayundin, ang kagustuhan ng physician sa screening tests ay nakadepende sa maraming salik tulad ng:

  • Mga senyales at sintomas
  • Ang iyong edad at pangkalahatang kalusugan
  • Ang uri ng cancer na inaakala
  • Resulta ng nakaraang medical screenings.

Pagpipiliang Lunas para sa Stomach Cancer

Ngayon na alam mo na kung paano ididiagnose ang stomach cancer, talakayin naman natin kung paano ito malulunasan. Ang iyong treatment plan ay nakadepende sa uri at laki ng stomach cancer, ang iyong kabuuang kalusugan, at kung ito ay kakalat o hindi.

Ang mga pagpipiliang lunas sa stomach cancer ay kabilang ang:

Operasyon

Karaniwang inirerekomenda ng doktor ang operasyon upang tanggalin ang bahagi o kabuuang tiyan kung nakita nang mas maaga ang cancer. Ito rin ay option kung ang cancer ay hindi pa kumalat sa ibang mga bahagi ng katawan o kung hindi pa masyado itong kumakalat.

Chemotherapy

Isa sa mga kilalang lunas sa stomach cancer ay ang chemotherapy na gumagamit ng gamot upang puksain ang cancer cells. Maaari kang sumailalim sa chemotherapy kung:

  • Bago at matapos ang operasyon upang mas lumiit ang laki ng tumor
  • Matapos ang operasyon upang maiwasan ang pagbalik ng cancer
  • Kasabay ng iba mo pang treatments

Radiotherapy

Tulad ng chemotherapy, ang radiotherapy ay pumapatay rin sa cancer cells ngunit sa halip na gamot, gumagamit ito ng radiation. Maaari kang sumailalim sa radiation therapy kasabay ng chemotherapy. Inirerekomenda rin ito ng mga doktor upang lunasan ang advanced-stage ng stomach cancer.

Targeted Therapy

Ang targeted therapy ay gumagamit din ng mga gamot upang “i-target” ang cancer cells. Sa pamamagitan ng pagdapo sa tiyak na mga protina at genes na kabilang sa paglaki ng tumor, naglalayon ang targeted therapy na umatake sa cancer cells nang hindi napipinsala ang normal cells.

Paano Naman ang Halamang Gamot?

Ang mga taong nais na mas maging kontrolado sa kanilang lunas sa pagpipilian kung paano ginagamot ang stomach cancer ay pumipili ng halamang gamot. Ang katotohanan na ang mga halamang gamot ay mura kaysa sa chemo, radiotherapy, o operasyon ay ang dahilan bakit mas ninanais ito ng maraming mga tao.

Gayunpaman, binalaan ng mga eksperto ang mga tao na gumagamit ng halamang gamot upang lunasan ang kanilang stomach cancer dahil sa mga sumusunod na rason:

  • Walang sapat na ebidensya upang patunayan ang halamang gamot na epektibo sa paglunas ng cancers.
  • Ilan sa mga herbs ay maaaring mag-produce ng side-effects at mag-interact sa ibang mga gamot. Halimbawa ng herbs na maaaring mag-interact sa ibang mga lunas sa cancer ay Ginko, St. John’s wort, at grapefruit.
  • Ang Food and Drug Administration ay maaaring hindi aprubado sa ilang mga halamang gamot.

Mahalagang Tandaan

Paano ginagamot ang stomach cancer at dina-diagnose? Ang pinaka karaniwang paraan upang i-diagnose ang stomach cancer ay sa pamamagitan ng endoscopy, biopsy, at ultrasound. Sasabihan ka rin ng doktor na sumailalim sa imaging test upang magkaroon ng detalyadong itsura ng kahit na anong tumor. Sa lunas, ang mga pagpipilian ay kabilang ang operasyon, chemotherapy, radiation therapy, at targeted therapy.

Matuto pa tungkol sa Stomach Cancer dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stomach Cancer: Diagnosis
https://www.cancer.net/cancer-types/stomach-cancer/diagnosis
Accessed November 9, 2020

Stomach cancer
https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/cancer/cancer-types-in-adults/stomach-cancer#diagnosing-stomach-cancer
Accessed November 9, 2020

Tests for stomach cancer
https://www.cancercouncil.com.au/stomach-cancer/diagnosis/tests/
Accessed November 9, 2020

Herbal medicine
https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/cancer-in-general/treatment/complementary-alternative-therapies/individual-therapies/herbal-medicine
Accessed November 9, 2020

Treatment
https://www.nhs.uk/conditions/stomach-cancer/treatment/
Accessed November 9, 2020

Kasalukuyang Version

02/05/2025

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Gaano Kataas ang Survival Rate ng Stomach Cancer na Stage 3?

Maaari Bang Maging Dahilan Ng Kanser Ang Samgyupsal? Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement