backup og meta

Ano Ang Dapat Asahan Sa Stage 4 Pancreatic Cancer?

Ano Ang Dapat Asahan Sa Stage 4 Pancreatic Cancer?

Ang plano ng panggamot para sa pancreatic cancer ay nakasalalay sa yugto nito at sa payo ng iyong doktor. Maraming paraan ang maaaring gawin mula sa operasyon, chemotherapy, at palliative na pangangalaga. Matuto nang higit pa tungkol sa mga uri ng panggamot at kung may metastasis ng pancreatic cancer. At anong mayroon sa stage 4 ng pancreatic cancer?

Ano ang Mangyayari sa Stage 4 Pancreatic Cancer?

Karaniwan, ang mga palatandaan at sintomas ng pancreatic cancer ay makikita sa mga huling stage, kapag ito ay kumalat na sa ibang mga organ at bahagi ng katawan. Maaari kang makaranas ng pananakit ng likod, pagkapagod, paninilaw ng balat, depresyon, pagbaba ng timbang, at pananakit sa tiyan, bukod sa iba pang mga sintomas.

Sa stage na ito, ang tumor ay nag-metastasize at nakaaapekto sa iba pang mga organ tulad ng atay.

Pancreatic Cancer Metastasis: Pangangalaga at Panggamot

Chemotherapy

Ang pinakakaraniwang paraan ng panggamot ay chemotherapy para sa late-stage na pancreatic cancer. Ito ay kapag mayroong pancreatic cancer ptastasis. Kasama sa mga karaniwang side effect ang pagkawala ng buhok, pagkapagod, at mas mataas na panganib ng impeksyon.

Mga diskarte sa pamamahala ng sakit

Maaaring magdulot ng pananakit at kakulangan sa ginhawa sanhi ng kakayahan ng isang tumor na itulak ang mga kalapit na nerves at organs habang ito ay lumalaki. Puwedeng piliin ng iyong doktor na putulin ang mga ugat na nagdudulot ng pananakit o magturok ng pampawala ng sakit. Bagama’t hindi ginagamot ng therapy na ito ang cancer, maaari itong maging mas komportable sa iyong pakiramdam.

Surgical palliation

May tatlong iba’t ibang uri ng operasyon na maaaring isagawa para sa stage 4 na pancreatic cancer, o kapag mayroong pancreatic cancer metastasis. Dahil napakalayo na ng pag-unlad ng kanser, hindi ito maaalis. Gayunpaman, maaari nitong pagaanin ang anumang mga sagabal na dulot ng tumor.

Surgical bile duct bypass

Kung ang tumor ay nakaharang sa karaniwang bile duct, isang opsyon ang bypass surgery. Ang bile ay maaaring maipon sa katawan. Magdudulot ito ng paninilaw ng balat. Kung saan ay nailalarawan na pagdidilaw ng balat at mga mata, kapag ang isang tumor ay huminto sa maliit na bituka.

Ang bypass surgery, na kilala rin bilang choledochojejunostomy, ay nag-uugnay sa bile duct o gallbladder nang diretso sa maliit na bituka upang lampasan ang bara.

Stent

Maaaring panatilihing bukas ag small intestine kung ang kanser ay humahadlang dito sa pamamagitan ng paggamit ng isang stent. Isang manipis na metal na tubo na ipinapasok sa loob ng nakaharang na bile duct upang buksan ito at hayaang maubos ang bile. Maaaring umagos ang apdo sa labas ng katawan o sa small intestine.

Pagkalipas ng ilang buwan, maaari kang mangailangan ng isa pang pamamaraan upang magpasok ng bagong stent dahil ang tumor ay maaaring umunlad at humarang sa orihinal.

Gastrict bypass

Upang makalibot sa isang tumor na pumipigil sa pagkain na dumaan sa iyong tiyan at sa iyong mga bituka (isang kondisyon na kilala bilang gastric outlet obstruction), maaari kang magpaopera na tinatawag na gastric bypass.

Mahalagang Tandaan


Ano ang nangyayari sa pancreatic cancer metastasis? Mula sa American Cancer Society, sa Estados Unidos, humigit-kumulang 46,000 indibidwal ang namatay mula sa pancreatic cancer noong 2019. Bagama’t ang median survival time para sa stage 4 na pancreatic cancer ay dalawa hanggang anim na buwan, tandaan na ang prognosis ng bawat pasyente ay mag-iiba depende sa iba’t ibang mga pangyayari. Ang iyong medikal na pangkat ay maaaring magbigay sa iyo ng mas tumpak na impormasyon batay sa iyong kasalukuyang estado ng kalusugan.
Bagama’t ang mga matatandang pasyente na may stage 4 na pancreatic cancer ay may mas maikling pag-asang mabuhay. Ang mga matatandang pasyente naman ay may posibilidad na matagumpay na tumugon sa panggamot.
Ang late-stage na cancer therapy ay maaaring maging mahirap at mabigat. Magtanong sa doktor para sa tulong at suporta kung nagsisimula kang makaramdam ng labis na pagkabalisa.

Matuto pa tungkol sa Pancreatic Cancer dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

01/16/2025

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Maaari Bang Maging Dahilan Ng Kanser Ang Samgyupsal? Alamin Dito!

Alamin Dito Kung Ano Ang Puwedeng Gamot Para Sa Prostate Cancer


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement