backup og meta

Gamot Sa Skin Cancer, Anu-ano Ba Ang Maaaring Pagpilian?

Gamot Sa Skin Cancer, Anu-ano Ba Ang Maaaring Pagpilian?

Ang cancer ay patuloy na isa sa mga nangungunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ito ay sa kabila ng mga pag-unlad sa teknolohiya at paggamot. Ang skin cancer ay isa sa mga nangungunang cancer sa Australia, New Zealand, at maraming bansa sa Europa. Ayon sa mga pag-aaral at istatistika, ang skin cancer ay mas malamang sa mga Caucasians o light-skinned. Sila ang mga indibidwal na may blonde o pulang buhok at sa mga nakatira sa mga lugar na mas malayo sa ekwador. Bagama’t hindi gaanong problema ng mga Filipino ang skin cancer, mayroon pa ring libu-libong Filipino ang nasuri na may ilang uri ng skin cancer. Sa kabutihang palad, ang gamot sa skin cancer ay available at may mataas na success rate kapag natukoy nang maaga.

Detection at Staging ng Skin Cancer

Bago gamutin ang skin cancer, dapat muna itong ma-diagnose ng isang doctor. Ang skin cancer ang isa sa mga uri ng cancer na pinaka-nagagamot. Ito ay lalo na kung nalaman ng maaga. Hindi tulad ng cancer ng ibang organs, ang senyales ng skin cancer ay mas madaling makita ng ating mga mata. Bantayan ang mga kahina-hinalang nunal (nevi) at mga paglaki ng balat na nagbabago ang kulay, hugis, o laki sa paglipas ng panahon. Ang mga nunal at pekas ay karaniwan sa mga bahagi na exposed sa araw. Gayunpaman, ang marami at hindi regular na mga marka ay pwedeng early signs ng melanoma. Alamin ang mga senyales at gamot sa skin cancer.

Ang ABCDE ng melanoma

  • Asymmetry: di-regular na hugis (hindi bilog) na mga nunal.
  • Borders: hindi pantay o bingot na mga gilid ng nunal.
  • Color: ang mga normal na nunal ay dapat na may isang kulay. Ang mga melanoma ay maaaring mula sa brown o black hanggang red, blue, o kahit white.
  • Diameter: ang mga nunal na mas malaki kaysa sa diameter ng isang pencil eraser (6 mm) ay isang dahilan para sa alarma. Gayunpaman, kahit na ang mas maliliit na nunal ay maaari pa ring maging delikado. 
  • Evolution: ang mga nunal o pekas na nagbabago ang kulay, hugis, o laki sa paglipas ng mga buwan o taon ay ilan sa mga madaling mapansin na senyales ng melanoma. Ibig sabihin ang mga cell sa parteng ito ay aktibo at mabilis dumami, na isang katangian ng lahat ng mga cancer. 

Bukod sa melanoma, ang basal cell carcinoma (BCC) ay isa pang karaniwang uri ng skin cancer. Sa katunayan, ayon sa ilang data, ang BCC ang responsable para sa hanggang 80% sa lahat ng non-melanoma skin cancers. Karaniwang lumilitaw ang BCC na isang maitim na papule o bukol sa balat na may posibilidad na dumugo at mag-crust. Ito ay hindi gaanong nakamamatay kaysa sa mga melanoma, dahil bihira itong mag-metastasis o kumalat sa ibang bahagi ng katawan.

Para makakuha ng tamang diagnosis, ang doctor ay magre-request ng biopsy. Ang biopsy ay isang sample ng tissue na kinuha mula sa pinaghihinalaang lugar. Susuriin ang sample sa ilalim ng mikroskopyo at tutulungan ang iyong doktor na matukoy ang stage at treatment options.

Mga opsyon sa paggamot sa skin cancer

Paggamot sa skin cancer para sa melanoma

  • Wide excision
  • Lymph node dissection
  • Radiation therapy (para sa regional melanoma o mga pasyenteng hindi maaaring sumailalim sa operasyon)
  • Systemic chemotherapy (para sa metastatic disease)

Treatment ng skin cancer para sa basal cell carcinoma

  • Curettage at electrodessication (C&E)
  • Standard o wide excision
  • Mohs micrographic surgery
  • Radiation therapy
  • Systemic chemotherapy

Paggamot sa skin cancer para sa squamous cell carcinoma

  • Photodynamic (light) therapy
  • Cryotherapy
  • Topical therapy
  • Curettage and electrodessication (C&E)
  • Standard or wide excision
  • Mohs micrographic surgery
  • Radiation therapy
  • Systemic chemotherapy

Mga dapat asahan sa panahon at pagkatapos ng paggamot

Hindi tulad ng mga cancer na nakakaapekto sa internal organs, ang skin cancer ay maayos na tumutugon sa surgical removal. Pwedeng gamitin ang radiation therapy sa mga pasyenteng kumalat na ang cancer o o hindi candidate para sa operasyon. Para sa advanced cancer na nag-metastasize (kumalat) sa ibang mga organ, kailangan ang chemotherapy.

Sa panahon ng operasyon, bibigyan ka ng anesthesia. Magkakaroon ng pamamanhid sa lugar para hindi ka makakaramdam ng anumang sakit. Karamihan sa mga surgeon ay mas gustong magbigay ng local anesthesia sa halip na general anesthesia. Ito ay dahil mas kaunti ang mga panganib at side effect nito. Ang skin cancer surgery ay mas mabilis gawin kumpara sa ibang mga uri ng operasyon.  

Pagkatapos ng paggamot sa skin cancer

Maaari kang makaramdam ng kaunting kirot o pananakit. Magkakaroon ka ng ilang tahi para isara ang mga hiwa at hayaang gumaling ang balat ng maayos. Ilang araw matapos ang operasyon, malamang na mapapansin mo na may liquid o dugo na umaagos mula sa loob. Habang nabubuo ang scab, maaaring makati ang mga tahi. Linisin at disimpektahin ang lugar kung kinakailangan at iwasan ang pagkamot o paghawak dito. Ang radiotherapy ay maaaring magdulot ng ilang pagduduwal o gastrointestinal disturbances sa ilang mga pasyente kung ang kanilang tiyan ay irradiated.

Kung sakaling ang gamot sa skin cancer mo ay kailangan ng chemotherapy, tuturuan ka ng doctor mo at ng iyong pharmacist kung paano ang medication. Ang chemotherapy ay naiiba sa mga gamot na ginagamit sa iba pang mga sakit. Sa halip na mag-take ng mga dose ng ilang beses sa isang araw, ang chemotherapy ay ginagawa sa mga cycle na may pagitan ng ilang linggo. Kadalasang may unwanted side effects ang chemotherapy drugs gaya ng fatigue, pagkalagas ng buhok, increased risk ng impeksyon, at GI problems. Maaaring magbigay ang iyong doktor ng iba pang mga gamot para sa mga ito. 

Key Takeaways

Sa kabuuan, ang gamot sa skin cancer ay medyo diretso kumpara sa iba pang mga uri ng cancer. Ang maagang pagtuklas ay ang pinakamahalaga pagdating sa tagumpay ng paggamot. Mabuti na lang, karamihan sa mga uri ng skin cancer ay kailangan lang ng operasyon. Ito ay may mas kaunting epekto kaysa sa chemotherapy. Kumunsulta sa iyong doktor kung may napansin kang anumang mga kahina-hinalang nunal o marka sa iyong balat. Laging tandaan na maglagay ng sunscreen at limitahan ang exposure sa sikat ng araw para mabawasan ang risk ng skin cancer.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Knowing and Preventing Skin Cancer https://www.stlukes.com.ph/knowing-and-preventing-skin-cancer Skin Cancer Treatment (PDQ®) https://www.cancer.gov/types/skin/hp/skin-treatment-pdq Accessed March 30, 2021

SKIN CANCER: TYPES AND TREATMENT https://www.aad.org/public/diseases/skin-cancer/types Accessed March 30, 2021

Accessed March 30, 2021

Melanoma Warning Signs https://www.skincancer.org/skin-cancer-information/melanoma Accessed March 30, 2021

NCCN QUICK GUIDE Melanoma https://www.nccn.org/patients/guidelines/content/PDF/nccnquickguide-melanoma-patient.pdf Accessed March 30, 2021

NCCN Guidelines Basal Cell Skin Cancer https://www.nccn.org/professionals/physician_gls/pdf/nmsc.pdf Accessed March 30, 2021

NCCN QUICK GUIDE Squamous Cell Skin Cancer https://www.nccn.org/patients/guidelines/content/PDF/nccnquickguide-squamouscell-patient.pdf Accessed March 30, 2021

Kasalukuyang Version

04/11/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Kaugnay na Post

Anu-ano ang mga uri ng skin cancer


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement