backup og meta

Phytoestrogen at Cancer: Ano ang Koneksyon?

Phytoestrogen at Cancer: Ano ang Koneksyon?

Maaaring bago ang phytoestrogens para sa ilang tao, pero ginagamit ang mga ito upang makatulong na mapabuti ang kondisyon ng katawan. Ang mga ito ay matatagpuan sa ilang mga pagkain at kapag kinain, maaari silang magkaroon ng estrogen-like response. Bukod sa mga positibong epekto nito, ang mga phytoestrogen at cancer ay madalas na nauugnay sa isa’t isa. Alamin natin kung aling mga pagkain ang mayroon nito at kung alin ang may bahagi sa cancer.

Ano ang Phytoestrogens?

Ang mga phytoestrogen ay mga natural na mga compound na kumikilos tulad ng mga estrogen sa katawan. Ang mga “dietary estrogens” na ito ay nasa mga pagkain tulad ng:

  • Soybeans, soy products tulad ng tofu at iba pang legumes
  • Mga prutas (mansanas, ubas, aprikot, berry)
  • Mga gulay (kale, broccoli, sibuyas, kamatis, lettuce, celery, spinach)
  • Herbs at mga buto (clover, flaxseeds, whole grains)
  • Iba pang pagkain tulad ng tsokolate, green tea, red wine, multigrain bread

Mayroong dalawang pangunahing grupo ng phytoestrogens na isoflavones at lignans. Ang mga ito ay may katulad na mga istraktura at nagagawang mag-bind sa estrogen receptors na katulad ng ginagawa ng natural na estrogen ng katawan.

Phytoestrogen at Cancer

Mayroong debate pagdating sa mga phytoestrogen at ang panganib nito sa cancer. Sa isang banda, mayroong umiiral na katibayan na ang pagtaas ng estrogen level (at phytoestrogen) ay maaaring magpataas ng panganib ng ilang mga cancer. Habang sa kabilang banda, ang estrogen ay maaaring maging protective factor laban sa iba pang uri ng cancer. Iminumungkahi ng ibang data na walang makabuluhang epekto sa alinmang kaso. 

Ang mga estrogen-dependent na cancer ay breast cancer, ovarian cancer, at uterine cancer. Ito ay dahil ang mga phytoestrogen ay may katulad na istruktura at katangian gaya ng estrogen, maaari rin nilang dagdagan ang panganib ng mga cancer na ito.

Ang estrogen at posibleng mga phytoestrogen din ay lumilitaw na may protective effect laban sa cervical cancer. Gayunpaman, ang relasyon sa pagitan ng phytoestrogen at cancer ay maaaring hindi sigurado dahil maraming mga dahilan na maaaring makaapekto sa pagsisimula ng cancer.

Ano ang Mga Benepisyo at Mga Panganib ng mga Phytoestrogen?  

Nakita na natin kung saan matatagpuan ang phytoestrogens at ang koneksyon sa pagitan ng mga phytoestrogen at cancer. Ngunit paano ito nakakatulong o nakakapinsala sa katawan? Narito ang ilan sa mga benepisyo at panganib ng phytoestrogens.

Tumutulong na mabawasan ang mga panganib ng cardiovascular disease

Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang dagdag na pagkonsumo ng soy ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng risk para sa mga sakit sa puso. Makikita ito sa ilang mga Asyano na may cardiovascular diseases kumpara sa kanilang western counterparts.

Mas Mababang Risk ng Osteoporosis

Ang density ng buto ay isang isyu ng pagtanda at menopause. Tumutulong ang estrogen sa pagpapanatili ng lakas ng buto. Ang phytoestrogen ay maaaring isang paraan upang mapataas ang estrogen level sa katawan.

Tumutulong sa pamamahala ng mga sintomas ng menopause

Kapag tumatanda na ang mga babae, humihinto ang kanilang katawan sa pagbuo ng estrogen. Nakakaranas sila ng menopausal symptoms tulad ng mood swings at hot flashes. Ang pagkonsumo ng pagkain na may phytoestrogens ay nakakatulong na mabawasan ang mga sintomas na ito.   

Nakakagambala sa endocrine development

May mga pag-aaral din na nagpapakita na ang soy foods ay maaaring maging sanhi ng irregular menstrual cycles at kahit papaano ay nakakaapekto sa fertility.  

Gayundin, may ilang mga eksperimento sa mga daga na nagpapakita na ang soy-rich diet ay nagbabago sa sekswal na pag-uugali at abnormal na pag-unlad ng female reproductive organ.

Ang mga benepisyo at panganib na ito ay maaaring mangailangan ng karagdagang pananaliksik sa hinaharap upang lubos na maunawaan kung paano gumagana ang phytoestrogens sa katawan. Maaaring may mga pagbabago kung paano tayo kumakain ng pagkain at kung paano ito nakakaapekto sa katawan. Maging ito man ay positibo o negatibo, na maaaring nauugnay o hindi sa phytoestrogens.

Key Takeaways

Ang phytoestrogens ay nasa pagkain na karaniwan nating kinakain araw-araw. Tulad ng karamihan sa pagkain, kapag kinain ng katamtaman, makakatulong ito na labanan ang iba’t ibang mga kondisyon at mapabuti ang iyong paraan ng pamumuhay. 
Kung sa tingin mo ay maaaring makaapekto ito sa iyong katawan sa anumang paraan, pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor o medical practitioner upang tulungan ka.
Ang links sa pagitan ng mga phytoestrogen at cancer ay maaaring pareho nasa positibo at negatibong panig. Ngunit ang mga ito ay hindi conclusive dahil maraming mga kadahilanan na maaaring maging sanhi nito. Ang mga pag-aaral sa hinaharap ay maaaring magdala ng higit na kalinawan sa kung paano nakakaapekto ang phytoestrogens sa katawan.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The pros and cons of phytoestrogens, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3074428/, Accessed July 16, 2021

Phytoestrogens and prevention of breast cancer: The contentious debate, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4129534/, Accessed July 16, 2021

Role of phytoestrogens in cancer therapy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3800092/, Accessed July 16, 2021

Engagement of phytoestrogens in breast cancer suppression: Structural classification and mechanistic approach, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0223523420310096, Accessed July 16, 2021

Phytoestrogens and breast cancer, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S096007600200273X, Accessed July 16, 2021

Biomonitoring Summary, https://www.cdc.gov/biomonitoring/Phytoestrogens_BiomonitoringSummary.html, Accessed July 16, 2021

 

Kasalukuyang Version

02/17/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Paano Nakatutulong Ang Ehersisyo Sa Pagpapababa Ng Tyansa Ng Pagkakaroon Ng Cancer?

Ano Ang Kanser At Bakit Maraming Takot Sa Sakit Na Ito?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement