MInsan sa iyong buhay, maaaring tinangka mo nang gamutin ang sore throat gamit ang lozenges. Karaniwang problema sa kalusugan ang sore throat at ito ay maaaring mangyari kahit kanino anuman ang edad. Ngunit ang paulit-ulit na sore throat nga ba ay sintomas ng cancer?
Ang sore throat ay maaaring dulot ng impeksyon mula sa mga virus, bakterya, mga dumi, at allergens tulad ng pollen, amag, alikabok, init, mainit na singaw ng sasakyan, refluxes at tumor.
Kung ikaw ay may sore throat, maaaring ikaw ay nakakaranas ng hirap sa paghinga, paglunok, at maging sa pagsasalita. Bihira nating isipin ang bagay na ito bilang malala o seryoso. Ang sore throat ay maaaring dulot ng maraming bagay, ngunit ang paulit-ulit na sore throat nga ba ay sintomas ng presensya ng kanser? Bagaman isipin ang kanser, mainam kung mapoprotektahan ang kalusugan at malaman ang lahat ng mga panganib na kabilang..
Ang paulit-ulit na sore throat ba ay sintomas ng kanser?
Ang hindi gaanong matinding sore throat ay kadalasang ginagamot sa bahay sa pamamagitan ng pag-inom ng mainit-init na tsaa, pagmumog ng tubig na may asin, at pag-inom n mga gamot na nabibili kahit walang reseta tulad ng ibuprofen. Mas madalas kaysa sa hindi ang paggaling o pagkawala ng sore throat paglipas ng ilang araw. Gayunpaman, kung ito man ay tumagal ng higit sa ilang araw at sinabayan ng lagnat, ang pagpapatingin sa doktor ay ang pinaka mainam na gawin.
Maaaring kailanganin na lumala muna ang sore throat bago makita kung anong uri ng bakterya ang mayroon at kung anong antibiotic ang maaaring inumin.
Kung ikaw ay nakakaranas ng hindi gumagaling na sore throat, maaaring mayroong iba pang seryosong kondisyon na nagdudulot ng pagbalik nito. Narito ang ilan sa mga rason ng hindi gumagaling o paulit-ulit na sore throat:
Viral at Bakteryal na impeksyons
Marahil ang pinaka karaniwang sanhi ng sore throats ay viral at bakteryal na impekson. Ito ay maaaring magdulot ng malala at pangmatagalang pharyngitis. Ang sore throat ay kadalasang nagtatagal lamang ng ilang araw at kusang nawawala. Ang paggamot sa biglaang sore throats ay kadalasang mga gamot na nagpapakalma. Ilan sa mga gamot sa bahay ay nakatutulong upang guminhawa ang lalamunan kabilang ang pagmumumog ng mouthwash, antiseptic o tubig na may asin.
Kabaligtaran naman nito ang chronic sore throat na nagtatagal ng higit sa isang linggo at mas mahirap gamutin. Ayon sa Advanced Ear Nose and Throats Associates mula sa Atlanta, Georgia, ang pinaka karaniwang sanhi ng chronic pharyngitis ay ang paulit-ulit na impeksyon sa tonsils.
Ang swab test o pagsusuri sa dugo ay maaaring kailanganin upang matukoy ang sanhi ng impeksyon. Sa kabuuan, anuman ang impeksyon ay maaaring magamot ng antibiotics. Kaya’t kung nagkakaroon ka ng sore throat ng dalawa o tatlong beses kada taon, mainam na komunsulta sa ENT doktor. Maaaring kailanganin ang tonsillectomy o ang pag-aalis ng tonsils.
Panganib ng Paninigarilyo
Ang sigarilyo ay naglalaman ng mga nakalalasong kemikal na maaaring magdulot ng iritasyon sa mga tissue sa lalamunan. Madalas na nakakaranas ng paulit-ulit na sore throat ang mga regular at malalakas manigarilyo. Dahil ang paninigarilyo ay maaaring magpahina sa resistensya, ang mga naninigarilyo ay mas madaling kapitan ng mga sakit.
Ang tumatagal na sore throat ay maaaring nagpapahayag ng kanser sa baga o lalamunan. Ayon sa American Lung Association, ang paninigarilyo ay nagdudulot ng 90% ng kanser sa baga. Ayon din sa University of Texas MD Anderson Cancer Center, ang paninigarilyo na sinasabayan ng malakas na pag-inom ng alak ay nagpapataas ng panganib sa kanser sa lalamunan at iba pa.
Nasa mababang panganib naman ng pagkakaroon ng cancer ang mga taong tumigil na sa paninigarilyo. Ang peligro ng chronic sore throats at kalaunang cancer ay bumababa sa pagtigil sa paninigarilyo.
Maaari pa ring maapektuhan ang mga taong hindi naninigarilyo dahil sa tinatawag na second-hand smoke o usok na galing sa pagsisigarilyo ng iba. Sa kabutihang palad, maaari mong mabawasan ang panganib sa simpleng pag-iwas lamang dito..
Polusyon sa Hangin
Ang hangin sa malalaking lungsod tulad ng Maynila ay maaaring maging sanhi ng paulit-ulit na sore throat. Ito ay dahil sa matinding polusyon sa hangin na matatagpuan sa lungsod, mula sa mga sasakyan, construction sites, at mga pabrika. Ito ay maaaring magdulot ng iritasyon hindi lamang sa lalamunan kundi maging sa baga at mata.
Mas labis na nakakasama ang ground level ozone kaysa sa atmospheric ozone lalo kung mayroong malalang traffic, hindi mabilis na ihip ng hangin, at tirik na araw. Natuklasan ng pag-aaral ang matagal na pagbilad sa labis na polusyon ng hangin ay mayroong parehong epekto sa baga tulad ng paninigarilyo.
Acid Reflux
Ito ay kilala rin bilang gastroesophageal reflux disease o GERD. Nangyayari ang acid reflux kung ang laman ng tiyan ay umaakyat patungong esophagus. Ang acidic na likido ay umaakyat sa esophagus at naapektuhan ito, ngunit minsan, ang mga reflux ay maaaring naglalaman ng hangin.
Kasabay ng mga acid o hangin na tumataas papuntang esophagus, ang enzyme na tinatawag na pepsin na makikita sa sikmura. Ito ay responsable sa pagsira ng mga protina. Ito ay aktibo sa mababang pH o acidic na paligid tulad ng sa sikmura, at hindi aktibong lalamunan at daluyan ng hangin.
Ang mga acidic na pagkain at inumin tulad ng citrus na mga prutas at inumin, at acid reflux ay maaaring maging sanhi ng pagbaba ng pH sa lalamunan at daluyan ng hangin. Ito ang resulta ng pagiging aktibo ng pepsin. Dahil sa mga mucous cell, ang mga membranes ay karaniwang naglalaman ng protina. Ang naging aktibong pepsin ay sisira sa mga ito at magdudulot ng pangangati at paglaon ay sore throat, ubo, pamamalat, at hirap sa paglunok. Kabilang ang heartburn sa iba pang sintomas ng acid reflux.
Sa paulit-ulit na acid reflux, maaaring magbago ang esophageal cells. Maaari ring maging precancerous na yugto o kilala rin sa Barrett’s Esophagus, na maaari ding mauwi sa esophageal cancer.
Mahinang Resistensya
Unang bahagi ng depensa at responsable sa paglaban sa mga impeksyon ang resistensya ng tao.
Ayon sa University of Rochester Medical Center, mayroong ilang mga kadahilanan na ang iyong resistensya ay maaaring nakompormiso.
- Pinanganak kang may mahinang resistensya.
- Mayroong sakit na nakapagpapahina ng resistensya, tulad ng HIV.
- Mayroon kang resistensya na masyadong aktibo na nagdudulot ng allergy o asthma.
- Ang iyong resistensya ay abnormal na tumutugon sa iyong katawan. Ito ay nangyayari sa sakit tulad ng lupus, at type 1 diabetes.
Ang taong nakokompormiso ang resistensya ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng chronic sore throat at iba pang sakit dahil sa ang mga ito ay hindi kayang labanan ang mga impeksyon at virus na nakapasok sa katawan.
Kanser sa Lalamunan
Ginagamit bilang pansakop na termino ang kanser sa lalamunan o throat cancer sa iba pang uri ng kanser sa pharynx, ang tubo na ating ginagamit sa paglunok, at ang larynx, o ang voice box.
Ayon sa University of Texas MD Anderson Cancer Center, ang bilang ng mga may kaugnayan sa paninigarilyo ay humaba. Ngunit ang bilang ng mga bagong kaso na may kaugnayan sa HPV throat cancer ay labis na tumaas.
Ngayon, ang HPV ay ang pinaka karaniwang panganib sa throat cancer. Ang HPV o human papillomavirus ay napapasa sa sekswal na paraan, kabilang ang oral sex. Sumasaklaw sa mahigit 150 virus ang HPV, at ang HPV 16 ay ang uri na may kaugnayan sa throat cancer. Gayunpaman ang throat cancer ay maaaring mabuo kahit natapos na ang ilang taon matapos mailantad sa virus. Ang pagkalantad sa mga nakakasamang kemikal tulad ng nickel, asbestos, at usok ng sulfuric acid ay maaaring mag-trigger sa pagbuo ng throat cancer.
Ang paulit-ulit na sore throat nga ba ay sintomas ng cancer? Oo, ngunit hindi sa lahat ng oras.
Karaniwang babala ng sore throat cancer ay ang hindi nawawalang sore throat.
Isa sa pinaka karaniwang babala ng sore throat cancer ay ang sore throat. Ang ibang sintomas ng throat cancer ay kinabibilangan ng:
- Hindi nawawalang ubo
- Hirap sa paglunok
- Pamamalat at iba pang pagbabago sa boses
- Bukol sa bibig, lalamunan o leeg
- Pananakit sa tenga at panga
- Hirap sa paghinga
- Hindi maipaliwanag na pagpayat
- Pananakit ng ulo
Ang doktor ay maaaring i-diagnose ang throat cancer sa pamamagitan ng mga pagsusuri tulad ng imaging tests, procedure ng scoping at biopsies, tulad na lamang sa ibang uri ng cancer. Maaari nilang gamutin ang throat cancer sa pag-opera, radiation therapy, targeted therapy, o chemotherapy.
Mahalagang Tandaan
Bagaman maaaring isama ang genetic na kadahilanan upang malaman kung ikaw ay magkakaroon ng cancer o hindi, maaari mong mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng throat cancer sa pamamagitan ng pagiging maingat, at pagsasaayos ng pamumuhay.
Isang paraan ay ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang pagbabago sa diet at pag-iwas sa mga pagkain na maaaring mag-trigger sa acid reflux ay makatutulong upang maiwasan ang malalang mga kondisyong medikal.
Tandaan din na hugasan ang kamay gamit ang sabon sa nang mas madalas. Iwasan din na hawakan ang mga mata, ilong, bibig upang maiwasan ang impeksyon.
Isaisip na kung ikaw ay may sore throat, hindi ito direktang nangangahulugang may kanser din. Gamutin ang lalamunan nang may pangangalaga at kung ang sore throat ay nananatili at hindi gumagaling, laging tandaan na ang pagkonsulta sa doktor ang pinakamainam na gawin dahil maaari itong dulot ng iba pang pangkalusugang problema.
Matuto pa tungkol sa kanser, dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.