backup og meta

Kaalaman sa Pancreatic Cancer: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Kaalaman sa Pancreatic Cancer: Lahat ng Dapat Mong Malaman

kaalaman sa pancreatic cancer

Pancreatic cancer: ano ito? Ang cancer na nagde-develop sa pancreatic tissue na kilala bilang pancreatic cancer. Ang tissues ng pancreas, isang mahalagang endocrine organ na makikita sa likod ng tiyan, na nagde-develop bilang pancreatic cancer. Ipagpatuloy ang pagbabasa sa kaalaman sa pancreatic cancer.

Para saan ang pancreas?

Mahalaga ang gampanin ng pancreas sa pagpo-produce ng digestive enzymes na kailangan ng katawan upang i-break down ang lipids, carbohydrates, at protina. Nagre-release din ang pancreas ng enzymes na nakatutulong sa pagtunaw at nagpo-produce ng hormones na nakatutulong sa pag-manage ng blood sugar.

Karagdagan, ang pancreas ay nagpo-produce ng mahalagang hormone na glucagon at insulin, na nagkokontrol ng metabolism ng glucose (sugar). Nakatutulong ang glucose sa cells para sa enerhiya, at nakatutulong ang glucagon sa pagtaas ng lebel ng glucose kung ito ay mababa. Maaaring mapanghamon ang cancer sa pancreas upang matukoy dahil sa lokasyon ng pancreas at madalas na napapansin sa kinalaunan na stage ng sakit.

Uri ng pancreatic cancer

Maaaring magsimula ang cancer sa pancreas sa ulo, katawan, o dulo ng organ. Ang wide end ay tinatawag na ulo, ang manipis na dulo ay tinatawag na buntot, at ang porsyon sa gitna ay tinatawag na katawan. Ang pag-alam sa uri ng cell at kung saan sa pancreas nagsimula ang cancer ay nakatutulong sa doktor upang matukoy ang pinakamainam na lunas para sa iyo.

Ang apat na tiyak na baryasyon ng cancer sa pancreas ay ang mga sumusunod:

  • Squamos
  • Pancreatic progenitor
  • Aberrantly differentiated endocrine exocrine (ADEX)
  • Immunogenic

Ang baryasyon ng immunogenic ay maaaring mag-react sa tiyak na porma ng cancer immunotherapy, kung saan namo-modify ang immune system upang matukoy at labanan ang cancer cells.

Stages ng cancer

Maaaring magsagawa ang mga medical specialist ng karagdagang test upang matukoy kung ang pancreatic cancer ay kumalat matapos matukalasan. Ang resulta ng tests na ito ay gagamitin upang tayahin ang stage ng cancer, na nakatutulong sa mga doktor na tumukoy sa pinaka akmang lunas. Kabilang dito ang blood tests at imaging examinations tulad ng PET scan.

Ang mga sumusunod ay ang progreso ng pancreatic cancer:

  • Stage 0: Ang pancreas ay naglalaman ng aberrant cells na potensyal na nagkakaroon ng cancer. Minsan sa stage na ito ay tinutukoy na precancer.
  • Stage 1: Ang pancreas ay apektado ng tumor.
  • Stage 2: Ang tumor ay nag-migrate sa katabi ng lymph nodes o abdominal tissues.
  • Stage 3: Ang tumor ay napunta na sa lymph nodes at main blood arteries.
  • Stage 3: Ang tumor ay nag-metastasized sa ibang organs, tulad ng atay. Kilala rin sa tawag na metastatic cancer.

Narito ang mas masinsinang pagtingin sa iba’t ibang yugto ng pancreatic cancer:

Stage 0 pancreatic cancer

Ito ang maagang stage ng cancer sa pancreas, na hindi kinakailangan na tukuyin bilang malignant. Sa halip, ibig sabihin lamang nito na ang abnormal cells ay natukoy. At bagaman walang kasalukuyang sintomas, maaari itong maging cancer.

Stage 1 pancreatic cancer

Sa stage 1 pancreatic cancer, ang pancreas ay maaaring mag-produce ng tumor. Ang stage na ito ay nahahati sa dalawang subcategories base sa laki ng tumor:

  • Level 1A, ang tumor ay hindi mas malaki sa 2 cm.
  • Lebel 1B, ang tumor ay mas maliit sa 4 na cm ngunit mas malaki sa 2 cm na laki.

Maaaring isagawa ang operasyon upang lunasan ang pancreatic cancer kung nakita ito sa unang stage, na tipikal na walang mapapansin na sintomas.

Stage 2 pancreatic cancer

Sa stage 2 ng cancer sa pancreas ay nakaaapekto pa rin ito sa pancreas, ngunit maaari itong kumalat sa nalalapit na lymph nodes o blood vessels.

Ang stage na ito ay nahahati sa dalawang sections depende sa pagiging malala ng lokasyon at laki ng tumor:

  • Phase 2A Plus: Bagaman ang tumor ay mas malaki sa 4 na cm, hindi pa ito kumakalat sa kahit na anong lymph nodes o katabing tissues.
  • Level 2B: Ang tumor ay kumalat sa katabing lymph nodes.

Ang ilan sa mga senyales at sintomas ng stage 2 pancreatic cancer ay jaundice, altered urine color, sakit o sensitibo na itaas na bahagi ng tiyan, pagbagsak ng timbang, kawalan ng gana, at pagkapagod.

Stage 3 pancreatic cancer

Sa stage 3 pancreatic cancer na sintomas ay kabilang ang sakit sa likod, masakit o sensitibong itaas na bahagi ng tiyan, kawalan ng gana, pagbaba ng timbang, pagkapagod, depresyon, at pancreatic tumor na nagtungo malapit sa lymph nodes o blood vessels.

Kahit na mahirap na lunasan ang stage 3 pancreatic cancer, mayroong lunas na makatutulong upang mabawasan ang sintomas at maiwasan ang cancer mula sa pagkalat. Ang lunas na ito ay kabilang ang partial na pagtanggal ng pancreas sa operasyon, chemotherapy drugs, at radiation therapy.

Karamihan ng mga tao na nasa stage ng sakit na ito ay maaaring magkaroon ng recurrence. Ito ay maaari dahil sa panahon ng diagnosis, micrometastases, o hindi natukoy, pagkakaroon ng minuscule malignant, kumalat sa labas ng pancreas at hindi na kayang matanggal sa pamamagitan ng operasyon.

Stage 4 pancreatic cancer

Dahil ang pancreatic cancer ay bihirang maging sanhi ng sintomas hanggang sa kumalat sa ibang bahagi, ito ay madalas na makikita kinalaunan ng stage. Sa puntong ito, maaari kang makaranas ng mga sumusunod na sintomas: ang itaas na bahagi ng tiyan ay masakit, sakit sa likod, labis na pagod, jaundice (paninilaw ng balat), kawalan ng gana kumain, pagbaba ng timbang, at depresyon. Bagaman ito ay nasa kinalaunan na stage na, ang lunas sa stage 4 pancreatic cancer ay available.

Pancreatic Cancer FAQs

Maaari ka bang maka-survive kung napansin nang maaga ang cancer?

Ibig sabihin na hindi ito karaniwang mapapansin maliban na lamang kung sa kinalaunan na stage kung ang cancer ay hindi na kayang tanggalin ng operasyon at/o kumalat mula sa pancreas papuntang ibang bahagi ng katawan. Kung ang cancer ay natukoy sa mas maagang stage, ang pagtanggal ng tumor ay posible sa operasyon. Ang 5 taong survival rate ay nasa 42%.

Sino ang mataas ang banta ng ganitong uri ng cancer?

Ang banta ng pagkakaroon ng pancreatic cancer ay tumataas sa mga taong matatanda. Halos lahat ng pasyente na mas matanda sa edad na 45. Nasa ⅔ ay nasa 65 na taong gulang. Ang average na edad sa oras ng diagnosis ay 70.

Maaari bang maging sanhi ng cancer ang stress?

Ipinakita rin ng bagong pag-aaral na ang stress ay nakadaragdag ng pagkakaroon ng pancreatic cancer sa pamamagitan ng pag-trigger sa paglabas ng “fight o flight” na hormones.

Ano ang pakiramdam ng maagang pancreatic cancer?

Ang karaniwang sintomas ng pancreatic cancer ay mapurol na sakit sa itaas na bahagi ng tiyan at/o gitna o itaas na likod na pabalik-balik. Ito ay maaaring dahil sa tumor na nabuo sa katawan o buntot ng pancreas dahil natutulak nito ang spine.

Mahalagang Tandaan

Kumonsulta ng healthcare provider sa lalong madaling panahon kung ikaw ay may sintomas na pinaniniwalaan na kaugnay ng pancreatic cancer, lalo na kung mataas ang tsansa ng pagkakaroon ng sakit. Ang pancreatic cancer ay tumutugon sa lunas kung natuklasan sa maagang stages, kahit na maraming mga sakit na maihahambing sa sintomas.

Matuto pa tungkol sa Pancreatic Cancer dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pancreatic Cancer: key statistics, https://www.cancer.org/cancer/pancreatic-cancer/about/key-statistics.html, Accessed Aug 12, 2022

Epidemiology and risk factors of pancreatic cancer, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6502190/, Accessed Aug 12, 2022

Cancer Stat Facts: Pancreatic Cancer, https://seer.cancer.gov/statfacts/html/pancreas.html, Accessed Aug 12, 2022

Epidemiology of Pancreatic Cancer: Global Trends, Etiology and Risk Factors, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6396775/, Accessed Aug 12, 2022

Pancreas, https://seer.cancer.gov/statfacts/html/pancreas.html, Accessed Aug 12, 2022

Incidence & Mortality by Race/Ethnicity, https://seer.cancer.gov/archive/csr/1975_2017/results_merged/topic_race_ethnicity.pdf, Accessed Aug 12, 2022

Kasalukuyang Version

03/13/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Sintomas ng Pancreatic Cancer: Ano-Ano Ang Dapat Mong Malaman?

4 Na Paraan Kung Paano Maiiwasan Ang Pancreatic Cancer


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement