Isa sa mga paraang ginagawa sa paggamot ng cancer ang chemotherapy. Gumagamit ang chemotherapy ng malalakas na gamot upang mapatay ang mga cancer cell. Kumpara sa radiotherapy o surgery na parehong local treatments, ang chemotherapy ay isang systemic treatment. Ibig sabihin, kaya nitong gamutin ang cancer sa halos saanmang bahagi ng katawan. Paano ginagawa ang chemotherapy?
Gayunman, ang paggamit ng malalakas na gamot ay nangangahulugan ding ang proseso ng chemotherapy ay maaaring may side effects sa katawan. Puwedeng mapamahalaan ang mga sintomas nito nang walang gaanong problema. Ngunit may mangilan-ngilang kaso kung saan nagiging matindi at banta sa buhay ang side effects.
Gaano Kadalas Ginagawa Ang Chemotherapy?
Hindi palaging ginagamit ang chemotherapy sa paggamot ng cancer. Lalo na kung puwedeng gamutin ang cancer gamit ang hindi gaanong malalakas na anyo ng gamutan. Madalas itong mangyari kapag maagang natuklasang may cancer ang isang tao. Halimbawa, ang napakaliliit na breast cancer na natuklasan gamit ang mammograms.
Gayunpaman, kapag kumalat na sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang cancer, kadalasang inirerekomenda ang chemotherapy. Dahil isa itong systemic treatment, kaya nitong ma-target ang mga cell sa buong katawan.
Maaari ding gamitin ang chemotherapy sa advanced stages ng cancer (stage II-III cancers). Puwede itong gawin bago o pagkatapos ng primary local treatment para sa iyong cancer gaya ng surgery o radiotherapy.
Paano Ginagawa Ang Chemotherapy?
Bago sumailalim sa chemotherapy, ikokonsidera ng isang oncologist kung ano na ang stage ng cancer ng pasyente. Pati na rin ang uri ng cancer nito bago irekomenda ang chemotherapy. Paano ginagawa ang chemotherapy?
Kung nalamang malusog ang pasyente at puwede siyang sumailalim sa chemotherapy, pipili ang oncologist ng kombinasyon ng mga gamot, dosage, dalas ng pag-inom, at haba ng gamutan na pinakamainam.
May iba’t ibang paraan kung paano mabibigyan ng chemotherapy na gamot ang pasyente. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Maaaring ibigay ang chemotherapy drugs tulad ng flu shot at itinuturok sa daluyan ng dugo.
- May ilang gamot na ibinibigay intravenously. Ibig sabihin, isang karayom na konektado sa isang tube ang ipapasok sa ugat sa braso o dibdib. Nangangahulugang ipinapasok sa loob ng katawan ng pasyente ang mga gamot na ito.
- May mga gamot na puwedeng inumin bilang pills o capsules.
- Para naman sa ilang uri ng skin cancer, maaaring irekomenda ang creams upang direktang patayin ang anumang cancer cells.
- Para sa mas matitinding anyo ng cancer, ang maliliit na disk-shaped wafers na may chemotherapy drugs ay maaaring direktang ilagay malapit sa tumor sa pagsasagawa ng operasyon.
Ang pasyenteng sumasailalim sa chemotherapy ay hindi kailangang inumin ang mga gamot sa buong panahong ginagamot ang kanilang cancer. Kailangan din ng katawan ng panahon upang magpahinga at magpagaling upang maging malakas, sapat upang harapin ang panibagong chemotherapy.
Babantayan din ng oncologist ang kondisyon ng pasyente sa panahong ito at titingnan kung tumatalab ang proseso ng chemotherapy sa pagpatay ng cancer cells. Maaaring magkaroon ng adjustment sa gamutan depende kung gaano ito kaepektibo.
Kailan Kadalasang Inirerekomenda Ang Chemotherapy?
Hindi palaging ginagamit ang chemotherapy sa paggamot sa cancer. Maaari din itong gamitin upang paliitin ang mga tumor bago ang operasyon, o patayin ang cancer cells sa katawan matapos magsagawa ng radiotherapy.
Narito ang ilang pagkakataong maaaring irekomenda ng oncologist ang chemotherapy:
- Maaari itong gamitin upang gawing manageable ang mga tumor bago sumailalim sa operasyon o radiotherapy.
- Puwede rin itong gamitin upang patayin ang cancer cells at pigilan itong lumitaw ulit.
- Inirerekomenda rin ito kung kumalat na sa ibang bahagi ng katawan ang cancer cells.
- May ilang uri ng cancer gaya ng cancer sa dugo ang higit na sensitibo sa chemotherapy. Kaya’t ito ang dahilan kung bakit epektibo itong anyo ng gamutan.
- Puwede rin itong gamitin upang isama sa radiotherapy, sa isang prosesong tinatawag na chemoradiotherapy. Gayunpaman, mas marami itong side effects sa pasyente.
- Kadalasan, inirerekomenda ang chemotherapy sa mga pasyenteng nasa Stage II o mas mataas pa ang cancer. Sa Stage I, maaaring gamutin ang cancer gamit ang radiotherapy o surgery.
- Para sa pasyenteng may malalang cancer, maaari ding irekomenda ang chemotherapy upang makontrol ang pagkalat ng cancer.