backup og meta

Anu-ano ang mga Hindi Napapansin na Senyales ng Ovarian Cancer?

Anu-ano ang mga Hindi Napapansin na Senyales ng Ovarian Cancer?

Marami ang sumangguni sa ovarian cancer bilang “silent killer” dahil sa mga sintomas at senyales nito na lumalabas lamang kung nasa malalang yugto na ng sakit. Bilang resulta, ang huling diagnosis ay kalimitang nauuwi sa hindi na magagamot na sakit. Anu-ano ang mga hindi napapansing senyales ng ovarian cancer na dapat mong malaman? Alamin dito.

Ano ang Ovarian Cancer? 

Ang ovarian cancer ay uri ng cancer na nangyayari sa obaryo ng kababaihan. Ang mga obaryong ito ay maliliit, mala-almond na hugis na organ sa magkabilang paligid ng uterus, dito naiimbak ang egg cells. Bumubuo rin ito ng dalawang uri ng hormone ng babae, ang estrogen at progesterone, na nakatutulong sa pang-araw-araw na paggalaw ng katawan. Kung ang mga cancer cell ay mabuo sa bahagi ng katawang ito, ito ay tinatawag na ovarian cancer. 

Maaaring magsimula ang cancer sa mga obaryo, at kakalat na makaapekto sa kabuuang reproductive system ng mga babae. 

Maaaring hindi alam ng ibang tao, ngunit ang terminong ovarian cancer ay tumutukoy sa ilang mga uri ng cancer na may parehong sintomas. Ang tumor sa sakit na ito ay maaaring: 

  • High-grade serous
  • Low-grade serous
  • Mucinous
  • Endometrioid
  • Clear cell
  • Mixed epithelial
  • Germ cell and stromal
  • Borderline (low-malignant potential) 

Ang mga sintomas ng ovarian cancer ay may pagkakapareho sa iba pang kondisyon, kung kaya’t ang ilang doktor ay hindi nahuhuli ang sakit na ito sa unang yugto. May parehong sintomas at senyales ang ovarian cancer sa mga sumusunod na kondisyon: 

Pinaka karaniwan ang low-grade ovarian cancer sa mga batang babae, at mabagal na lumalala. Ilan sa mga hindi napapansing mga sintomas at senyales ng ovarian cancer ay maaaring mild, na nagpapadali sa mga doktor at kababaihan na hindi mapansin.

Ano ang mga Hindi Napapansing Senyales ng Ovarian Cancer? 

Ang maagang yugto ng anumang uri ng cancer ay karaniwang hindi nagpapakita ng sintomas. At sa oras na nadiskubre ito, ang cancer ay maaaring kumalat na sa katawan. Sa buong mundo, ang ovarian cancer ang dahilan ng kamatayan ng maraming babae kaysa sa ibang problema sa reproductive system. 

Ilan sa mga hindi napapansing senyales ng ovarian cancer ay:

Paglaki ng Tiyan 

Hindi kasiya-siyang pakiramdam ang paglaki ng o punong tiyan na karaniwang nararanasan ng bawat kababaihan. Maaaring normal na makaramdam ng paglaki ng tiyan lalo sa mga araw ng regla; gayunpaman, hindi normal ang bloating na tumatagal ng ilang linggo. 

Isa sa pinakamaagang senyales ng ovarian cancer ay ang pakiramdam na bloated na sinasamahan ng pamamaga sa tiyan (abdominal distension)

Iregular na Regla 

Ayon sa Ovarian National Alliance, ang biglaang pagbabago sa cycle ng regla o pagdurugo sa pagitan ng regla ay maaaring dulot ng iba’t ibang kadahilanan. Maaari din itong maging sanhi ng malalang problema kung ito’y sasamahan ng ibang senyales mula sa iba pang sintomas.

Paulit-ulit na sakit sa Tiyan (Pelvic) 

Ang hindi nawawalang sakit sa tiyan sa loob ng ilang araw ay malinaw na indikasyon ng mas malaking problema. Ang ovarian cancer at ovarian cysts ay parehong may sintomas nito. Kung ikaw ay nakararanas ng hindi nawawalang pananakit sa tiyan, agad na komunsulta sa iyong doktor.

Problema sa Pag-ihi 

Kung ikaw ay may tumor sa iyong pelvis, maaaring nitong maapektuhan ang bladder at makabawas sa kapasidad nito. Ito ay nagsasanhi ng mabilis na pag puno ng bladder at pag-ihi nang mas madalas. Ito ang rason kung bakit ang ovarian cancer ay karaniwang iniuugnay sa urinary tract infections (UTIs).

Pag-iiba sa Dumi 

Ang irritable bowel syndrome, ovarian cancer, at stress at pagkabalisa ay konektado sa gastrointestinal. Isa ring tipikal na sintomas na may kaugnayan sa ovarian cancer ang pagtitibi.

Bagaman ang mga sintomas na ito ay karaniwan lamang sa ibang sakit, mahalagang bigyan atensyon ang pagbabago sa iyong pagdumi.

Kawalan ng Gana sa Pagkain 

Ang mga babae na may ovarian cancer ay nakakagulat na bigla na lamang makararamdam ng kabusugan at walang gana sa pagkain. Ang hirap sa pagkain na ito ay marahil dulot ng tumor na pumipigil sa mga hormone na ayusin ang metabolism. 

Kabilang din ang may sakit na nararamdaman kung makikipagtalik, pagkahilo, fatigue bilang hindi napapansing senyales ng ovarian cancer, na maaari mong tandaan. 

Mahalagang Tandaan

Mahirap matukoy agad ang mga maaagang sintomas ng ovarian cancer, maraming pangkaraniwang sakit ang may parehong mga sintomas. Maraming kadahilanan ang kasangkot kabilang ang yugto at uri ng ovarian cancer, history ng pamilya, edad, at maging ang kabuuang kalusugan at katauhan. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang kalusugan ng reproductive at suriin ang anumang pagbabago. 

Siguruhing magpakonsulta agad sa doktor kung makaranas ng anuman sa mga hindi napapansing senyales ng ovarian cancer.

Matuto pa tungkol sa ovarian cancer dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

5 Early Signs of Ovarian Cancer, https://www.rush.edu/news/5-early-signs-ovarian-cancer Accessed October 18, 2021

6 Commonly Missed Signs of Ovarian Cancer: The Silent Killer, https://www.clearityfoundation.org/6-commonly-missed-signs-of-ovarian-cancer-the-silent-killer/ Accessed October 18, 2021

7 Signs Ovarian Cancer You Might Be Ignoring,

https://meyercancer.weill.cornell.edu/news/2016-04-27/7-signs-ovarian-cancer-you-might-be-ignoring Accessed October 18, 2021

8 Silent Signs of Ovarian Cancer,

https://healthcare.utah.edu/huntsmancancerinstitute/news/2021/09/8-silent-signs-of-ovarian-cancer.php Accessed October 18, 2021

What Is an Ovarian Cancer?, https://ovarian.org/about-ovarian-cancer/what-is-ovarian-cancer/ Accessed October 18, 2021

 

Kasalukuyang Version

08/21/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Kaugnay na Post

Alamin: Ano Nga Ba Ang Sanhi Ng Ovarian Cancer?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement