backup og meta

Namamagang Kulani o Lymph Nodes, Sintomas nga ba ng Cancer?

Namamagang Kulani o Lymph Nodes, Sintomas nga ba ng Cancer?

Ang ating katawan ay may higit 600 na maliit, at hugis kidney na kulani. Ang kulani na kilala rin sa tawag na lymph glands, ay tumutulong sa paglaban ng impeksyon. Sa loob ng kulani ay kombinasyon ng iba’t ibang uri ng immune system cells, na nagtatrabaho bilang tagasala ng mga patay at napinsalang cells. Tina-trap din nila ang viruses at bacteria bago ma-infect ang ibang bahagi ng katawan. Ang namamagang kulani ay maaaring maramdaman sa leeg, sa gitna ng iyong dibdib o tiyan. Maaari din itong maramdaman sa iyong kilikili, o sa bahagi ng singit. 

Maaaring mapansin mo ang iyong leeg o kilikili na may bukol. Ito ay ikaaalarma mo. Kailangan bang mangamba sa namamagang kulani? Sintomas ba ng kanser ang kulani? Kailan magdo-double check sa mga senyales at kailan magpapatingin sa doktor?

Ano ang ibig sabihin ng namamagang kulani?

Ang namamagang kulani ay hindi agad ibig sabihin na kanser. Sa katunayan, nasa 0.4% ang tsansa na ang namamagang kulani ay maaaring kanser sa mga pasyente na mas bata sa 40 taong gulang, at nasa 4% para sa mga pasyenteng mas matanda sa 40 taong gulang. Ito ay senyales na sila ay nagtatrabaho maigi. Ang mga kulani ay namamaga kung ito ay na-impeksyunan ng bacteria o viruses.

Kalimitan, ang lymph nodes ay bumabalik sa normal kung ang impeksyon ay nalulunasan. Maaari kang magpatingin sa doktor kung nais mong makasiguro, lalo na kung ang kulani ay lumaki nang walang rason o kung hindi nawala nang kusa matapos ang dalawa hanggang apat na linggo.

Humingi ng medikal na tulong kung ang iyong kulani ay may kasamang lagnat, at pagpapawis sa gabi o hindi mapaliwanag na pagpayat. Kailangan mong agaran na humingi ng medikal na tulong kung ang kulani ay kasama ng hirap sa paglunok o paghinga.

Sintomas ba ng kanser ang kulani na namamaga?

Ang namamagang kulani ay maaaring maraming ibig sabihin at nakalilito. Maaaring ibig sabihin nito na ikaw ay may

  • Strep throat
  • Tigdas
  • Impeksyon sa tenga
  • Namamagang ngipin
  • Human immunodeficiency virus (HIV)

Sa mga sobrang dalang na kaso, ang namamagang kulani ay maaaring sanhi ng kanser. Ang kanser na makikita sa kulani ay tinatawag na lymphoma. Maraming mga uri ng lymphomas at karaniwan itong inuuri sa dalawa. Ang Hodgkin’s lymphoma at non-Hodgkin’s lymphoma. Kaya’t sintomas ba ng cancer ang kulani?

Ang consistency ng nodes ay maaaring makapagsabi kung ang kulani ay maaaring makapagsabi na ikaw ay may kanser. Karaniwang senyales ang matitigas (parang bato) na lymph nodes ng kanser na metastatic. Ang kulani na masyadong firm at parang goma ay maaaring lymphoma.

Nasa ibaba ang ibang mga senyales at sintomas ng kanser sa kulani:

  • Bukol sa ilalim ng balat, tulad ng leeg, sa ilalim ng kilikili, o sa singit
  • Lagnat na pabalik-balik at tumatagal ng ilang mga linggo na walang kaakibat na impeksyon
  • Malalang pagpapawis sa gabi
  • Kapansin-pansing pagbaba ng timbang na walang effort
  • Hirap sa paghinga, pag-ubo at sakit sa dibdib
  • Pangangati ng balat
  • Pakiramdam na pagod
  • Kawalan ng gana

Sa kabilang banda, ang non-Hodgkin’s lymphoma ay maaaring kabilang ang mga sumusunod na sintomas:

  • Paglaki ng kulani
  • Chills o pangangatog
  • Pagbawas ng timbang
  • Fatigue
  • Pamamaga ng tiyan
  • Mabilis na kabusogan kahit na kakaunti lang ang kinakain
  • Sakit sa dibdib
  • Kakapusan sa paghinga o pag-ubo
  • Labis o palaging may impeksyon
  • Madaling magkapasa o magdugo ng sugat
  • Lagnat na pabalik-balik at tumatagal ng ilang mga linggo, kahit na walang impeksyon
  • Labis na pagpapawis sa gabi
  • Kapansin-pansing pagbawas ng timbang kahit na walang effort

Ang mga cancer cells ay maaaring kumalat sa kulani mula sa kanser na nagmula sa ibang parte ng katawan. Ito ay kung saan ang cancer cells ay kumakawala mula sa tumor sa katawan at kumakalat sa bahagi ng kulani. Ang mga cancer cells ay karaniwang naglalakbay sa kulani malapit sa tumor.

Paano sinusuri ng mga doktor kung sintomas ba ng kanser sa kulani ang pamamaga?

Ang tanging paraan lamang upang malaman kung ang kulani ay dulot ng kanser  sa pamamagitan ng biopsy. Sa biopsy, ang mga doktor ay tatanggalin ang kulani o kukuha ng sample ng tissue gamit ang mga karayom.

Titignan ng pathologist ang mga samples na ito at sasabihin kung ito ba ay may cancer cells. Kung ang kulani ay may kanser, magsasagawa ang pathologist ng pag-uulat upang bigyan ng katangian ang itsura nito, kabilang ang laki o dami.

Kung mayroong kanser na makikita sa isa o marami pang kulani, kinakailangan pa ng maraming test. Ito ay upang malaman kung anong stage na ito ng kanser at gaano kumalat.

Kung ang namamagang kulani ay cancerous, ang iyong oncologist ay maaaring magpayo ng iba’t ibang lunas dito tulad ng:

Matuto pa tungkol sa Cancer dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lymph Nodes and Cancer, https://www.cancer.org/cancer/cancer-basics/lymph-nodes-and-cancer.html Accessed September 8, 2021

When Are Swollen Glands a Sign of Cancer in the Lymph Nodes?, https://health.clevelandclinic.org/when-are-swollen-glands-a-sign-of-cancer-in-the-lymph-nodes/ Accessed September 8, 2021

Swollen lymph nodes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/swollen-lymph-nodes/diagnosis-treatment/drc-20353906 Accessed September 8, 2021

Lymphadenopathy: Differential Diagnosis and Evaluation, https://www.aafp.org/afp/1998/1015/p1313.html Accessed September 8, 2021

Cancer and lymph nodes, https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000824.htm Accessed September 8, 2021

Kasalukuyang Version

08/04/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin Dito Kung Ano Ang Puwedeng Gamot Para Sa Prostate Cancer

Ano Ang Dapat Asahan Sa Stage 4 Pancreatic Cancer?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement